FIL-AKAD REVIEWER
Abstrak- mula sa salitang Latin na “abstractus” na nangangahulugang kinuha mula sa o
pinagkuhanan (Harper, 2016). Ito ay maikling buod ng isang sulatin, partikular na ang mga
nakabatay sa pananaliksik gaya ng tesis.
Ayon kay Bernales (2007) ang abstrak ay maikling artikulo na nakabatay sa isang pag-aaral,
tesis, rebyu, o katitikan ng pulong. Tinatawag ding synopsis o presi ng ibang publikasyon ang
abstrak
Uri at nilalaman ng abstrak:
Impormatibo- pinakakaraniwang uri ng abstrak at naglalaman ng halos lahat ng impormasyon
Taglay ng Impormatibong abstrak:
a. Motibasyon - sinasagot ang tanong kung bakit pinag-aaralan ang paksa.
b. Suliranin - Masagot ang pangunahing suliranin ng pag-aaral
c. Pagdulog at pamamaraan - dito inilalahad kung paano kinalap ang datos. Sa madaling
salita, nagpapaliwanag ito hinggil sa metodolohiya.
d. Resulta - inilalahad naman dito ang mga natuklasan ng mananaliksik.
e. Kongklusyon - Tinatalakay dito ang implikasyon ayon sa mga natuklasan sa
pananaliksik
Deskriptibo- madalas na 100 salita lamang. Naglalaman ito ng suliranin, layunin, metodo, at
saklaw ng pananaliksik
Kritikal- pinakamahabang uri ng abstrak. Kagaya ito ng isang rebyu. Bukod sa naglalaman ito
ng impormatibong abstrak, may ebalwasyon din ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng
pananaliksik
Katangian ng Abstrak:
1. Binubuo ng 200 - 250 na salita
2. Gumagamit ng simpleng pangungusap
3. May maayos na pagbubuod ng mga mahahalagang parte at implikasyon ng pag- aaral
4. Nauunawaan ng target na mambabasa
Bionote- ayon kay Bernales, et al. (2017) ang bionote ay isang sulating nagbibigay
impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig mambabasa.
Binibigyang din nito ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga
paniniwala upang pataasin ang kaniyang kredibilidad
Mapaggagamitan nito ang:
1. pagsulat ng aplikasyon sa trabaho;
2. paglilimbag ng mga artikulo, aklat o blog:
3. pagsasalita sa mga pagtitipon;
4. pagpapalawak ng network propesyonal.
Dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote:
1. Balangkas sa pagsulat- kailangan alamin kung alin sa mga impormasyon ang
kailangang bigyan ng higit na elaborasyon. Maging estratehiko sa paglalagay sa mga
impormasyong ito.
2. Haba ng bionote na binubuo- binubuo lamang ito ng isa hanggang tatlong talata.
Subalit depende sa pangangailangan, nagbabago ang isang bionote.
Ayon kay Brogan (2014), may tatlong uri ang bionote: micro-bionote, maiking bionote, at
mahabang bionote.
Micro-bionote- inuumpisahan ng pangalan, sinusundan ng mga ginagawa/ nagawa, at
tinatapos sa kung paano makokontak ang paksa ng bionote. Karaniwang makikita sa social
media bionote o business card bionote.
Maikling bionote- binubuo ng tatlo hanggang limang talata tungkol sa taong ipinakikilala.
Makikita din ito sa mga joural o iba pang babasahin.
Mahabang bionote- ginagamit ito sa pagpapakilala ng natatanging panauhin.
Mahalagang maghanda, kung gayon, ng iba't ibang haba ng bionote upang may magagamit sa
anomang pagkakataon.
3. Kaangkupan ng nilalaman- hindi lahat ng natamo at mahalagang impormasyon tulad
ng propesyonal, trabaho, o edukasyon ay kailangan mong isama sa pagsulat.
4. Antas ng pormalidad ng sulatin- kung hindi naikonsidera ang lebel ng sensibilidad ng
mga taga pakinig o mambabasa, hindi ito magiging epektibo sa paghahatid ng mga
impormasyon ukol sa ipinakikilala.
5. Larawan- malinaw ang pagkakakuha ng larawan para sa bionote kung kinakailangan
Mga Hakbangin sa Pagsulat ng Bionote:
1. Tiyakin ang layunin- matutumbok ang impormasyong nararapat na mabasa o marinig
ng mga tao.
2. Magdesisyon kung anong haba ng bionote ang isusulat
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib
4. Simulan sa pangalan- magkakaroon na agad ng katauhan ang ipinapakilala at ang
pangalan ang pinakamahalagang matandaan bilang propesyunal at malaman ang mga
tagumpay nito.
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan- sa pamamagitang ito, maitataas mo ang
antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.
6. Isa-isahin ang mahalagang tagumpay- pipiliin lamang ang mga impormasyong
ibibilang na maaaring makapagpataas ng antas ng pagpapakilala sa iyo at mahalagang
naaayon ito sa iyong mga tagapakinig o mambabasa.
7. Idagdag ang di inaasahanag detalye- tiyakin na may kaugnayan ito sa okasyon o
panganganilan ng pagpapakilala sa iyo.
8. Isama ang impormasyon kung paanong posibleng makontak ng mga tao- sa
ganitong paraan, mapadadali ang yong ugnayan sa kanila.
9. Basahin at isulat muli- sa pagbasa malalaman mo ang mga dapat pang ayusin,
tanggalin o dagdagan.
Buod/Sinopsis- uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan.
Mga dapat tandaan sa pagsulat:
(1)Ikatlong panauhan (2)Huwag magsama ng impormasyong wala sa orihinal na akda
(3)Mailahad ang pangunahing tauhan, ganap, at mga suliranin nito (4)Tiyaking wasto ang
gramatika, pagbaybay, mga bantas na ginamit sa pagsulat (5)llagay ang sanggunian
Sintesis- pagawa ng koneksyon mula sa iba't ibang sandigan
Ayon kay Warwick (2011)- ang sintesis ay ang pagsama sama iba't ibang akda upang makabuo
ng isang akdang nakakapag-uugnay sa nilalaman ng mga ito.
Ayon kay Bernales (2017)- pagsasama-sama ng dalawa o higit pang buod, paggawa ng
ugnayan sa pagitan ng dalawa at higit pang akda
● Nagpapaliwanag- naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong
maunawan ang bagay bagay na tinalakay.
● Argumentatibo- naglalayong maglahad ng pananaw ng sumusulat nito
Uri at Katangian ng Sintesis:
Sa isang sorses ng Drew University kay Bernales et. al (2017) Naglahad ng tatlong uri ng
sintesis
Background Synthesis- nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang
impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwang itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa
sanggunian
Thesis Driven Synthesis- halos katulad ng background synthesis ngunit di lang ito simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa kundi ang malinaw na ugnayan ng mga punto sa tesis ng
sulatin
Thesis for the literature- ginagamit sa pananaliksik. Karaniwan sa sulating ito ang pagbabalik
tanaw o pagrerebyu sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa.
Sa paglilista ng sanggunian, karaniwang ginagamit na pormat ang Modern Language
Association (MLA) at American Psychological Association (APA)
Panukalang Proyekto- dokumentong naglalaman ng adhikain o plano upang malutas ang
isang suliranin o mapabuti ang isang sitwasyon.
Pangunahing Bahagi ng Panukalang Proyekto:
1. Pagsulat ng Panimula
-Dapat tukuyin ang pangangailangan ng proyekto.
-Linawin kung paano makakatulong ang proyekto sa positibong pagbabago.
2. Pagsulat ng Katawan
Layunin: Ano ang nais makamit ng proyekto?
Ayon kina Jeremy at Lynn Miner (2008), ang layunin ay dapat simple
● Specific: Tukoy ang nais makamit.
● Immediate: May tiyak na petsa ng pagsasakatuparan.
● Measurable: May ebidensyang naisagawa ito.
● Practical: Nagbibigay ng solusyon sa problema.
● Logical: May malinaw na paraan ng pagkamit.
● Evaluable: Nasusukat ang epekto.
● Plano ng Dapat Gawin
● Dapat malinaw, maayos, at sunod-sunod ang mga hakbang.
● Isama ang mga taong responsable sa pagsasakatuparan.
● Siguruhing makatotohanan at pasok sa badyet.
Balangkas ng Panukalang Proyekto:
1. Pamagat.
2. Nagpadala
3. Petsa
4. Pagpapahayag ng Suliranin
5. Layunin
6. Plano na Dapat Gawin
7. Badyet
8. Paano Mapapakinabangan ng Pamayanan/Samahan
Talumpati- isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Ayon kay Constantino at Zafra (2016), ito ay pinaghahandaan at may tiyak na layunin,
gumagamit ng piling wika, karaniwang binibigkas ngunit nagsisimula sa pasulat na anyo.
Ayon kay Bernales, et al. (2017), ang talumpati ay may layuning magbigay ng impormasyon o
manghikayat at kinapapalooban ng organisasyon, talas ng pagsusuri, at epektibong paggamit
ng wika
Uri ng Talumpati Batay sa Nilalaman:
•Impormatibong Talumpati- layuning magbigay ng impormasyon tungkol sa isang bagay,
pangyayari, konsepto, lugar, tao, o proyekto. Nililinaw at ipinapaliwanag ang paksa upang
maunawaan ng tagapakinig
•Mapanghikayat na Talumpati- layuning hikayatin ang tagapakinig na paniwalaan o
suportahan ang isang pananaw o posisyon, at hikayatin ang tagapakinig na pag-isipan at
bigyang-halaga ang paksa
Tatlong Paraan ng Panghihikayat:
1. Pagkwestyon sa isang katotohanan
2. Pagkwestyon sa pagpapahalaga
3. Pagkwestyon sa polisiya
Uri batay sa Pamamaraan:
•Impromptu o Biglaang Talumpati- walang paunang paghahanda, sinusukat ang lalim ng
kaalaman ng tagapagsalita, at mahalaga ang husay sa organisasyon ng ideya at talas ng
pagsusuri
•Ekstemporanyo- maingat na inihanda, pinagplanuhan at inensayo bago isagawa, at madalas
sinasaulo o minememorya, ngunit kombersasyonal ang dating kahit na praktisado
Mga Gabay sa Pagsulat ng Talumpati:
Ayon kay Bernales, et al. (2017), ito ang mga dapat tandaan sa paggawa ng talumpati:
1. Piliin ang pinakamahalagang ideya- limitado lamang ang memorya ng tagapakinig,
kaya piliin ang pinakamahalagang mensahe
2. Magsulat na parang nakikipag-usap- mas mainam kung kombersasyonal ang tono
kaysa pormal na binabasa
3. Gumamit ng konkretong salita at halimbawa- upang madaling maunawaan at maalala
ng tagapakinig
4. Siguraduhing tumpak ang ebidensya at datos- mahalaga ang tiyak at
mapagkakatiwalaang impormasyon
5. Panatilihing simple ang pagpapahayag- iwasan ang masyadong komplikadong ideya
upang madaling maintindihan
Pulong- kinakailangang maayos, sistematiko, malinaw ang komunikasyon, at organisado ang
pulong
Elemento ng Pulong:
Memorandum
Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014) ito ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran
tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon
ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:
•Pink o rosas- ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing
department
•Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
•Dilaw o luntian- ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department
Ayon kay Bargo (2014), may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito:
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Ayon kay Sudprasert (2014) kinakailangang taglayin ang mga ito upang magkaroon ng
maayos at malinaw na memo
Letterhead: makikita rito ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon, pati
na rin ang lugar kung saan matatagpuan ito at ang bilang ng numero ng telepono.
Para sa/Para Kay/Kina: naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o grupo, na pinag-uukulan
ng memo. Sa mga pormal na memo, mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan
nito.
Mula Kay: Naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Sa mga pormal na
memo, mahalagang isulat ang buong pangalan ng nagpadala.
Petsa: Isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito, kasama ang araw at
taon, upang maiwasan ang pagkalito.
Paksa: Maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid
nito.
Mensahe: Kadalasang maikli lamang, pero kung detalyado, dapat magtaglay ng sitwasyon,
problema, solusyon, at paggalang o pasasalamat.
Lagda: Ang huling bahagi ay ang lagda ng nagpadala, kadalasang inilalagay sa ibabaw ng
kanyang pangalan sa bahaging "Mula Kay".
Adyenda
Ayon kay Sudprasert (2014), ito ay nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Ayon kay Bandril at Villanueva (2016) agenda ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang
pagpupulong
Ayon kay Julian at Lontoc (2016) ito ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo
ng pulong upang maging maayos, organisado at epektibo
Layunin ng Agenda na magbigay ng ideya sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
nangangailangan ng atensyon ang mga dadalo sa pagpupulong. Nakatutulong ito nang malaki
upang manatiling nakapokus ang mga dadalo sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
Katitikan ng Pulong- maingat na pagtala at pagsulat ng mga napagkasunduan o
napag-usapan sa isang pulong. Isinasagawa nang pormal, obhetibo, at komprehensibo.
nagsisilbing legal at opisyal na kasulatan ng samahan, kompanya, o organisasyon.
Bahagi:
•Heading- pangalan ng samahan, petsa, lokasyon, oras
•Mga kalahok/dumalo- sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong, panauhin, mga dumalo,
at mga liban.
•Pagbasa at pagpapatibay- kung ang nakalipas na katitikan ay napagpatibay o may
pagbabago.
•Action items/usapaing napagkasunduan- mahalagang tala sa paksang tinalakay.
•Patalastas/pabalita- mga suhestiyon
•Iskedyul ng susunod na pulong- kung kailan at saan ang sunod na pulong
•Pagtatapos- oras kung saan nagwakas ang pulong
•Lagda
Ayon kay (Bargo, 2014) ang sinumang nakuha ng katitikan ng pulong ay hindi trabahong
bigyang interpretasyon, sa halip, itala at iulat lamang
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:
● hindi participant
● umupo malapit sa presider ng pulong
● may sipi ng mga pangalan ng mga dadalo
● handa sa mga sipi ng adyenda
● nakatuon lang sa nakatalang adyenda
● nagtataglay ng tumpak na heading
● gumamit ng recorder
● itala ang mga suhestiyon nang maayos
● itala lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan
● isulat at isaayos ang mga datos pagkatapos ng pulong
Uri ng Katitikan ng Pulong:
Ulat ng Katitikan- lahat ng detalyeng napag-usapan
Salaysay ng Katitikan- mahalagang detalye lamang
Resolusyon ng Katitikan- lahat ng isyung napagkasunduan