You are on page 1of 6

Filipino Reviewer

Nagbigayan kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnay sa piniling


sulatin
Nakasulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwala
Nakilala ang mga katangian ng mahusay na sinopsis based sa halimbawang
binasa

Ibat-ibang Uri ng Paglalagom


➔ Abstrak
➔ Sinopsis/Buod
➔ Bionote

Abstrak
❖ karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report
❖ Hanggang maaari kailangan ito maisulat sa isang pahina lamang

Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak:


➢ lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan
ng papel; ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi
binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
➢ Iwasan din ang paglagay ng mga statistical figures o table
➢ Gumamit ng mga simple, malinaw, at direktang mga pangungusap. Huwag
maging maligoy sa pagsulat nito.
➢ Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan
➢ Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo

Hakbang sa Pagsulat Abstrak:


➢ Basahing mabuti at pag-aralan
➢ Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya
➢ Buoin, gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito
sa kabuoan ng papel.
➢ Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table
➢ Basahing muli ang ginawang abstrak
➢ Isulat ang pinal na sipi nito.
Sinopsis
❖ kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay,
nobela, dula, parabula, talumpati at iba pang anyo ng panitikan.

Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis:


➢ Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito
➢ Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
➢ maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin
at mga suliraning kanilang kinaharap.
➢ Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay
➢ Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
➢ Huwag kalimutang isulat ang sanggunian.

Hakbang sa Pagsulat Abstrak:


➢ Basahing ang buong seleksiyon o akda
➢ Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan
➢ magtala at kung maaari ay magbalangkas
➢ Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro
ang isinusulat.
➢ Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal
➢ Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaiikli pa ito

Bionote
❖ pagsulat ng personal profile ng isang tao.

Tandaan sa Pagsulat ng Bionote:


➢ 200 salita na may 5-6 pangungusap
➢ Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa
iyong buhay
➢ 2 o 3 pinakamahalagang tagumpay
➢ Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan
➢ Gawing simple ang pagkakasulat nito

Halimbawa:
Si Gng. Alam M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and
Secondary Education, magna cum laude, at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language
and Literature sa Philippine Normal University. Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng
dalawampu't limang taon at nakapaglingkod bilang homeroom chairman, koordineytor ng
Filipino at Sibika/HeKaSi, at Assistant Principal for Academics sa St. Paul College, Pasig.
Nakadalo na rin siya sa iba't ibang kumperensiyang pangguro sa iba't ibang bansa tulad ng
Amerika, Singapore, China (Macau), at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan
niya sa mga kumperensiyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng
kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro
sa iba't ibang panig ng bansa.

Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and


Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga
magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan
at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling na
siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang
Pilipino.

Akademikong Pagsulat

➔ Pagsulat
◆ paglilipat ng kaalaman sa papel; naisasatitik ang kaisipan, damdamin, paniniwala
at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, at ayos ng pangungusap
(Edwin Mabilin)
◆ Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag
◆ Maaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinahagi
ay mananatiling kaalaman.
◆ Ayon kay Cecilia Austera, et al., Ang Pagsusulat ay isang kasanayang
naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao
◆ Personal o ekspresibo:
● nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng
manunulat.
◆ Panlipunan o sosyal:
● makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.

Minor Notes
◆ Wika: Ito ang nagsisilbing behikulo upang maiparating ang impormasyon upang
makabuo ng isang makabuluhang komposisyon.
◆ Paksa: Ito ang magsisilbing pangkahalatang iikutan ng mga ideya
◆ Layunin: Ito ang masisilbing giya
◆ Pamaraan ng Pagsulat:
Ito ay nakabatay sa uri ng sulating susulatin ng isang manunulat,
mayroon itong 5 uri :
● Paraang impormatibo: magbigay impormasyon
● Paraang Ekspresibo: maibahagi ang sariling opinyon
● Paraang Naratibo: masalysay angbpangyayari batay sa magkakaugnay at
tiyak na pagkasuno sunod
● Paraang Deskriptibo: maglarawan ng mga katangian atbp
● Paraang Argumentatibo: manghikayat o mangumbinsi
◆ Kasanayang pampag-iisip:
●kakayang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi
gaanong mahalaga, o maging mga impormasyong dapat isama sa akda.
◆ Kaalaman sa wastong paraan ng pagsulat:
● pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa
wastong paggamit ng Malaki at maliit na titik at mga bantas.
◆ Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin:
● kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
maayos at organisadong pamamaraan.

➔ Uri ng Pagsulat
◆ Malikhaing Pagsulat
● bunga ng malikot na isipan ng mga sumusulat na maaring batay sa tunay
na pangyayari o kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip
lamang
◆ Teknikal na Pagsulat
● bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema
o suliranin.
● Layunin pag-aralan ang isnag proyekto
◆ Propesyonal na Pagsulat
● may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
Paaralan.
● Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pagaaral tungkol
sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
◆ Dyornalistik na Pagsulat
● sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
● pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo at iba pa.
◆ Reperensyal na Pagsulat
● bigyang pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon.
◆ Akademikong Pagsulat
Ayon kay Carmelita Alejo
● Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon: pagbibigay ng
suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan.
● Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginagawang
pananaliksik
Pagpupulong

➔ Memorandum
➔ Adyenda
➔ Katitikan ng Pulong

❖ Memorandum
➢ nagbibigay kabatiran tungkol sa gawaing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon tungkol sa gagawing pulong

Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014)


➢ Ang mga kilalang kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga
colored stationery:
■ Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan
■ Pink – ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa
purchasing department
■ Dilaw – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa
marketing accounting department
Format
➢ Letterhead at Logo
➢ Para sa/ Para Kay/ Kina
➢ Mula kay
➢ Petsa
➢ Paksa
➢ Mensahe – sitwasyon, problema, solusyon, paggalang o Pasasalamat
➢ Lagda: Mula kay . . .

❖ Adyenda/agenda
➢ paksang tatalakayin sa pulong.
➢ Hakbang pagsulat:
■ Magpadala ng memo
■ Ilahad sa memo na kailangan lagdaan
■ Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin
■ Ipadala ang sipi
■ Sundin ang adyenda
➢ Maging flexible kung kinakailangan
❖ Katitikan ng pulong
➢ Opisyal na tala ng pulong
➢ Maging pormal, ebhetibo, at komprehensibo
➢ Mahalagang bahagi:
■ Heading
■ Mga Kalahok o dumalo
■ Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
■ Action items o usaping napagkasunduan
■ Pabalita o patalastas
■ Iskedyul ng susunod na pulong
■ Pagtatapos

You might also like