You are on page 1of 8

ANU-ANO ANG MGA

HANGUAN NG PAKSA?
1. SARILI
2. INTERNET
3. DYARYO
4. RADYO
5. TELEBISYON
6. MGA AWTORIDAD
AT IBA PANG TAO
●Ang paghahanap ng paksa na
napapanahon at makabuluhan ay isa sa
pinakamahirap na gawain sa paggawa ng
pamanahong papel. Ito ay dahil kahit
maraming maaaring pagkuhanan ng paksa,
hindi ibig sabihin nito na ang lahat ng
paksa na maiisip ay maaaring piliin.
Kinakailagan maging mapanuri ang isang
mananaliksik pagdatin sa pagpili ng paksa.
ANU-ANO ANG MGA DAPAT
IKONSIDERA SA PAGPILI
NG PAKSA?
1. LIMITASYON NG PANAHON
Ito ay dapat isaalang-alang
sapagkat may mga paksa na
kinakailangan ng mahabang panahon
upang maisakatuparan. Kapag ito ay
nakaligtaan, maaaring magtagal ang
pagsasakatuparan ng paksa na
siyang lubhang makaaapekto sa
mananaliksik.
ANU-ANO ANG MGA DAPAT
IKONSIDERA SA PAGPILI
NG PAKSA?
2. INTERES NG MANANALIKSIK
Kung ang paksa ay ibabase sa
interes ng mananaliksik, mas mapapadali
ang pagsasakatuparan nito sapagkat mas
mapagtutuunan niya ito ng pansin. Hindi
maitatanggi na kapag ang isang tao ay
hindi interesado na gawin ang isang
bagay at napipilitan lamang sila, ang
kalalabasan ay hindi kasing maayos
kumpara sa taong interesado sa ginagawa
nito.
ANU-ANO ANG MGA DAPAT
IKONSIDERA SA PAGPILI
NG PAKSA?
3. KABULUHAN NG PAKSA
Ang palaging itinuturo ng mga guro
sa pananaliksik ay ang mga mananaliksik
ay dapat pumili ng paksa na makabuluhan o
may saysay. Kung ang isang paksa ay wala
namang dalang benepisyo, masasayang
lang ang paghihirap ng mananaliksik.
Kinakailangang maging mapanuri sa pagpili
ng paksa upang maiwasang masayang ang
oras sa bagay na wala namang magandang
maidudulot.
ANU-ANO ANG MGA DAPAT
IKONSIDERA SA PAGPILI
NG PAKSA?
4. KASAPATAN NG DATOS
Kinakailangang matukoy ng
mananaliksik kung sapat ba ang datos at
impormasyon na makukuha niya mula sa
iba’t ibang uri ng literatura. Kung ang paksa
ay may kabaguhan o talagang natatangi,
maaaring mahirapan ang mananaliksik sa
pagkalap ng kinakailangan datos at
impormasyon.
ANU-ANO ANG MGA DAPAT
IKONSIDERA SA PAGPILI
NG PAKSA?
5. KAKAYAHANG PINANSYAL
Tulad ng panahon, kinakailangan din
ikonsidera ng mananaliksik ang kaniyang
kakayahang pinansyal upang hindi siya
kapusin sa badyet na maaaring
makapagpahinto ng pagsasakatuparan ng
paksa. Ito ay dahil may mga paksa na
kinakailangang paglaanan ng malaking halaga
ng salapi upang maisakatuparan. Maaaring pa
rin naman na isakatuparan ang paksa sa
pamamagitan ng paglilimita ng badyet ngunit
maaapektuhan nito ang kalidad ng papel.

You might also like