You are on page 1of 10

Pamamahayag

Ang pamamahayag ay nangangahulugang


isang proseso ng paglalahad ng paksa at
impormasyon sa mapanuri at maayos na
pahayag gamit ang mga salitang mapanuring
sanaysay. Ang paglalahad at pagpapakalat ng
impormasyon ay isang sining ng
pamamahayag. Ito rin ay maituturing na
kaalaman at pakikipagtalastasan, na ginagamit
ng tao sa kanyang pamumuhay.
Editoryal

Ang pahinang ito ay


naglalaman ng matalinong
kuro-kuro ng patnugot o
mamamahayag tungkol sa
isang napapahong isyu o
paksa.
Uri ng Editoryal na pamamahayag

Editoryal na namumuna/Editorial of Criticism

Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo.


Subalit dito, kapwa inihaharap ng sumulat ang
mabuti at masamang katangian ng isang isyu.
Tinatalakay niya ang magkabilang panig sa
kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang
isa sa mga ito.
Editoryal na namumuna/Editorial of Criticism

Ito ay tumutuligsa sa mga


kamalian ng karaniwang
mamamayan,
makapangyarihan, samahan,
lipunan o ng bansa at
nagmumungkahi ng mga
reporma alang-alang sa
kapakanan ng mamamayan.
Bahagi ng Editoyal na Namumuna

Panimula o news peg. Ito ang paksa o balitang batayan


ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o detalye ng
paksa. Kailangang ito ay maging maikli lamang.

Gitna. inilalahad dito ang mga detalye o tala hinggil sa


balita o isyu na ayon sa paninindigan

Panapos o pangwakas. Pagpapatibay ito ng kuru-kuro at


pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu.
Halimbawa
BUONG mundo ay namumroblema sa plastic na basura, bawat baybaying dagat ng
mga bansa ay may mga inaanod na plastic hindi lamang Manila Bay ang namumulaklak sa
mga basurang plastic kundi marami pa, kung tutuusin, baka mas malala pa ang basura sa
ibang bansa.

Sa pag-aaral na ginawa, tinatayang 437 million hanggang 8.3 billion plastics ang
inaanod sa mga coastline sa buong mundo. Sa baybaying dagat ng America, tinatayang 7.5
million plastics ang nakatambak at maski ang mga namumuno roon ay problemado sa mga
inaanod na basura. Pandaigdig ang problema sa mga basurang plastic kaya marami ang
nananawagan na ang bawat bansa ay magdeklara ng paglaban sa plastic pollution.
Ipagbawal na ang paggamit ng plastic na sumisira sa kapaligiran. Ang Pilipinas ay ikatlo sa
mga bansang may maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa
ang Indonesia.

Magandang malaman na aktibo si Environment Secretary Roy Cimatu sa paglaban


sa mga nagta­tapon ng basura. Minsang nagsalita siya sa isang forum, sinabi niyang tapos
na ang araw ng mga guma­gawa ng krimen laban sa Inang Kalikasan. Ang pag-abuso sa
kalikasan ay tutuldukan na sapagkat mahigpit nang ipatutupad ang environmental laws,
rules, regulations at ordinances.
Nakakatuwa na ganito kasidhi si Cimatu sa pag­laban sa mga
sumisira sa kalikasan. Sana ang kasunod nito ay ang pagpapakita
ng kamay na bakal laban sa mga iresponsableng mamamayan na
wa­lang pakundangan kung magtapon ng plastic sa mga kanal at
estero.

Ipamulat sa mga iresponsable na ang mga basurang plastic


na kanilang itinapon ay humahantong sa Manila Bay. Kaya
anumang kampanya sa paglilinis ng Manila Bay ay mawawalan ng
saysay kung hindi titigil sa pagtatapon ng dumi at basura.
Totohanan na ang paglilinis kaya nararapat makiisa ang
mamamayan. Tuldukan na ang walang disipli­nang pagtatapon ng
mga plastic na basura sa kalsada, kanal, estero, ilog at dagat man.
Suriin

Suriin kung ano ang pamatnubay na


kombensyonal ang na-aangkop na
gamitin sa isang isyu ng
pamamahayag ayon sa kahulugan na
ibibigay.
Pamatnubay Kombensyonal

Pangalan ang itinatampok sapagkat ang tao o mga taong


nasasangkot sa balita at tanyag at higit sa prominente
kaysa aktibidad o gawaing naganap.

Ang pangyayari, aktibidad o gawain na naganap o


magaganap ang itinatampok sapagkat higit na prominente
ito kaysa tao o mga taong nasasangkot sa balita.

Pamaraan ang itinatampok.


Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o magaganap
sa di-kinaugaliang oras o kung ang oras o pabahon ng
kaganapan ay lalong mahalaga.

Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o magaganap,


sa hindi karaniwang pook.

Sanhi o dahilan ang itinatampok.

You might also like