You are on page 1of 2

Abstract ay ginagamit sa akademikong pagsulat para sa mga ulat, tesis, lektura, at siyentipikong

papel. Ang layunin nito ay magbigay ng pangkalahatang ideya ng mga akdang akademiko. Kasama rin
ang buong buod ng isang akdang akademiko o ulat.

Ang Posisyong Papel ay isang akademikong papel kung saan pinapakita mo ang iyong deklarasyon sa
isang mahalagang paksa na nagbibigay ng posisyon, paninindigan, o patakaran at tumutukoy sa
landas ng pagkilos.

Lakbay Sanaysay ay isang uri ng akademikong pagsulat kung saan inilalarawan ng may-akda ang
kanyang karanasan, direksyon, o damdamin habang naglalakbay.

Ang Replektibong Sanaysay ay ang pagsulat ng mga ideya,konsepto at katotohanan mula sa


pamamagitan ng pagiisip nang malalim pagninilay mula sa mga naranasang pagkakataon.

Ang Sintesis o Buod ay ang pagsasama-sama ng iba't ibang ideya o bagay upang maging isang
kabuuan na bago at naiiba sa mga bagay sa pinakauna o orihinal na punto.

Ang Bionote ay isang maiksing tala na nagbibigay ng ilang background na impormasyon sa isang
tagapagsalita o iba pang bisita sa isang kaganapan (tulad ng isang seminar, symposium, kompetisyon,
o gig).

ADD FOR BIONOTE: (OPTIONAL)

Kailangang batid ng lahat na magkaiba ang talambuhay o autobiography sa bionote. Napakalaki ng


agwat nito dahil ang bionote ay nararapat lang na maikli at siksik, samantalang dapat ay mas
detalyado at mas mahaba ang pagsusulat ng talambuhay at / o ng autobiography.

Dapat din na batid ng lahat na iba ang bionote sa curriculum vitae, resume, at biodata. Ang mga
personal na impormasyon kagaya ng ngalan, timbang, tangkad, kapanganakan, lugar ng
kapanganakan, edad at kasarian ay karaniwan ng hinihingi sa mga resume, cv at biodata.

Mahalagang Paalala:
Maging matapat lagi sa pagbabahagi ng mga impormayson.

Layunin at Gamit ng Bionote


Ginagamit ito para sa iba pa o mas kakaibang personal profile ng isang indibidwal, tulad ng kanyang
academic career at mga academic achievements, at iba pang impormasyon ukol sa kanya.

Mahalagang Ideya!
Maituturing na marketing tool ang bionote. Ito ay ginagamit upang itanghal o ipahayag ang
pagkilala at natamo ng isang indibidwal. Dapat lahat tayo ay may matapat sa pagbabahagi ng mga
impormasyon at kinokondena dapat ang mga fake news.

PANUKALANG PROYEKTO isang komprehensibong listahan ng mga hakbang na dapat tapusin upang
matupad ang isang pangangailangan o layunin. Bago isagawa ang isang proyekto, ito ay nagsisilbing
gabay upang matukoy ang mga kinakailangang elemento at pamamaraan.

ADD FOR THIS (OPTIONAL) (NOT PARAPHRASED):

Ang Panukalang Proyekto ay uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para maipaliwanag at


kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang mga pakay ng proyekto na ito ay kadalasang
solusyon para sa mga iba’t-ibang oportunidad o problema ng ating bayan. Mahalaga ang mainam na
pagsulat ng panukalang proyekto dahil dito binabase ang ideya na minsan ay umaabot sa milyun-
milyong salapi.

TALUMPATI ay isang buod ng mga ideya o pananaw na ipinahayag ng isang indibidwal sa isang madla
ng mga tagapakinig habang nagsasalita sa publiko. Ang mga layunin nito ay tumugon, kumbinsihin,
bigyang-katwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon, at maglahad ng isang paniniwala.

ADYENDA ay ang listahan, diskarte, o plano para sa kung ano ang dapat talakayin, pagpasiyahan, o
gawin sa isang pulong. Depende sa kung gaano ito kahalaga sa tao, maaaring ito ay kronolohikal o sa
pagkakasunud-sunod. Maaari rin itong gamitin upang ilarawan ang mga gawain na dapat unahin o
bigyan ng pansin, tulad ng mga sosyo-ekonomikong aspeto ng Adyenda sa Pilipinas.

KATITIKAN NG PULONG ay isang uri ng akademikong sulatin na may kasamang dokumentasyon, mga
tala, o mga talaan ng mahahalagang puntong ginawa sa isang pulong.

Ang PICTORIAL-ESSAY ay isang uri ng artikulong pang-edukasyon na sumusubok na maglahad ng


kasalukuyang isyu sa parehong teksto at graphic na anyo. Ang isang maikli, hindi nakabalangkas na
abstract, isang panimulang talata, ilang mga subheading upang makatulong na ayusin ang nilalaman,
at isang buod ay karaniwang kasama.

You might also like