You are on page 1of 2

PAGNILAYAN – UNAWAIN - SURIIN

1. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng pangungusap na: "Ang mga 'Indios' na hindi makuha sa
pamamagitan ng 'krus' o 'santong dasalan' ay nilupig sa pamamagitan ng 'espada' o
'santong paspasan.' “
- noong unang panahon ang mg Pilipino na hindi sumusunod sa kagustohan ng
mga Kastila ay ginagamitan ng dahas o sinaasaktan at inaabuso. Pinaparusahan nila ang
mga ito o minsay pinapatay hanggang sa sumunod ito sa kanilang gustong mangyari o
mga patakaran.

2. Sinasabing ang dalawang magkakawing na layunin ng Espanya sa pagsakop sa


Pilipinas ay "Kristyanismo at Hispanisasyon." Ipaliwanag ang ibig sabihin ng dalawang
layunin.
- ang ibig sabihin ng mga layunin na ito ay nais ng mga Kastila na ipaliwanag ang
kanilang impluwensiya ang Pilipinas. Nais nilang ipalaganap ang kultutra Espanyol dito,
ang kanilang wika, pagkain, kinagisnan at buong kulturang Espanyol.

3. Bakit uhaw na uhaw na tinanggap ng mga Pilipino ang mga kaalaman sa malikhaing
pagsulat na hatid ng bansang America?
- sa larangan ng malikhaing panitikan, masasabing uhaw na uhaw na tinatanggap
ng mga manumulat na Pilipino ang mga bagong kaalaman sa pagsulat dahil hindi nila ito
nararanasan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.

4. Sinasabing ang tinatawag nating "pambansang panitikan" sa ngayon, sa katotohanan


ay panitikan lamang ng mga Tagalog. Ipaliwanag ang nagiging papel ng pagsasaling-
wika sa pagbuo ng tunay na "pambansang panitikan."
- nang dahil sa pagsasaling-wika, ay naisasalin natin ang mga katutubong
panitikan sa wikang Filipino. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng panitikan na
maituturing natin na talagang atin, ang “pambansang panitikan.

5. May limang yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika na tinalakay sa yunit.


Paghambingin nang pabuod ang tuon sa bawat yugto.
- Ang unang yugto ay panahon ng mga Kastila. Sa yugtong ito nagsimulang
magkaanyo ang pagsasaling-wika sa Pilipinas. Sa yugto ring ito ay ipinalaganap ng mga
Kastila ang Kristiyanismo maging ang kanilang wika subalit nagging bantilawan ang
pagpapalaganap nila sa wikang Kastila maging sa Kristiyanismo. Maraming naniniwala
na mas maipapalaganap ang Kristiyanismo kapag ang wikang katutubo ang gagamitin.
PAGNILAYAN – UNAWAIN - SURIIN

Sa ikalawang yugto naman, ay napalitan ng mga Amerikano ang mga Espanyol


sa pananakop at ang kanilang pangunahing kasangkapan sa pananakop ay aklat o
edukasyon sa wikang Ingles. Nagbago rin sa yugtong ito ang ginagampanan ng
pagsasaling-wika. Naging masigla ang pagsasalin sa wikang Pambansa, lalo na ang
akdang klasika.
Pagdating naman sa ikatlong yugto, naganap ang pasasalin sa Filipino ng mga
materyales, pampaaralan na nasusulat sa Ingles, tulad ng aklat, patnubay, sanggunian,
gramatika at iba pa, kaugnay ng pagpapatupad sa patakarang bilingwal sa ating sistema
ng edukasyon.
Sa ikaapat na yugto na yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-wika ay ang
pagsasalin ng mga katutubong panitikang diTagalog. Ginawa ito upang makabuo ng
panitikan na matatawag na talagang atin.
Sa panghuling yugto naman ay unti-unti nang nagkaanyo ang pagsasaling-wika.

6. Sinasabing "Tayo ay mga nawawalang kaluluwa” sa ating sariling bayan." Ipaliwanag


ang mahalagang papel na dapat gampanan ng pagsasaling wika upang matagpuan
natin ang ating sarili.
- Sinasabing "Tayo ay mga nawawalang kaluluwa” sa ating sariling bayan.", kaya
mainam na mas pagtuunan natin ng pansin ang pagsasalin ng mga katutubong panitikan
sa Filipino upang mas matagpuan natin ang ating sarili at may matawag tayong
‘panitikang Pambansa’.

7. Ipaliwanag: "Ang pagsasaling-wika bilang isang sining o propesyon ay hindi pa


gaanong nakakalayo sa kanyang kuna."
- para sa akin, "Ang pagsasaling-wika bilang isang sining o propesyon ay hindi pa
gaanong nakakalayo sa kanyang kuna.” Dahil hanggang sa ngayon ang pagsasalin ay
nakikitaan parin o hindi parin nawawala ang impluwensiya ng mga sumakop sa atin noon.

8. Sang-ayon ka ba sa sumusunod na sinabi ng kritikong si Isagani Cruz: "Para tayong


mahihina ang mga matang mas madali pang makita ang malayo kaysa mga likha ng mga
kapit-bansa natin"? Bakit?
- sang-ayon ako, lalo na at sa panahon ngayon mas kinagigiliwan natin yung mga
produkto o wika ng mga ibang bansa kaysa sa sariling atin. Ang mga kabataan ngayon
ay mas nauuna pang turoan ng wikang banyaga katulad ng Ingles kaysa sa Filipino. Kaya
mas nahihirpan sila o kaunti lang ang kanilang alam tungkol sa ating wika.

You might also like