You are on page 1of 3

Pang-aabuso sa mga kabataan ay talagang talamak na kahit saang panig

ng daigdig.

Marahil maitanong mo sa iyong sarili ang kadahilanan kung bakit may


mga batang sa halip na mag-aral ay naglalako ng kung ano-ano sa daanan.
Ganito ang masasaksihan sa Dagli na mula sa Caribbean, kung saan
ipinapakita ang kalagayan ng mga kabataan sa Isla. Ang Caribbean ay
nasasakop lahat ng Isla na matatagpuan sa Timog-Silangan ng Gulpo ng
Mexico at Silangang bahagi ng Central America at Mexico gayundin ang
Hilagang bahagi ng South America.
Gawain 1: Patotohanan
Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo.
Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Totoo Konsepto Tungkol sa Aralin Hindi Totoo

1. Ang dagli ay mga sitwayong may nasasangkot na tauhan


ngunit walang aksyong umuunlad, gahol ang banghay, at
paglalarawan lamang.

2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at walang timping


nangangaral, namumuna, nanunudyo, o kayay
nagpapasaring.
3.Lumaganap ang dagli noong panahon ng paghihimagsik.

4. Ang mga salitang malungkot, takot na takot at


tuwang-tuwa ay nagpapahayag ng damdamin.
5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong
bata pa ako at kamakailan lang ay ginagamit
upang maglarawan ng mga pangyayari.
Gawain 2: Magsaliksik
Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng mga isla sa Caribbean.
Gamit ang impormasyong nakuha ay magtala gamit ang fan fact
analyzer. Pagkatapos, sagutan ang tanong na nasa ibaba.

You might also like