You are on page 1of 3

Panimulang Pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian

ng iba’t ibang uri ng Akademikong Sulatin

Panuto: Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng


napiling limang uri ng Akademikong Sulatin sa tulong ng graphic organizer.
Tignan ang pagpupuntos sa ibaba.(10 puntos bawat uri)

Uri ng Akademikong Sulatin: Memorandum

Nasaliksik

Kahulugan: Ang Memorandum ay isang akademikong sulatin na naglalayong maipabatid sa


mga tao ang mga impormasyon ukol sa magaganap na pagpupulong o pagtitipon. Isa itong uri
ng komunikasyon na sinusulat at ginagamit upang maipabatid ang mensahe o kalatas sa mga
taong kasama sa pagpupulong o mga taong kasama ng sumusulat na tanggapan. Nakapaloob sa
sulating ito ang oras, petsa at lugar ng magaganap na pagpupulong.

Katangian: Ang Memorandum ay isang uri ng pormal na sulatin, ito’y nararapat lang na
magtaglay ng mga salitang kayang intindihin ng babasa nito. Dapat din ay organisado ang mga
impormasyon na nakapaloob dito upang mas madaling maintindihan. Nagtataglay din ito ng
malinaw na paksa.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/kaycesaliendrez/memorandum-filipino

https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

Uri ng Akademikong Sulatin: Panukalang Proyekto

Nasaliksik

Kahulugan: Ito ay isang aplikasyon para sa pag-apubra sa isang proyekto. Layunin nitong
makapaglatag ng proposal sa isang proyektong nais ipatupad. Naglalayon itong mabigyan ng
resolba o sagot ang mga problema na kinakaharap. Nagtataglay ito ng pamagat, proponent ng
proyekto, kategorya ng proyekto, petsa, at rasyonal.

Katangian: Ito ay isang sulating pormal na naka ayon sa uri ng mambabasa ang ayos ng teksto
at impormasyon. Diretso sa punto ang pagsulat at walang halong paligoy ligoy. Imbis na
lohikang panlarawan, ginagamit dito ay lohikang pangangatwiran. Mas Mabuti din kung
magbabanggit ditto ng mga pag- aaral na magpapatibay sa panukala.

Sanggunian: https://prezi.com/ooxkojhzdib3/panukalang-proyekto/
This study source was downloaded by 100000840050015 from CourseHero.com on 02-17-2022 23:53:48 GMT -06:00
akademikong-sulatin/
https://www.coursehero.com/file/32430539/Panimulang-Pananaliksik-Akademikong-Sulatindocx/
Uri ng Akademikong Sulatin: Posisyong Papel

Nasaliksik

Kahulugan: Ito ay naglalahad ng kuro kuro ukol sa isang paksa na ipinaglalaban mo dahil alam
mong tama na karaniwang isisnusulat ng may akda o may entidad gaya ng isang partidong
politikal. Itinatakwil nito ang kamalian na madalas hindi tanggap ng karamihan. Madalas itong
ginagamit ng malalaking organisasyon upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw
at mungkahi.

Katangian: Ito ay isang uri ng pormal na sulatin na naglalahad ng sarilin pananaw at opinion
upang magmungkahi. Organisado ang mga impormasyon na ginamit at sunod- sunod ang
ideya. Anumang posisyon, kailangan itong magbigay ng malinaw at matatag na argumento at
makatuwirang ebidensya na susuporta sa mga ito sa kabuuan ng papel. Hindi ito gumagamit ng
mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig. Mararapat lang din na suriin ng
manunulat ang kalakasan at kahinaan ng kanyang posisyon pati na din sa kabilang panig.

Sanggunian: https://quizlet.com/218387120/modyul-7-pagsulat-ng-posisyong-papel-flash-
cards/

akademikong-sulatin/

Uri ng Akademikong Sulatin: Abstrak

Nasaliksik

Kahulugan: Ang abstrak ay isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago
ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersyon ng mismong papel. Karaniwan itong ginagamit
para sa thesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur, at report.

Katangian: Hindi gaanong mahaba ang isang abstrak, madalas ay binubuo lamang ito ng 200
hanggang 250 na salita. Organisado at magkakasunod sunod ang impormasyon. Gumagamit ito
ng mga simpleng pangungusap upang maintindihan ng mga target na mambabasa. Walang
impormasyon na hindi nabanggit sa papel.

Sanggunian: https://www.slideshare.net/anamelissavenido1/pagsulat-ng-abstrak

https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/
This study source was downloaded by 100000840050015 from CourseHero.com on 02-17-2022 23:53:48 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/32430539/Panimulang-Pananaliksik-Akademikong-Sulatindocx/
Uri ng Akademikong Sulatin: Replektibong Sanaysay

Nasaliksik

Kahulugan: Nangangahulugan itong pag-uulit o pagbabalik tanaw. Ito ay isang uri ng panitikan
na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ito ay nangangailang ng opinion o reaksyon
ng isang manunulat ukol sa isang palabas, libro o kahit ano pa mang pangyayari. Naglalayon din
itong makapag bigay impormasyon na iyong nakalap at mailahad ang mga pilosopiya at
karanasan.

Katangian: Isang replektib na karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood.


Kinokonsider nito ang pagkalap ng datos at ang mga bagay na kailangan gamitin. Ang
konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksyon sa lahat ng tinalakay. Kinakailangan na malinaw
na nailahad ang kanyang punto upang maintindihan ng mga mambabasa.

Sanggunian: https://prezi.com/xjhtdrucf5iu/replektibong-sanaysay/

https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/

PARAAN NG PAGPUPUNTOS (Kahulugan at Katangian):

4 PUNTOS – Nakapagbigay ng isang malinaw na paliwanag na mayroong tiyak at balidong suportang impormasyon
tungkol sa inilahad na ideya; Buo at diretso sa punto kung kaya mas madaling maunanawaan ang paliwanag.

3 PUNTOS - Nakapagbigay ng isang malinaw na paliwanag na mayroong tiyak subalit walang balidong suportang
ideya tungkol sa inilahad na ideya; Buo at diretso sa punto kung kaya mas madaling maunanawaan ang paliwanag.

2 PUNTOS – Nakapagbigay ng paliwanag subalit walang tiyak at balidong suportang impormasyon tungkol sa
inilalahad na ideya; Paligoy-ligoy kung kaya hindi maunawaan ang pinupunto ng paliwanag.

1 PUNTOS – Magulo ang paliwanag at walang balidong suportang impormasyon sa ideyang hinahanap.

WALANG PUNTOS (0) - Para sa mga walang sagot at walang saysay na paliwanag.

This study source was downloaded by 100000840050015 from CourseHero.com on 02-17-2022 23:53:48 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/32430539/Panimulang-Pananaliksik-Akademikong-Sulatindocx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like