Pagsusulat
Kahalagahan
• Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan sa obhetibong paraan.
• Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa.
• Mahuhubog ang pagpapahalaga ng paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda.
• Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon.
Uri ng Sulatin
- Malikhaing Sulati
- Reperensiyal na Sulatin
- Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
- Propesyunal na Sulatin
- Akademikong Sulatin
- Dyornalistik na Sulatin
Malikhaing Sulatin
- Isang uri ng sulatin na nagbibigay ng aliw, nakakaantig ng damdamin at nakakapukaw ng damdamin.
- Maaaring bunga ng malikot na isipan at maaari din hango sa tunay na pangyayari.
HALIMBAWA:
- Dula
- Iskip ng Dula
- Manwha
- Manga
- Nobela
- Komiks
Reperensiyal Sulatin
• Binibigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon
• I-rekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman.
HALIMBAWA:
- Bibliogapiya
- Review of Related Literature
- Sanggunian o References
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
- Ito ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera,
teknolohiya, at agham pangkalusugan.
- bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin
HALIMBAWA:
- Manwal
- Promo materials (Leaflets, Brochure, Fliers at ibp.)
- Feasibility Study
- Deskripsiyon ng Produkto/Proyekto
Propesyunal na Sulatin
• may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Halimbawa:
Doktor/Doctor- Medical Records
Teacher- Lesson Plan
Inhinyero/Architecture- Blue Print
Dyornalistik na Sulatin
- May kaugnay sa pamamahayag.
Halimbawa:
•Pagsulat ng balita
•Editoryal
•Lathalain
•Artikulo
Akademikong Sulatin
• May sinusunod na partikular na kumbensiyon
• Magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
• Maayos na naihahanay ang mga panungusap, talata, at seksiyon.
Katangian:
•Obhetibo
•May Paninindigan
•May Pananagutan
•Maliwanag at organisado
•Pormal
Halimbawa:
- Uri ng Paglalagom
- Bionote
-Buod/Sinopsis
- Sintesis
URI NG PAGLALAGOM
• Ang paglalagom ay tumutukoy sa pagsulat ng mga pinaikli o pinasimpleng bersiyon ng isang akda upang makuha
kaagad ng mambabasa.
• Ito ay maikling sulatin ngunit kumprehensibong basahin.
Layunin
- Ang paglalagom ay mga mahahalagang impormasyon mula sa iba’t-ibang akda.
- Ang paglalagom ay isang pangkalahatang detalye sa mga impormasyon.
Katangian
- Ang paglalagom ay isang maikling sulatin ngunit kumprehensibong basahin.
- Kinakailangang obhetibo ang pagsulat ng paglalagom upang makikitaan ito ng kredibilidad o makatotohan.
Gamit
- Ginagamit ang paglalagom upang mapadali ang pagkuha ng impormasyon.
Anyo
HALIMBAWA:
• Abstrak
• Buod / Sinopsis
• Bionote
• Sintesis
ABSTRAK
• Kalimitang ginagamit ang Abstrak bilang pangkalahatang ideya sa isang Akademiko at Propesyunal na sulatin.
Anyo
HALIMBAWA
• Tesis
• Papel na siyentipiko
• Teknikal lektyur
• Mga report.
BUOD/SINOPSIS
• Ito ang pagsasagawa ng isang pangkalahatang ideya batay sa kanyang napakinggan, napanuod at nabasa.
Anyo
• Pagiging pormal - Introduksyon/ simula, gitna at wakas/ kongklusyon.
• Pagkakasunod- sunod sa pagpapahayag
BIONOTE
- Ang Bionote ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon ng magtatanghal o sinumang magiging
panauhin sa isang kaganapan.
Katangian
• Wastong paglalahad ng mga impormasyon
• Obhetibo
• Direktang pagpapahayag ng mga ideya.
SINTESIS
• Ang sintesis ay isang pamamaraan kung saan sinasabi ng isang manunulat o tagapagsalita ng mga
orihinal na teksto sa mas maikli ngunit komprehensibo.
• Paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
Uri ng Sintesis
- Explanatory Synthesis
- Argumentative Synthesis
EXPLANATORY SYNTHESIS
- Nagpapaliwanag lamang ang paksa, walang kritisismo, hindi nagsisimula ng diskurso kundi naglalayon itong
mailahad ang mga detalye at katotohanan sa paraang obhetibo.
ARGUMENTATIVE SYNTHESIS
- May impormasyong hango sa iba’t ibang mga sangunian na inilahad sa paraang lohikal, pinupunto nito ang
katotohanan, halaga o kaakmaan ng mga isyu at impormasyon.
Ibang Uri ng Synthesis
- Background Synthesis
- Thesis-Driven Synthesis
- Synthesis of the Literature
Background Synthesis
- Ang pagsama- samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos
ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.
Thesis-Driven Synthesis
Sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung
hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin.
Synthesis of the Literature
- Ang pagbabalik- tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa.
HAKBANG SA PAGSUSULAT NG PAGLALAGOM
ABSTRAK
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin na may pagkakasunod- sunod
sa kabuuang papel.
3. Buuin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na literature atbp.
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graphs, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang dapat isama rito.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.
BUOD/SINOPSIS/ SINTESIS
1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di- pangunahing kaisipan.
3. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pasulat.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro- kuro ang isinusulat.
5. Ihanay ang mga mahahalagang ideya na sang-ayon o may katiyakang detalye sa orihinal.
6. Basahin ang unang ginawa suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi nababawasan.
BIONOTE
1. Sikaping maisulat ito nang maikli.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito.
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan
itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.
SAMPLE TEMPLATE FOR BIONOTE
Siya si ___(Pangalan mo)___. Siya ay __(Edad mo)__ gulang na. Nakatira siya sa
__(Adres mo)__. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa Elementarya sa paaralan
nang___(Pangalan ng paaralan kung saan ka nakapagtapos ng Elementarya)__.
Siya din ay nakapagtapos ng Sekondarya sa paaralan nang___(Pangalan ng
paaralan kung saan ka nakapagtapos ng Sekondarya)___. Kasalukuyan siya na
nag-aaral sa___(Pangalan ng paaralan kung saan ka kasalukuyang nag-aaral)___
at nag-aaral sa Strand na___(Pangalan ng iyong Strand)___. Isa sa mga parangal
na nakuha niya ay ang___(Magbigay ng isang parangal na iyong nakamit)__.
Bukod dun ay pangarap rin niya makamit ang parangal na___(Magbigay ng isang
parangal na gusto mong aabutin)___. Pinapangarap niya na balang araw ang
makakapagtapos nang pag-aaral at makukuha ang minimithing___(Magbigay ng
kursung kukunin sa College or trabaho na gustong mapasukan)___.