You are on page 1of 15

URI NG

PAKIKIPANAYA
M AYON SA
LAYUNIN
1.Pakikipanayam na pagkuha ng
impormasyon
isinasagawa upang makakuha ng
impormasyon mula sa taong
kinakapanayam.
Halimbawa: Mamamahayag, pulis, reporter,
doktor, negosyante at mag-aaral.
2. Pakikipanayam para sa
Trabaho/Pag-aaral
isinasagawa para sa naghahanap ng trabaho,
sa mga mag-aaral sa unang taon na
nagnanais na matanggap sa kolehiyo o
pamantasan o sa mga mag-aaral na gustong
makapasok sa mga programa sa
paaaralang gradwado.
3. Pakikipanayam upang magbigay
ng payo
Isinasagawa upang patnubayan at
suportahan ang taong kinakapanayam
lalong-lalo na sagitna ng kaniyang mga
suliraning personal. Ginagawa ng mga
guidance councilor, psychiatrist, mga
kaibigan, o miyembro ng pamilya.
⯈4. Mapanghikayat na pakikipanayam
Naglalayong baguhin ang
paniniwala, paniniwala, o behavior
ng taong kinakapanayam.
Halimbawa: volunteer agencies
⯈5. Pakikipanayam sa Pagbebenta
Naglalayong humikayat sa mga
mamimili upang bumili ng mga
ibinebentang, produkto, tulad ng
ginagawa ng mga ahente ng seguro,
ahente ng alahas, ahente ng bahay,
atbp.
⯈6. Pakikipanayam na Tumataya o nag-eebalweyt
Nakakatulong sa pagtataya ng nagawa ng isang
indibidwal kaugnay ng kaniyang trabaho na
nagiging basehan sa pagbibigay sa kaniya ng
promosyon o gantimpala o pagtanggal sa
kaniya sa kaniyang katungkulan o pagtulong sa
kaniya na makilala ang kaniyang mga
kalakasan o kahinaan sa pagtatrabaho.
⯈7. Pakikipanayam sa pag-iimbestiga
Dinisenyo upang makakuha ng
impormasyon
mulasa taong kinakapanayam sa pamamagitan ng
malayang pagsisiyasat. Uri ng pakikipanayam na
ginagamit ng mga abogado sa loob ng korte, ng
pulis na nag-iimbestiga sa mga suspek, ng
mgaopisyal ng bangko na humahawak sa kanilang
mga pautang, o ng mga opisyal ng National
Bureau of Investigation sa kanilang pag-
iimbestiga.
⯈8. Pakikipanayam sa media
Nagaganap kapag ang taong tagapanayamay
nagtatanong sa isang panauhin maging sa radyo o
telebisyon.Ito ang karaniwang ginagawa sa mga
talk show kung saan ang host ng programa ay
nagtatanong sa iisa o ilang panauhin. Binubuksan
din niya ang mga linya ng telepono upang
makatawag ang mga nakikinig o kaya ay
gumagamit nh cellphone upang basahin at
sagutin on air ang tanong ng mga tagapakinig o
manonood.
Mga Tanong na
gamit sa
Pakikipanayam
1. Primary o Pangunahing Tanong
 Mga tanong na inilahad bago pa man isagawa
ang aktuwal na pakikipanayam.
Halimbawa:
“Mahal mo ba ang wika mo?”
“Nagpapahalaga ka ba sa Wikang Pambansa?”
“Ano ang iyong masasabi tungkol sa pagkalito ng kabataan
sa paggamit ng wikang pambansa?”
“Ano ang iyong pananaw sa ginagawangpagpapahalaga ng
pamahalaan sa wikang pambansa?”
2. Saradong Tanong
 Kung sumasagot lamang ito sa tanong na Oo o Hindi o
kaya naman ay mga tanong na may pagpipiliian.
Halimbawa:
“Ano naman po ang natapos ninyong kurso?”
“Kaya mo bang magtrabaho kahit na gabi?”
“Saan po kayo nagtapos ng kurso?”
2. Bukas na Tanong
Ang tanong na ito ay walang restriksiyon.
Halimbawa:
“Ano po ba ang masasabi ninyong pagpapahalaga ng
pamahalaan sa ating wikang pambansa?”
“Gaano po ba kayo kahanda bilang Punong Komisyoner sa
Wikang Filipino?”
“Bilang guro sa Asignaturang Filipino, ano po ang
programang maaari po ninyong ilunsad kaugnay ng
pagpapahalaga sa wikang pambansa?”
4. Secondary o Pangalawang Tanong
 Mga tanong na ibinabatay sa mga sagot ng
kinakapanayam.
Halimbawa:
“Pagkatapos noong 1935,ano ang nangyari sa wikang
pambansa?”
“Ano pa po ang masasabi ninyo sa tungkol sa Patakarang
Bilingguwal?”
“Bilang guro sa Asignaturang Filipino, ano po ang
programang maaari po ninyong ilunsad kaugnay ng
pagpapahalaga sa wikang pambansa?”
 Mga Secondary Questions na sumusuri sa sinasabi ng
kinakapanayam.
Halimbawa:
“Ano po ba ang ibig ninyong sabihin?”
“Maaari po bang pakiulit ang sinabi ninyo?”
“Paumanhin po, maaari po bang humingi ng iba pang sagot
bilang karagdagan?”

You might also like