You are on page 1of 18

Paano kayo mamili?

Ang Pagpili ng
Paksa sa Pananaliksik
ARALIN 9
Mga mapaghahanguan ng paksa
Pahayagan/Dyaryo at Magasin
Subuking buklatin ang kabuuan ng tatlong linggong dyaryo.
Makababasa ka ng maaari mong gawan ng pananaliksik.
Halimbawa:

Sa larangan ng pulitika - Partido Liberal laban sa Partido


Nacionalista...
Sa larangan ng isports — Barangay Ginebra patuloy ang
pagsikat.
Sa larangan ng kabuhayan — Ang pagtaas ng presyo ng
asukal at pandesal
Sa larangan ng turismo — Ang pagkakasama ng Palawan
bilang isa sa mga "tourist destination" sa buong Asya.
Radyo/TV

Ang mga programa sa radio at TV ay mga


bukal na mapaghahanguan din ng mga
paksa.
Halimbawa:
• Ang laban sa rating ng Kapamilya at
Kapuso Network
• Ang mga gantimpala na nakamit ng mga
programa sa radyo at telebisyon
• Ang mga teleserye at gag shows: mga
epekto sa buhay ng mga kabataan
Aklatan
Sa lugar na ito matatagpuan ang pinakamaraming paksa sa
pananaliksik.
Halimbawa
• Sa larangan ng medisina—AlDS, H1N1 virus, kanser
• Sa larangan ng teknolohiya Friendster, Facebook, Twitter
• Sa larangan ng Pagluluto — African foods, European foods,
Asian foods
Ang Sarili

Nararapat na kilalanin mo muna ang iyong sarili,


bago ka magtangkang humanap ng paksa.
Maaaring sa sarili mag-umpisa ang pag-iisip ng
mga paksang maaaring saliksikin.
Halimbawa:
• Sa larangan ng Teknolohiya — cellphone,
computer games, ipod
• Sa larangan ng Literatura — tula, maikling
kwento, nobela
• Sa larangan ng Isports — basketball, volleyball,
tennis, golf
Mga Eksperto/Kaibigan/Guro

Maaari ka ring makakuha ng mga paksa sa


mga eksperto, kaibigan, at guro sa
pamamagitan ng pagkukunsulta at
pagtatanong sa mga naiisip mong mga paksa
upang ito ay magkaroon ng kalinawan.
Halimbawa:
• Climate Change
• Acid Rain/Cloud Seeding
• Political Advertisement
Maaaring ibigay ng guro ang saklaw ng paksang
gagawan ng sulating pananaliksik
Maaaring sa interes ng estudyante ang paksang
gagawan ng pananaliksik
Hindi dapat masaklaw upang kayang gampanan sa
l00b ng limitadong panahong nakatakda para sa
naturang pananaliksik.
Siguraduhing may mapagkukunan ng sapat na
materyales
Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan
sapagkat maaaring may kahirapang gagapin ang mga
termino at hindi na angkop para sa panimulang
pananaliksik
Kailangang napapanahon
Ang Paglilimita ng Paksa

Ayon pa rin kina Atienza, et al(1996), mahalaga na sa


simula palamang ay ilimita na ang paksang pinili para
hindi ito maging masaklaw at para hindi maging
hadlang ang limitasyon ng panahon.

Narito ang ilang batayan sa paglilimita ng paksa:


1. Sakop ng Perspektibo

Ang ganitong paglilimita ay maaaring ibatay sa iba't


ibang lapit, pagtingin at aspekto.

Paksa: Ang Epekto ng Teknolohiya sa Lipunang Pilipino


Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng Sosyal Networking sa
Pamumuhay ng mga Pilipino sa kalakhang Maynila
2. Sakop ng Anyo/Uri

Ang anyo o uri ay maaari ring batayan sa paglilimita ng


paksa gaya ng twitter, Facebook(kung sa sosyal
networking), kalagayang panlipunan, istruktura at iba pa.
Paksa: Ang Persepsyon ng mga Kabataan sa Twitter at
Facebook bilang sosyal networking.
Nililimitahang Paksa: Ang Persepsyon ng mga Kabataang
Lalaki sa Twitter at Facebook bilang sosyal networking sa
Taong 2010-2011.
3. Sakop ng Panahon

Nararapat din na isaalang-alang sa pagpili ng paksa ang


panahong sakop ng pananaliksik. Tiyakin na maikling
hangganan lamang ang sasakupin ng pag-aaral.
Paksa: Ang Interes sa Cellphone ng mga Mag-aaral sa
Sekondarya
Nililimitahang Paksa: Ang Kilusang Mag-aaral sa Dekada
'90 at ang Epekto nito sa Karapatan ng mga Mag-aaral
4. Sakop ng Edad/Age

Ilimita ang paksa ayon sa isang partikular na


pagpapangkat batay sa edad.
Paksa: Ang Interes sa Cellphone ng mga Mag-aaral sa
Sekondarya
Nililimitahang Paksa: Ang Interes sa Cellphone ng mga
Mag-aaral mula Edad 12-15 sa Mataas na Paaralang Dr.
Juan G. Nolasco, Tondo, Maynila
5. Sakop ng Kasarian

Maliban sa edad, tiyakin din ang partikular na kasarian


para mas lalong malimitahan ang paksa.
Paksa: Ang Profile ng mga Mag-aaral na Narsing sa Far
Eastern University
Nililimitahang Paksa: Ang Profile ng mga Mag-aaral na
Lalaking Narsing sa Unang Taon sa Far Eastern
University Manila.
6. Sakop ng Propesyon/Grupong Kinabibilangan

Ang hanapbuhay, pangkat, at propesyon ay maaaring


maging batayan ng paglilimita ng paksa.
Paksa: Ang mga Accountant at Paniniwala nila sa
Astrolohiya
Nililimitahang Paksa: Ang mga Accountant at ang
Paniniwala nila sa Astrolohiya sa Larangan ng
Pagnenegosyo
Gawin natin! 

Sagutan ang pahina 231-234 ng


batayang aklat

You might also like