You are on page 1of 5

ISANG PINAL NA PANGANGAILANGAN SA SOSYEDAD AT LITERATURA

ISANG PAGSUSURI SA K-DRAMA SERYE THE KING ETERNAL MONARCH ni: KIM EUN-
SOOK

Dahilan sa Pagpili ng drama serye na ito:


“Naniniwala ka ba sa Parallel Universe?”
1. Anuman ang kalagayan o estado ng tao sa buhay ay kusang naglalaho sa
kapangyarihan ng pag-ibig ng dalawang taong itinadhana ng kapalaran.
2. Pagpapaigting sa isipan at katwiran upang maunawaan ang mga teorya sa kabuuan
ng kuwento.
3. Hindi pangkaraniwang kuwento na naglalahad din ng di pangkaraniwang
kalagayan o sitwasyon ng mga karakter sa kuwento
4. Isang komplikadong kuwento na pawang nangangailangan ng atensiyon/pokus sa
madaling salita kailangan paganahin ang utak upang magkaroon ng interaksiyon sa
nais ipahiwatig ng awtor o manunulat.
5. Isang kontrobersiyal na kuwento / drama serye dahil sa kawalan ng pagtanggap o
pagtangkilik sa mismong bansang pinanggalingan nito kaya itinuring na isang flop
na palabas ngunit tinangkilik ng iba’t ibang bansa sa buong mundo dahil sa husay
ng sumulat/awtor at husay ng mga karakter. Ito ay binigyan ng label na TKEM: THE
WORLD DENOMINATION . (Maaring tingnan ang mga platforms at pahayagan na
magpapatibay dito)

Maaring panuorin ito mula sa iba’t ibang platform. (Hindi kinakailangan na gumastos piliin
ang mga website na maaring mapanuod ang seryeng ito ng libre.)
Sinuman ang gumanap sa mga karakter ng mga tauhan sa seryeng ito ay walanag kinalaman
sa pagsusuri na gagawin. Mas bigyan ng pansin ang kabuuan ng kuwento at suriin ito batay sa
mga pamantayan na inihanda.

Ang opinyon at pagtiyak sa mga kasagutan ay isang patunay ng pag-unawa sa kuwento .


maging obhektibo sa paglalahad batay sa mga gabay sa pagsusuri. Alalahanin ito ay isang
pinal na pangangailangan ninyo sa klase kaya inaasahan na pagbutihin ang inyong
Pagsusuri. Maraming Salamat.
Ito ay magsisilbing Huling Pangangailangan at batayan ng inyong Panghuling markahsn sa
klase.kaya tiyakin na maayos at may angking kaayusan ang pagsusuri na gagawin. Mas
katanggap-tanggap ang orihinalidad at masikap na pagtatala ng mga detalye batay sa
pamantayan ng pagsusuri. Maging obhektibo at di mapanghusga sa kabuuan ng pagsusuri.

MGA GABAY SA PAGSUSURI

1. Mga Tauhan
Itala ang mga mandudula o artistang gumanap sa drama serye at papel na
ginagampanan ng bawat isa. Ilarawan ang katauhan ng bawat tauhan sa kuwento.
Ang paglalrawan ay maaaring ibatay sa anyo, kilos, damdamin o sikolohiya. Tiyakin
lamang na ang mga babanggitin ay may malaking ambag sa kabuuan ng kuwento.

2. Buod
Isalaysay ang dula sa iyong sariling pangungusap. Ang buod ay kinakailangan binubuo ng
dalawa hanggang tatlong talata lamang.
3. PAGSUSURI:
a. Pamagat
Mabuti ba ng ginamit na pamagat sa drama serye? Taglay ba nito ang mga
katangianng isang mabuting pamagat, kawili-wili o kapana-panabik, di nagbubunyag
ng wakas, di- palasak o may orinahilidad at nauugnay sa diwa ng paksa nito?
Ipaliwanag.

b. Paksa
Ano ang paksa ng kuwento? Mahalaga at napapanahon ba ito? Napalutang ba ang
paksa nito? Ipaliwanag.

c. Simula
Paano sinimulan ang kuwento? Ano ang istilo na ginamit ng manunulat? Naging kawili-wili
baa ng gayong simula? Ipaliwanag.
d. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari
Paano inilahad ang mga pangyayari? Gumamit ba ng karaniwang paraan? Nakatulong ba sa
kasiningan, pagkamalikhain, kalinawan ng kuwento ang gayong paraan? Ipaliwanag.
e. Wakas
Paano winakasan ang dula? Ano ang istilo ang ginamit? Makatotohanan ba ang gayong
wakas? Naibigan mo ba ang pagwawakas ng kuwento o binigo ka nito? Bakit? Ipaliwanag.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon paano mo bibigyan ng wakas ang kuwento? Ipaliwanag ang
dahilan sa pagpili ng ganuong pagwawakas ng kuwento?
f. Tagpuan
Ano ang tagpuan ng kuwento? Saan naganap ang pangyayari? Kailan? Sapat ba na
nailarawan ang set o mga props, ang tagpuan at panahong iyon? Ipaliwanag.
g. Ilaw , Tunog at Musika
Angkop ba ng mga ginamit na ilaw , tunog at musika sa bawat tagpo sa kuwento?
Nakatulong ba ang mga ito sa pagpapalutang ng kasiningan ng kuwento? Mamili ng isang
eksena upang pagtibayin ang iyong ideya. Ipaliwanag.

h. Pagkakaganap
Makatotohanan ba at mahusay ang pagkakaganap ng mga tauhan? Nakumbinsi ka ba nila
bilang manonood sa kanilang pagkakaganap sa papel na ginagampanan? Ipaliwanag.
i. Katauhan o Personalidad
Makatotohanan ba ng mga personalidad sa kuwento? Kung ihahanay natin ang mga
nabanggit na personalidad sa tunay na kalagayan o sitwasyon may maiuugnay ka bang tao o
pangkat ng mga tao sa mga tauhan sa kuwento? Ipaliwanag.
j. Damdamin
Anong damdamin ang nangingibabaw sa kuwento? Paano napalutang ang damdaming iyon?
Ipaliwanag.
k. Kakintalan
Anong mensahe o mensahe ang taglay ng kuwento? Paano napalutang ang aral na iyon?
Mahalaga ba ang mensahe na nais iparating ng may-akda sa mga manonood? Ipaliwanag.
l. Mga Simbolo/ Sagisag/ Pahiwatig
Ano ang mga simbolo/ sagisag o pahiwatig sa kuwento? Isa-isahin ito at ano ang kahulugan
ng mga iyon? Naging mabisa baa ng paggamit ng mga simbolo/sagisag at pahiwatig sa
kuwento? Nakatulong ba ng mga iyon sa pagpapabuti ng kuwento?
m. Dulog Pampanitikan na ginamit sa kuwento. Ito ay batay sa teoryang pampanitikan
na angkop sa kabuuan ng kuwento. Ilahad kung bakit ito ang napili. (Piliin ang
Teoryang Pampanitikan angkop sa kabuuan ng kuwento.) Ipaliwanag ang kaakibat na
dahilan kung bakit ito ang napili.) Maaring higit sa isa ang mapiling Teorya bilang
Dulog Pampanitikan.
n. Sa kabuuan senaryo ng akda ano-ano ang mga ISYUNG PANLIPUNAN (sa
pangkalahatang pananaw) ang ipinapakita/tinatalakay sa kabuuan ng akda? Isa-isahin
at bigyan ito ng sapat na pagpapaliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
partikular na isyung panlipunan nakikita o nangyayari hanggang sa kasalukuyang
panahon.

KARAGDAGANG TANONG MULA SA KUWENTO: (OPSYUNAL)

Magbigay ng sariling TEORYA O PAGPAPALIWANAG sa mga sumusunod na mahahalagang


kalagayan sa kuwento? Ito ay opsyonal maari ninyong sagutin maari rin na hindi. Ngunit ang
magtatangkang sagutin ito ay magkakaroon ng karagdagang puntos. Ito ay isang opsyun
partikular sa may mga pagkukulang sa klase.

1. Parallel Universe-Obelisk
2. No-man land (Wormhole)- isang lugar na walang taong nabubuhay o mabubuhay
3. Manpasikjeok
4. 988 bilang ng mga gumagamit ng password na KING. ano ang napapaloob na teorya
sa bilang na ito?
5. Latigo(Whipped)/ Payong
6. Sa pagitan ng Zero( 0) at One (1)

Isang pagpupugay sa mga nag-isip at gumamit ng kosentrasyon upang masagot ang mga teorya
at katanungan kaugnay sa kuwento.
Ang pasahan ng inyong pinal na gawain ay sa ika- 12 ng Enero, 2022. Ito ay wala ng ekstensiyon
o pagpapahaba ng durasyon sa pagtanggap ng mga ipapapasang Pinal na pangangailangan sa
klase. Ipadala ito sa aking gmail umak account. Tatanggapin ito hanggang ikalima ng hapon
(5:00pm). Ang kabuuang puntos ng gawaing ito ay 100.

Muli, alalahanin na ito ay huling pangangailangan na kailangan ninyo na ipasa sa klase kaya
inaasahan ang kaigihan ng gawa upang makakuha ng mataas na marka.
Maraming salamat. Nawa’y matapos na ang pandemiya nararanasan ng lahat upang tayo ay
muling makapagsimula sa panibagong pag-asa. Ipagpatuloy ang pagiging positibo at may
kabutihang loob. Patuloy kayong gabayan at Pagpalain ng ating Panginoon!

*sa pagpasa ng inyong Huling Pangangailangan huwag kalimutan na lagyan ito ng pangalan at
seksiyon. Filename: Isang pagsusuri ng akda.

Jma 2022
TO GOD BE THE GLORY

You might also like