You are on page 1of 5

PAGSUSULAT

Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga magaaral.

Mga makrong kasanayang


 Pakikinig
 Pagbabasa
 Panonood
 Pagsasalita
 Pagsusulat

Layunin
 Naipahahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin,pangarap, agam-agam,
bungang-isip at mga pagdaramdam.
 Nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at kalakasan.
 Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng
taong sumusulat.
 Kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang
atensyon ng mga mambabasa.

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat


Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang
lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya naman upang makabuo tayo
ng isang magandang sulatin ay kailangang mapukaw ang ating interes. Kailangan nating
mabatid ang mga dapat tandaan sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito
ang mga iilan:

Mga dapat tandaan sa pagsulat


1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat.
2. Paksa- Upang maging makabuluhan, at wasto ang
mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalamanng
iyong isusulat.
4. Pamaraan ng Pagsulat- Upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay
na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat.

5 paraan ng pagsusulat
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na paksa batay sa kanyang
sariling karanasan o pag-aaral.
c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng
mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng
katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.I to’y maaaring obhitibo at subhetibo.
e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o
pag-usapan.

5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang


masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa
pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng
talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang
mahusay na sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag
ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos,
organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.

Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman
bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema

2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga


pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng datos.

3. Dyornalistik na Pagsulat – Pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, editoryal, lathalain,


artikulo at iba pa. Ito

4. Akademikong Pagsulat – Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang


ginawang pananaliksik.

5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at


makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

6. Propesyonal na Pagsulat - Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang


tao. Halimbawa sa guro, pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para
sa doctor o nars
7.
AKADEMIKONG PAGSUSULAT

 Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at


halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa
kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong
buhay.
 Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may pinagbatayang katotohanan.

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo- Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon.


2. Pormal- Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Ang tono o ang himig ng
impormasyon ay dapat maging pormal din.
3. Maliwanag at Organisado- Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw at organisado
ng mga kaisipan at datos.
4. May Paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapagbagobago ng paksa.
5. May Pananagutan- Ang mga sanggunian na ginamit sa mga nakalap na datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala.

Uri ng akademikong sulatin


1. Abstrak
2. Sintesis/Buod
3. Bionot
4. Panukalang Proyekto
5. Talumpati
6. Agenda/Memorandum
7.Katitikan ng pulong
8.Posisyong Papel
9.Replektibong Sanaysay
10.Pictorial-Essay
11.Lakbay-Sanaysay

Abstrak
- isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, siyentipikong papel, teknikal na papel, lektyur, at mga report.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1. Lahat ng mahahalagang kaisipan ay makikita sa bahaging ito.
2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table.
3. Gumamit ng simple, malinaw at direktang pangungusap.
4. Maging obhektibo.
5. Gawin lamang na komprehensibo.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing mabuti ang akademikong papel matapos sulatin.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing ideya sa bawat bahagi.
3. Isulat sa tamang pagkakasunod.
4. Iwasang maglagay ng mga ilistrasyon, graph, table, atbp.
5. Suriin kung may nakaligtaang bahagi.
6. Isulat ang pinal na sipi

Sinopsis
- isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula, parabola, talumpati, at iba pang anyo ng panitikan

Buod
- rekord na ipinapahayag sa pamamagitan ng sariling mga salita ng mambabasa na
nagbibigay ng mga pangunahing ideya ng isang sulatin tulad ng artikulo, kabanata, kabuuan
ng aklat

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis at Buod


1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Ilahad ang mga pangunahing tauhan maging ang mga suliranin.
4. Gumamit ng tamang pang-ugnay sa pagbuo ng mga pangungusap.
5.Tiyaking wasto ang balarila, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.

Bionote
- uri ng lagom tulad ng iba ngunit tungkol ito sa karangalan ng isang tao sa lalong maikling
paraan
Mga Bagay na Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote
1. Sikaping maisulat nang maikli
2 Magsimula sa personal na detalye tungkol sa iyong buhay pati interes, itala rin ang
tagumpay na nakamit (2-3)
3. Isulat gamit ang ikatlong panauhan
4. Gawing simple at payak ang pagkakasulat nito
5. Basahin muli

Abstrak
1. Pangalan ng institusyon
2. Address / kinatatayuan
3. Pamagat
4. May akda
5. Kurso
6. Pondopetsang nagmula
7. Petsang natapos

Elemento ng sulating akademiko


Instroduksyon mga kaugnay na literatura
Metodolohiya
Resulta
kongklusyon

Talumpati
Proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa.

4 NA URI NG TALUMPATI
 Biglaang Talumpati (Impromptu)
Ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
 Maluwag (Extemporaneous)
Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang
ibinigay bago ito ipahayag.
 Manuskrito
Pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
 Isinaulong Talumpati
Mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.

MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN


 Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.
 Talumpating Panlibang
Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
 Talumpating Pampasigla
Magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig.
 Talumpating Panghikayat
Hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa
pamamagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
 Talumpati ng Pagbibigay-galang
Tanggapin ang bagong kasapi ngsamahan o organisasyon.
 Talumpati ng Papuri
Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.

 Kronolohikal na Hulwaran
Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari o panahon.
 Topikal na Hulwaran
Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa. Ang
paksa ay kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa.
 Hulwarang Problema-Solusyon
Paglalahad ng suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa.

Uri ng mga Tagapakinig


1. Ang edad o gulang ng mga tagapakinig
2. Ang bilang ng mga makikinig
3. Kasarian
4. Edukasyon o antas sa lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig

ANG TAUMPATI AY MAY TATLONG BAHAGI


 Introduksiyon
Naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati
.
 Diskusyon o Katawan
Dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito tinatakay ang
mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.

a.Kawastuhan
Dapat na totoo at maipaliiwanag nang mabisa ang lahat ng kailangang detalye.

bKalinawan
Kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan
ng mga nakikinig.

c.Kaakit-akit
Gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.

 Katapusan o Kongklusyon
Dito nakasaan ang pinakakongklusyon ng talumpati. Dito kalimitang nilalagom ang mga
patunay at argumentong inilahad sa katawan ng talumpati.

 Haba ng Talumpati
Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.

Kasanayan sa Paghahabi ng mga Bahagi ng Talumpati


1. Introduksiyon
2. Diskusyon o Katawan
3. Katapusan o Kongklusyon
4. Haba ng Talumpati

You might also like