You are on page 1of 2

1. Ano-ano ang mga naging paksa ng mga napakinggan mong saliksik?

Narito ang mga paksang tinalakay ng mga tagapagpanayam:

- Tradisyung Padungkal: Isang Sosyo-Kultural na Pag-aaral ni Alexa Mae B. Cedillo


- Preserbasyon ng Wikang Manide ng mga Katutubong Minorya sa Camarines Norte ni Roque
Augustus L. Lamadrid
- Ang Rehistro at Mistiko sa Tradisyunal na Panggagamot sa Bayan ng Pilar, Sorsogon ni Shella
Esclares
- Danas Dalumat ng mga Salaysay Panata at Pamamanata ng mga Deboto ni Amang Hinulid sa
Calabanga, Camarines Sur ni Adrian B. Bulalacao
- Pagdalumat sa mga Saliksik ng mga paaralang Gradwado ng mga Pampamahalaang Unibersidad
at Kolehiyo ng Rehiyon V, Batayan sa Pagbuo ng Adyenda ng Pananaliksik sa Filipino ni Jaime
Amante Jr.
- Lesson Plan:Koleksyon ng mga Dagli Talakayan Hinggil sa Pagsulat ng Masteradong Thesis sa
Malikhaing Pagsulat ni Mark Anthony S. Salvador.

2. Ano-anong mga metodo o pamamaraan ang ginamit sa mga pag-aaral?

Ang mga metodo o pamamaraan na ginamit ng mga tagapanayam ay klawitatibong, may gumamit din ng
kwalitatibong-etnograpiko, deskriptibo, may nagsagawa ng mga panayam tulad ng audio-visual
recording, at mayroon ding nakipamuhay sa komunidad kung saan siya nanaliksik. Ang mga nabanggit na
metodo ay naging matagumpay sapagkat nakuha nila ang mga kinakailangang datos para sa
pananaliksik.

3. Anong bagong kaalaman at konsepto ang tumatak sa iyo mula sa mga saliksik?

Malaking bagay para sa mga tulad kong wala pang karanasan sa pananaliksik ang nangyaring panayam
noong Sabado. Talagang napuno at nagging makabuluhan ang nagging araw ko na iyon. Isa sa mga di ko
malilimutang kaalaman at konsepto ay ang kahalagahan ng pagiging handa. Sabi nga ni G. Roque,
kailangang maging handa ka sa lahat ng bagay na iyong kakaharapin. Matutong magbasa ng mga artikulo
o yung mga nailimbag nang pananaliksik, sa ganitong paraan lalawak ang iyong isipan. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng plano, layunin, at lakas ng loob – ang mga bagay na iyan ang gagabay s aiyo upang
mapagtagumpayan mo ang iyong gagawing pananaliksik.

4. Anong saliksik ang pinakanagustuhan mo?

Nakita ko kay G. Roque ang Kahuyasan at determinasyon sa pagsasagawa niya ng pananaliksik patungkol
sa preserbasyon ng wikang Manide. Napagtanto ko na kahit patuloy na nagbabago ang wika ay may
magagawa pa rin tayo upang patuloy na umabot hanggang sa mga susunod na henerasyon ang ating
wika kung mayroon tayong pagpapahalaga rito. Napakahusay at napapanahon din ang mga solusyong
kanyang naibigay sa kanyang pananaliksik. Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ni G. Roque.

5. May kabuluhan ba o esensiya ang mga nabuong saliksik sa lipunang Pilipino?

Masasabi kong may kabuluhan ang mga nabuong saliksik sa lipunang Pilipino dahil ang mga saliksik na
naipresenta ay sumasalamin sa halos lahat ng nangyayari sa ating lipunan tulad ng pananaliksik tungkol
sa Wikang Manide na pinangangambahang mawala, hindi natin ito maikakaila dahil unti-unti nang
nananamlay ang ilang wika sa ating bansa dahil na rin sa mga impluwensya ng mga banyaga.

You might also like