You are on page 1of 19

Aralin 2: Alamat

MGA PAHAYAG SA PAGHAHAMBING SA


TULONG NG KAANTASAN NG PANG-URI
Ating Alamin
• Isa sa banal na kautusan ng Diyos ay mahalin at igalang ang
ating mga magulang. Ayon sa kasabihan: ang mga anak na
magalang ay kailanman’y kinalulugdan. Sa araling ito ating
tatalakayin ang isa sa mga uri ng panitikang Pilipino ang
alamat.
• 1. Nasubukan mo na bang sumuway sa iyong mga magulang?
• 2. Paano mo sila sinuway?
• 3. Ano ang ibinunga ng iyong pagsuway?
• Ang Alamat ay isang kwentong bayan na nagsasaad kung paano nabuo at ano
ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Ang alamat ay isang
malikhaing akda na parte ng panitikan ng Pilipinas.
• Kahulugan ng Alamat
• Ang alamat ay kwentong bayan na naglalahad kung saan nagmula ang mga
bagay sa mundo. Ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na nagdulot ng
pagkabuo ng mga tunay na tao, pook o bagay sa mundo. Ang mga alamat ay
nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Ang mga alamat ay may
naibabahaging magandang asal, katulad ng pagiging masipag, matapat,
mapagmahal, at iba pa.
Mga Halimbawa ng mga Alamat sa Pilipinas
• Alamat ng Pinya
• - nagsasaad ang pinagmulan ng pinya at nagbabahagi ng aral ng pagiging
masunurin at masipag
• Alamat ng Saging
• - nagsasaad ang pinagmulan ng saging at nagbabahagi ng aral ng
pagiging pasensyoso at maunawain.
• Alamat ng Ampalaya
• - nagsasaad ang pinagmulan ng ampalaya at nagbabahagi ng aral ng
pagiging kontento .
Elemento ng Alamat
• Simula
• Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Narito ang ilang
bahagi nito sa alamat:
• Dito pinapakita ang mga tauhang gagalaw o gaganap sa alamat
at ang papel na kanilang gagampanan sa alamat, kung sila ba ay
bida o kontrabida. Makikita rin dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng aksiyon o ng mga eksena na naghahayag ng
panahon, oras at lugar
• Ang Tauhan - karakter sa kwento
• Tagpuan - lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento
• Suliranin - problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento
ngunit biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.
• Gitna
• Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo.
Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
• Dito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga tagpo
o eksena. Dito nakapaloob ang mga dayalogo, o ang usapan ng
mga tauhan. Dito rin makikita ang tunggalian ng mga tauhan, at
ang kasukdulan, kung saan dito iikot ang kahihinatnan ng
tanging tauhan, kung ito ba ay kasawian o tagumpay

• Saglit na kasiglahan - kasiglahan sa kwento
• Tunggalian - paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
• Kasukdulan - pinakamagandang parte o bahagi ng istorya
• Wakas
• Dito makikita ang kakalasan, o ang pagbaba ng takbo ng istorya. Dito
rin mababatid ang kamalian o kawastuhan ng mga di-inaasahang
naganap. Makikita naman sa katapusan o wakas, ang kahihitnan ng
kuwento, kung ito ba ay magtatapos ng masaya, malungkot,
pagkapanalo o pagkatalo
• Kakalasan - unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan
• Katapusan - kung saan nagtatapos ang isang kwento
PAGSUSURI
• GAWAIN 1 Filename: SURNAME_PAGSUSURI_GAWAIN 1
• Panuto: Piliin ang mga salitang pupuno sa diwa ng bawat
pangungusap.

Gawain 2

• GAWAIN 2 Filename: SURNAME_GAWAIN 2_ALAMAT NG ISLA NG


PITONG MAKASALANAN
• Sagutin ang mga tanong:
GAWAIN 2
• 1. Ano ang katangian ng mga dalaga na hinahangaan ng bawat
makakakita sa kanila? Ano naman ang ikinatakot ng ama dahil sa
katangiang ito ng kanyang mga anak?
• 2. Bakit hindi pumayag ang ama ng magpaalam ang mga anak na
sasama sa mga binatang kakakilala pa lamang?
• 3. Makatuwiran baa ng hindi pagpayag ng ama sa kagustuhan ng
kanyang mga anak? Bakit?
GAWAIN 2
• 4. Kung ikaw ang isa sa mga anak na dalaga, susunod k aba o
susuway sa iyong ama? Bakit?
• 5. Kung ikaw naman ang ama, ano ang gagawin mo upang upang
mapasunod moa ng iyong mga anak sa iyong kagustuhan lalo na
kung makabubuti ito sa kanila?
GAWAIN 2
• 6. Ano ang ginawa ng mga dalaga na labis na nagdulot ng labis na
sakit ng kalooban ng ama?
• 7. Ano ang nagyari sa kanila sa pagiging mga suwail na anak?
GAWAIN 3
• GAWAIN 3 Filename: SURNAME_GAWAIN 3_PAGHAHAMBING NG
ALAMAT
• Paghahambing ng Dalawang Alamat ayon sa Elemento ng mga ito.

• Isaliksik at basahin ang Alamat ng Bohol at ihambing ito sa Alamat


ng Isla ng Pitong
Makasalanan. Punan ang table sa ibaba.
Gawain 3
Elemento Alamat ng Isla ng Pitong Alamat ng Bohol
Makasalanan

Tauhan

Tagpuan

Simula

Tunggalina

Kasukdulasn

Kakalasan

Wakas

Mahalagang Aral na Taglay ng


Alamat
Gawain 4
• Bumuo ng apat na pangkat.
• Ang bawat pangkat ay magpapakita ng isang maikling dula
tungkol sa pagpapakita ng pagmamalaki at paggalang sa mga
magulang.
Gawain 5
• GAWAIN 5 Filename: SURNAME_GAWIN 5_URI NG
PAGHAHAMBING
• 1. Magsaliksik tungkol sa dalawang uri ng Paghahambing
• 2. Magbigay ng mga halimbawa at gamitin sa pangungusap.

You might also like