You are on page 1of 15

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA IKA-SAMPUNG BAITANG

Pangkalahatang layunin

Sa pagtatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na


maipapamalas ang kanilang natutunan sa paksang tinalakay na El Filibusterismo:
Kabanata 4: “Si Kabesang Tales” at natutukoy ang gramatikang Pang-uri na
Pamilang; Panunuran at Pahalaga.

Tiyak na Layunin

a. Nauunawaan ang buod ng Kabanata 4 “Si Kabesang Tales” at natutukoy


ang pagkakaiba at gamit ng Pang-uri na Pamilang; Panunuran at Pahalaga.

b. Nabibigyang halaga ang paksang tinalakay na patungkol sa mga


magsasaka.

c. Nakapagbibigay ng pagkakaiba at pagkakapareho ng mga awtoridad batay


sa kabanata at sa kasalukuyan. Nakapagbabahagi ng mga opinyon at
saloobin sa paksang tinalakay.

Paksang-aralin

a. Paksa: EL FILIBUSTERISMO Kabanata 4: “Si Kabesang Tales”.


b. Gramatika: Pang-uri na Pamilang “Panunuran at Pahalaga”.
c. Sanggunian: Aklat (Darayo 10) Pahina 250-254
d. May-akda: Dr. Jose P. Rizal
e. Kagamitan: Laptop at powerpoint presentation.
f. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga ng importansya sa mga magsasaka.

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULA

a. Panalangin

“Maaari mo bang pangunahan ang (Ang mga mag-aaral ay taimtim na


ating panalangin para sa hapon na ito, mananalangin).
_______?”
b. Pagbati

“Magandang, magandang, magandang


hapon sa inyong lahat, ika-sampung “Magandang hapon din po, Ms ☺”.
baitang! ☺ Muli, ako po si Ms. Aya Marie
C. Del Socorro ang magsisilbi n’yong
pansamantalang guro para sa
asignaturang Filipino.

Atin munang alamin ang ating classroom


rules para sa klase na ito. Classroom Rules
Maaari bang pakibasa, _____?
1. Panatilihing naka-sara ang mga
mikropono kung hindi naman
kinakailangan magsalita.
2. Makipag-kooperasyon sa talakayan at
kamag-aral
3. Pumili ng komportableng posisyon
upang hindi antukin sa klase.
4. Magbigay tugon kapag tinawag.
5. Ipagbigay-alam sa guro ang mga nais
linawin sa naging talakayan.
c. Pagtala ng mga lumiban sa klase.

“Kayo ay aking aatasan na isulat sa


comment section ang inyong buong
pangalan bilang pagtatala ng mga (Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng
pumasok sa araw na ito. kanilang mga pangalan sa comment
box)
Hal. Del Socorro, Aya Marie C.

d. Pagbabalik-aral.

Atin namang sukatin ang inyong


kaalaman batay sainyong natutunan sa
nakaraang talakayan na saklaw ng
kabanata 1-3

Maaaring gamitin ang raise hand button


sa mga nais sumagot, pagkatapos
tatawag ito ng kasunod.

Concept Map

Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng


mga sumusunod.
PAMAGAT NG KABANATA 1-3
(Ang mga mag-aaral ay sasagot batay
sa kanilang natutunan at sa paksang
Diskri alamat tinalakay na patungkol sa
minas EL FILIBUSTERISMO
diskriminasyon, alamat at mga
yon gramatikang Pantukoy na pambalana at
2 URI NG PANTUKOY pantangi.)

e. Pagwasto ng takdang-aralin.

“Lahat ba ay nakapag turn-in o attach na


sa ating Edmodo sa inyong takdang-
aralin?”
(Ang mga mag-aaral ay sasagot).
“Sa mga hindi pa, maaari pa rin pong
magpasa.”

e. Pamukaw sigla

“At upang lalong magising ang inyong


mga diwa para sa umagang ito, mayroon
akong mga inihandang palaro na kung
tawagin ay “GUESS WHO!”

Inyo lamang huhulaan ang nawawalang


parte ng muka upang matukoy ang
pagkakakilanlan nito. Malinaw po ba?” “Opo, Ms”

Maaaring pindutin ang raise hand sa mga


nais sumagot.

(Ang mga mag-aaral ay magbibigay


ideya batay sa mga larawan na nakikita
sa kanilang screen)”
“Mahusay! Batid ko na ang inyong mga
isipan at diwa ay nagising na para sa
ating talakayan ngayong araw.”

Para naman sa ating layunin para sa (Ang mag-aaral ay sisimulang basahin


paksain ngayon, maaari bang ang layunin)
pakibasa,___

B. PAGGANYAK

Magsisilbing pambungad sa ating


tatalakayin ngayong hapon, mayroon
akong ipapanuod na maikling bidyo. Inyo
itong sisiyatin kung patungkol saan.

Ngunit bago ang lahat atin munang


basahin ang mga alituntunin sa
panunuod.

“Maaari mo bang basahin ang alituntunin


sa panunuod, __________?
Alituntunin sa panunuod:

• Panuorin at unawaing mabuti ang


maikling bidyo.
• Panatilihing naka-sara ang mga
mikropono kung hindi naman
“Salamat sa iyong pagbabasa, tayo na ay kinakailangan magsalita.
manunuod “.

24 Oras: Bilang ng mga magsasaka sa


bansa, paunti na raw ng paunti.

https://www.youtube.com/watch?
v=sDbgDGQxnT0

Bilang pagpapatuloy, may i-ilan akong


katanungan base sa inyong pinanuod na
maikling bidyo”

Maaari bang pakibasa ang unang


katanungan at sagutin. At tumawag ng
iyong kasunod na sasagot.
Pamprosesong tanong

1. Tungkol saan ang pinanuod na


maikling bidyo? (Ang mag-aaral ay babasa ng unang
tanong at susundan ito ng kasagutan)

“Ang maikling bidyo po ay patungkol sa


patuloy na pag-unti ng mga magsasaka
sa ating bansa”
“Tama!”

“Ang nais ko pong sumunod sa akin ay


si ________ po Ms”

2. Ayon sa ulat, ano ang dahilan ng “Ang dahilan po ng pag-unti ng mga


patuloy na pag-unti ng mga magsasaka magsasaka ay kadahilanan po ng kaunti
sa bansa? sa kagamitan, sa lupa at mababang
pagbili ng palay”.

“Mahusay! Dahil sa kakaunting mga


kagamitan at mababang pagbili ng kada
kaban ng palay” “Ang nais ko naman pong sumunod sa
akin ay _________ po Ms.”

3. Ano ang kahalagahan ng mga (Ang mag-aaral ay magbibigay ng


magsasaka sa isang bansa? opinyon kaakibat sa sitwasyong
napanuod)

C. PAGHAWAN NG SAGABAL

Bago tayo tuluyang dumako sa ating


talakayan, atin munang bigyang pansin
ang mga salita na maaaring makasagabal
sa ating talakayan.

Maaari bang pakibasa ang panuto, (Babasahin ng mag-aaral ang panuto)


______?”

“Salamat, sa pag sagot ng ating


talasalitaan, tatawag kayo ng nais n’yong
kasunod upang magsagot sa mga
sumusunod na bilang. Malinaw po ba?”
“Malinaw po, Ms”
“Salamat sa pagtugon, maaari mo bang
tukuyin at ibigay ang kasingkahulugan ng
ika-unang bilang, ________?”

Talasalitaan

Matching type.
(Ang mga mag-aaral ay sasagot ng
Panuto: Tukuyin sa kabilang hanay talasalitaan hingil sa kanilang
ang kasingkahulugan ng mga salita at pagkaunawa at pamilyar ng mga
gamitin ito sa isang pangungusap. sumusunod na bilang)

A B
1. Agnos a. Di sang -yon
2. Tumutol b.Kuwintas Susi ng Kasagutan.
3. Tinugis c. Hinanap
4. Hektarya d. Barangay 1. B- Kuwintas
5. Kabesa e. Lawak ng lupain 2. A- Di sang-ayon
3. C- Hinanap
4. E- Lawak ng lupain
5. D- Barangay

“Mahusay! Batid ko na kayo ay pamilyar


na sa mga matatalinhagang salita na
inyong binigyang pagpapakahulugan.”

D. PAGLALAHAD

Upang malaman ang pinaka paksa natin


para sa araw na ito, mayroon akong
inihandang crosswords.

Inyo itong tutukuyin at pupunan upang


malaman ang pinaka pamagat ng paksa.

Maaaring pindutin ang raise hand button


ang mga nais sumubok at sumagot

Crosswords game

Panuto: Punan ang bawat patlang


gamit ang tulong ng bawat
deskripsyon na sumusunod.
(Ang mga mag-aaral ay sasagot at
pupunan ang mga salita na nakalahad
sa crosswords game.)

“Ang ika-una pong bilang ay salitang


“Si”

“Ang ikalawa pong hanay ay salitang


“Kabesa”.

“Ang ikatlong hanay naming po ay


salitang “Tales”.
1. Panlaping tumutukoy ng pangangalan.
2. Ang alternatibong tawag sa “barangay” Tamang kasagutan
3. Tauhan sa El Filibusterismo na ama ni
Juli.

“Mahusay! Ang mga sumusunod na mga


salita ay ang mga:

Batid ko na mayroon na kayong hinuha


para sa paksang ating tatalakayin sa araw
na ito. Base sa mga nabuong salita sa
ating crossword, sino ang nais na
“Ang paksa po na ating tatalakayin para
maghayag ng ating paksa?
sa araw na ito ay patungkol po kay
Kabesang Tales/ Si Kabesang Tales”.

E. PAGTATALAKAY

Ang paksang ating tatalakayin sa araw na


ito ay ang El Filibusterismo: Kabanata 4
na pinamagatang “Si Kabesang Tales”.

KABANATA 4 “SI KABESANG


TALES”
Atin munang alamin ang mga tauhan sa
ika-apat na kabanata.

Panuto: Ibigay ang ngalan ng nasa


bawat larawan.

(Ibibigay ng mga mag-aaral ang ngalan


ng mga sumusunod na tauhan.)

Para sa ating talakayan, atin namang


panunuorin ang buod ng kabanata 4
ngunit bago ang lahat, atin munang
alamin muli ang mga alituntunin sa
panunuod.

“Maaari bang pakibasa ang alituntunin,


______?”
Alituntunin sa panunuod:

• Makinig at unawaing mabuti ang


KABANATA 4 “Si Kabesang Tales” bawat pangyayari.
(Buod) • Magtala ng mga mahahalagang
Youtube: TitserMJ pangyayari.
https://www.youtube.com/watch?v=FTYRHP5JHOo&t=27s
• Panatilihing naka-sara ang mga
mikropono kung hindi naming
Mayroon akong mga i-ilang katanungan
kinakailangan magsalita.
base sa ating pinanuod na kabanata.

Pamprosesong tanong.

1. Bakit hindi na natuloy ang kauna-


“Hindi na natuloy ang unang ani nila
unahang pag-ani ni Kabesang
Kabesang Tales dahil inangkin na ng
Tales sa kanyang mga pananim?
mga korporasyong pari ang lupain”.

2. Ano ang naging banta kay


“Ang banta ng mga korporasyon kay
Kabesang Tales ng mga
Kabesang Tales ay sa iba na lamang
Korporasyon kung sakaling ito’y
ipatatanim ang lupa kung hindi sila
hindi magbayad ng buwis?
magbabayad ng buwis”.
3. Base sa kabanata, ano ang naging “Ang naging epekto kay Tandang Selo
epekto ng pangyayaring ito kay ng mga pangyayari ay ang kawalan ng
Tandang Selo? gana kumain at hindi makatulog”.

4. Ano ang sinisimbolo ng mga “Ang sinisimbolo ng mga Korporasyong


Korporasyong Pari? pari ay ang mga may matataas na
katungkulan at panlalamang/pang
gigipit”

5. Ano ang batid na aral ng ika-apat “Ang aral na batid ng kabanata ay hindi
na kabanata? dapat abusuhin ang kapangyarihan na
mayroon at pahalagahan ang mga
magsasaka”.

“Mahusay! Batid ko na kayo ay nanuod ng


maigi sa buod ng kabanata 4”

F. GRAMATIKA

Ano ang inyong napapansin sa mga


salitang may salungguhit?

“Tama! Ano kaya ang tawag sa mga salita “Ang mga may salungguhit po na mga
na naglalarawan ng bilang o halaga?” salita ay patungkol po sa mga bilang”.

“Tama, ano kaya ang tawag sa mga salita “Bahagi ng pananalita na pang-uri po,
na nagpapahayag ng mga bilang? Anong Ms,”
bahagi ng pananalita ito?”.
“Ang tawag po sa mga salitang
“Ano ang pangkabuang tawag dito? naglalarawan bilang ay pang-uri na
pamilang po, Ms”

Mahusay ano ang kahulugan ng Pang-uri “Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng


na pamilang mayroon ba kayong ideya? kanilang mga ideya.”

Pang-uri na pamilang.
Ito ay nagsaad ng dami o
kakauntian ng mga pangngalan
inilalarawan.
Basahin ang kahulugan ng Panunuran at
mga gamit nito.
(Babasahin ng mag-aaral)
Panunuran
nagsasabi ng pagkakasunud-
sunod ng mga pangngalan o pang-
ilan. Ginagamitan ng mga
sumusunod: una, ikatlo,
pansampu, ikalima atbp.

Hal. Nasa ikatlong taon na si Juli sa


kolehiyo.

Basahin ang kahulugan ng Pahalaga at


mga gamit nito. (Babasahin ng mag-aaral)

Pahalaga
Ito ay nagsasaad ng halaga
(katumbas na pera) ng isang
bagay. Ginagamitan ng mga
sumusunod: sandaang piso,
dalawampung piso, limang milyong
piso atbp.

Hal. Ang halaga ng kada kaban ng


palay ay labin-anim na piso.

Tukuyin ang sumusunod kung ito ba ay


Pang-uri na Pamilang na Panunuran o
Pahalaga.

Limang-piso
“Pahalaga po, Ms”

Ika-sampu
“Panunuran po, Ms”
Ika-una
“Panunuran po, Ms”
Labin-pitong
piso
“Pahalaga po, Ms”

“Ako ay tatawag ng sasagot sa ika-unang


bilang at tatawag ito ng kasunod”.
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod
na pangungusap kung ito ba ay Pang-
uri na Panunuran at Pahalaga.

_______1. Tumaas ang tubo hanggang


sa ito’y umabot sa dalawampung piso
kada taon.
_______2. Nasa ika-sampu ang
sinasakyang karitela ni Basilio. Susi ng Kasagutan.
_______3. Ni singko ay walang nais iabot
ang mga magsasaka. 1. PAHALAGA
_______4. Dalawampung piso para sa 2. PANUNURAN
buwis at tubo nito. 3. PAHALAGA
_______5. Unang ibinenta ni Huli ang 4. PAHALAGA
kanyang mga alahas. 5. PANUNURAN

“Mahusay! Bigyan ng virtual clap ang


bawat nagsagot.”

G. PAGLALAHAT

Bilang pagpapatuloy sa ating talakayan,


Atin muling alalahanin ang pagkasuno-
sunod ng mga pangyayari sa ika-apat na
kabanata sa tulong ng graphic organizer
na Fish Bone.

Fish Bone
Panuto: Ibigay ang pagkasunod-sunod
ng mga pangyayari mula sa kabanata
4.

(Ilalahad ng mga mag-aaral ang bawat


pagkasunod-sunod ng mga naganap sa
kabanata 4)

Mahusay! Ngayon tayo naman ay dadako


na para sa ating pangkatang gawain.
H. PAGLALAPAT

Pangkatang Gawain

Kayo ay aking papangkatin sa apat na


pangkat/grupo. Ngunit alamin muna natin
ang alituntunin sa paggawa.

Alituntunin sa Paggawa
• Magkaroon ng pagkakaisa.
• Tiyakin na ang angkop ang mga
nilalaman sa paksa.

At para naman sa ating pamantayan.


Maaari bang pakibasa, _____?
Pamantayan

Nilalaman 10%
Kaangkupan 10%
Pagkakaisa 10%
Kabuuan 30%
Pakibasa ang panuto,_____.
Gamit ang roleta, ating aalamin ang
pagkasunod-sunod ng mga pangkat na
mag pe-present ng kanilang mga gawa.

At para naman sa pagbibigay ng puntos,


Ika-una –ikalawang pangkat
Ikalawa- ikatlong pangkat
Ikatlo- ika-apat na pangkat
Ika-apat – ika-unang pangkat

Malinaw po ba?

(Ang mga mag-aaral ay tutugon)

Panuto: Ang bawat pangkat ay


magsasagawa ng Venn Diagram
patungkol sa salitang “Awtoridad”
Ibibigay ang pagkakaiba at
pagkakapareha sa Kabanata at sa
kasalukuyan,
Mekaniks: Gawin ito sa malinis na papel.

Mayroon lamang kayong 5 minuto upang


paghandaan ang inyong mga (Ang mga mag-aaral ay mag pe-
presentasyon at 2 minuto para presenta at magpapaliwanag ng
ipaliwanag. Isa lamang sa kada grupo kanilang mga gawa sa klase)
ang maaaring magpaliwanag ng kanilang
gawa.

Mahusay! Batid ko na lahat kayo ay


naghanda para sa pangkatang gawain
para sa araw na ito.

I. PAGSASABUHAY

May mga katanungan akong inihanda at


inyo itong bibigyang opinyon at saloobin (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
kaakibat sa ating paksang tinalakay. kanilang saloobin at opinyon).

Kung ikaw si Huli, gagawin mo rin


ba ang kanyang ginawa para sa
kanyang amang nadakip?

Bilang mag-aaral, bakit mahalaga


ang mga magsasaka sa isang
bansa?

IV. EBALWASYON

Para sa ating pang wakas na


pagtataya,ang mga kasagutan ay
maaaring i-koment sa ating comment
section. Mayroon lamang kayong 2
minuto upang sagutan ito.
Pagtataya

Panuto:Isulat ang T kung ang


sumusunod na mga pahayag ay Tama
at M kung mali.

___ 1. Si Tales ay kilala rin sa tawag na


Telesforo.
___2. Si Tandang Selo ang ama ni
Kabesang Tales.
___ 3. Sampung piso ang hinihinging
buwis ng mga korporasyon.
___4. Labis na ikinatuwa ni Tandang Selo
ang pagkadakip kay Kabesang Tales Susi ng Kasagutan.
___5. Ang pagsasaka ay dapat na 1. T
bigyang importansya sapagkat hindi 2. T
madali ang kanilang trabaho. 3. M
4. M
5. T

Mahusay! Batid ko na kayo ay may


natutunan sa ating paksang tinalakay sa
araw na ito. At para naman sa ating
Takdang-Aralin maaari bang
pakibasa,___?

V. TAKDANG ARALIN

1. Mag guhit ng isang magsasaka at (Babasahin ng mag-aaral ang panuto ng


ibigay ang kanilang kahalagahan sa takdang-aralin).
bansa.

2. Itala ang mga tauhan na mababanggit,


mababasa at mapapanuod sa Kabanata
5-7.
(Sasagot ang mga mag-aaral)
May mga katanungan pa ba para sa ating
paksang tinalakay? Sa gramatika?

Kung gayon, Nawa’y marami kayong


natutunan sa araw na ito. Salamat sa Paalam din po, Ms!
pakikinig at kooperasyon. Binabati ko po
kayong lahat! ☺ Paalam, ika-sampung
baiting! ☺
------------*---------------------------------*-------- -------------*-----------------------*------------

Inihanda ni:
Aya Marie C. Del Socorro
Bachelor of Secondary Education
Major in Filipino

You might also like