You are on page 1of 22

ULAT/ BALITA

Ito ay mga pangyayari sa


lipunan at sa mga taong
nabibilang sa nasabing
lipunan.
MGA KATANGIAN NG BALITA?
• Isinusulat agad ang mga nakuhang tala
kaugnay ng pangyayari.
• Binibigyang- halaga ang mahahalagang
punto sa balita.
• Kailangang tama ang pangalan ng mga
taong ibinabalita, maging ang mga
pangyayari at petsa nito.
• Ang balita ay hindi nag lalaman
ng mga kuru- kuro.
• Inilalahad ito ng parehas,
walang pinapanigan, at
malinaw.
PANAYAM
• Ang pag- uusap ng dalawang
tao o higit pa para sa isang
tiyak na usapan.
• Tinatawag din itong primary
source at madalas na isagawa
kung nais na matukoy ang mas
malalim na impormasyon
tungkol sa partikular na bagay
pang- yayari atbp.
URI NG PAKIKIPANAYAM

• Pakikipanayam na pagkuha ng
Impormasyon-Isinasagawa upang
makakuha ng impormasyon mula sa
taong kinakapanayam.
• Ito ay pakikipanayam na
ginagawa ng mamahayag, pulis,
reporter , doktor, abogado,
negosyante, at mag- aaral.
• Pakikipanayam Para sa Trabaho/ Pag-
aaral- Isinasagawa para sa naghahanap
ng trabaho, sa mga mag- aaral sa unang
taon na nag nanais na matanggap sa
kolehiyo o pamantasan o sa mga mag-
aaral na gustong makapasok sa mga
programa sa paaralang gradwado.
• Pakikipanayam Upang Magbigay
ng Payo- Isinasagawa upang
patnubayan at suportahan ang taong
kinakapanayam lalong- lalo na sa
gitna ng kaniyang mga suliraning
personal.
•Ginagawa ng mga guidance
counselor, psychiatrist, mga
kaibigan o miyembro ng
pamilya.
• Mapanghikayat na Pakikipanayam-
Naglalayong baguhin ang paniniwala,
pananaw, o behavior ng taong kinakapanayam.
Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam na
ginagawa ng mga volunteer agency sa mga
taong gustong magtrabaho sa kanilang
ahensya.
• Pakikipanayam sa Pagbebenta-
Naglalayong humikayat sa mga mamimili
upang bumili ng mga ibinebentang
produkto, tulad ng mga ginagawa ng
ahente ng seguro, ahente ng gamot, ahente
ng alahas, ahente ng bahay, atbp.
• Pakikipanayam na Tumataya o Nag-
eebalweyt- Nakatutulong sa pagtataya ng
nagawa ng isang individual kaugnay ng
kaniyang trabaho na nagiging basehan sa pag
bibigay sa kaniya ng promosyon o gantimpala o
pagtanggal sa kaniya sa kaniyang kakulangan o
pag tulong sa kanya na makilala ang kanyang
kalakasan o kahinahan sa pag tatatrabaho.
• Pakikipanayam na Nag - iimbestiga- Dinisenyo
upang makakuha ng impormasyon mula sa taong
kinakapanayam sa pamamagitan n malayang pag-
sisiyasat. Uri ito ng pakikipanayam na ginagamit ng
mga abogado sa loob ng korte, ng pulis na nag-
iimbestiga sa mga suspek, ng mga opisyal ng bangko
sa kanilang mga pautang, o ng mga opisyal ng
Natonal Bureau of Investigation sa kanilang pag-
iimbestiga.
• Pakikipanayam sa Media- Nagaganap
kapag ang tagapanayam ay nag tatanong
sa isang panauhin maging a radyo o
telebisyon. Ito ang karaniwang ginagawa
sa mga talk show.
• Binubuksan din niya ang mga linya ng
telepono upang makatawag ang mga
nakikinig o kaya ay gumagamit ng
cellphone upang basahin at sagutin on air
ang tanong ng mga tagapakinig o
manonood.
• Pangkatang Gawain: Ang mga mag
aaral ay hahatiin sa apat na grupo
upang bumuo ng isang balita o
panayam ayon sa mga napapanahong
isyung naganap o nagaganap sa
lipunan. Kayo ang pipili ng kung
anong paksa na gusto ninyo para sa
gagawing balita o panayam.

You might also like