You are on page 1of 2

31 PIOQUINTO, Alyssa 34 Rentero, Kianne Mayo 15, 2017

32 QUINTO, Allyza 35 Ramos, Seona


33 RAMOS, Franceline 36 Rivera, Enzo
11ABM-20

Posisyong Papel sa Anti-illegal Mining

Ang posisyong papl na ito ay tumutukong sa panig ng Radio Shack Corporation ukol sa
isyung iligal na pagmimina. Kasama ditto ay ang epekto ng iligal na pagmimina, masama at di-
masama, sa mga nakapalibot sa operasyon ng pagmimina katulad ng kalusugan ng mga taong
nakatira malapit dito, lalong-lalo na ang mga manggagawa na kasapi sa pagmimina, kalikasan na
maaapektuhan nito at iba pa.

Ang layunin ng korporasyon sa anti-illegal mining ay para maiwasan ang mga


aksidenta, malalaki man o malilit, kahit anong klase na makakapagdulot ng kasiraan sa
operasyon, sa kalikasan maging sa mga taong nagtatrabaho. Isa sa mga halimbawa ng
aksidenteng gustong maiwasan ay ang nangyari sa probinsya ng Bicol, sa bayan ng Paracale
noong taong 2012 kung saan maraming tao ang nasawi, nabaon ng buhay at nasira ang mga ari-
arian. Dahil rin sa aksidente na ito ay marami ang nawalan ng tirahan. Gusto ng Radio Shack ay
iiwas ang mga tao sa anumang kapahamakan ng iligal na pagmimina, panatilihing malinis ang
kalikasan at ikonserba an gating mga kayamanan kung saan tutulong din ang
korporasyon na isulong ang adbokasiya ng Mines UN Safety: The Myth of
Safe and Responsible Mining.

Ang papel na ito ay nagbubukas pinto para sa mga taong


naaapektuhan at maaapektuhan ng iligal na pagmimina para sa ibang
oportunidad na nakahanda para sa mga ito. Ang korporasyon rin na ito ay
bukas para sa ibang grupong gustong makilahok o may kaparehas na opinion
na labas sa iligal na pagmimina sa bansa.

Sa panahon ngayon, lumalaganap na ang mga mga kompanyang hindi


rehistrado o walang sapat na dokumento na dokumento at kagamitan sa
operasyonpara sa pagmimina. Madali nang nakapagsasagawa ng operasyon
kahit walang sapat na kaligtasan at kagamitan. May ibang nagbibigay lang
ng dokumento na hindi naman pinag-aaralan ng mabuti ang lokasyon at
kagamitan ng kompanya. May iba rin na nagsasagawa na lang ng walang
abiso at dokumento. Hindi na tinitignan kung angkop ba ang lokasyon, kung
saan napupunta ang produksyon, kung maganda baa ng kagamitan at ipa
pa.

Isa sa mga hinahangan ng korporasyon ay masiguradong may papeles


lahat ng nagsasagawa ng operasyon. Sinisigurado rin ng kompanya na ang
bawat nagsasagawa ng operasyon ay kompleto sa kagamitan, matibay at
sapat ang mga ito. Hangad rin ng korporasyon na panatilihing ligtas at hindi
nakakasakit sa kalikasan at sa mga taong na sa paligid ng operasyon sa
lokasyon.

Ang korporasyon ay tutulong sa adbokasiya ng Mines UN Safety: The


Myth of Safe & Responsible Mining. Gusto ng kampanya na makatulong sa
mga taong posibleng maapektuhan ng maaaring aksidente. Maging
mapagmatiyag, mag-ingat, itigil ang iligal na pagmimina.

You might also like