You are on page 1of 2

A’s Lesson Plan

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Para sa Ika-Siyam na Baitang


I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Napapahalagahan ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
pamamagitan ng debate.
C. Naipapakita ang pamantayan sa pagpili ng mga pangngailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng simulasyon.

II. Nilalaman
A. Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan
B. Sanggunian:
C. Mga Kagamitan: Mga larawan, visual aids, play money, cut-outs

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Balik-Aral

B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng halimbawa ng mga larawan na nakikita sa pamilihan. Tutukuyin ng
mga mag-aaral kung kagustuhan o pangangailangan ang mga pinakitang larawan.

C. Aktibiti
Magtatala ang mga mag-aaral ng sampung bagay na kanilang nabibili sa pang-araw-araw sa
pamilihan at bibilhin pa na kanilang gagamitin sa tahanan, eskwelahan at iba pa. Tutukuyin ng
ng mga mag-aaral kung ang kanilang inilista ay pangangailangan o kagustuhan.

D. Analisis
Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng debate ang mga
mag-aaral tungkol sa pangangailangan at kagustuhan. Sa gagawing debate bawat pangkat ay
bibigyan ng limang minuto sa paghahanda, tatlong minuto sa paglalahad, at isang minuto naman
sa pagbibigay ng konklusyon. Pipili ng representante ang bawat pangkat.
• Pangkat 1 – Pangangailangan
• Pangkat 2 – Kagustuhan
Krayterya sa Debate:
Nilalaman – 30 puntos
Organisasyon ng mga ideya – 20 puntos
Kabuuang Puntos: 50 puntos

E. Abtraksyon
Ilalahad ng guro ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa pangngailangan at kagustuhan ng
isang tao. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan na inihanda ng guro.
Patnubay na Katanungan:
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng pangangailangan?
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng kagustuhan/
• Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng isang tao?

F. Aplikasyon
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon kung
saan magagamit nila ang tamang pagdedesisyon ng pagpili o pagbili sa pagitan ng
pangangailangan o kagustuhan. Bibigyan ng play money ang bawat pangkat at kailangan nilang
mamili na tulad sa pamilihan sa pamamagitan ng pagkuha ng mga cut-outs na may nakalagay na
pangalan ng produkto at presyo nito.
Sitwasyon:
• Pangkat 1 – Ikaw ay isang estudyante at ang baon mo sa isang araw ay limang pung piso. Hindi
pa kasali ang iyong pamasahe na sampung piso taga-sakayan at pananghalian. Paano mo
gagastuhin ang pera na mayroon ka?
• Pangkat 2 – Ikaw ay isang empleyado sa isang kompanya at ikaw ay sumasahod ng labing anim
na libong piso kada buwan. Ikaw ay nangungupahan na ang bayad ay dalawang libo kada buwan.
Hindi pa kasali ang pambayad ng tubig at kuryente na limang daang piso kada buwan. Paano mo
gagastuhin ang iyong sahod?
• Pangkat 3 – Ikaw ay binigyan ng iyong magulang ng dalawang pung libong piso para pambili
ng laptop na iyong gagamitin sa iyong pag-aaral. Subalit napag-isipan mo na malapit na ang
iyong kaarawan at maraming kaibigan mo ang umaasa na iimbitahin mo sila. Itutuloy mo ba ang
pagbili ng laptop o nanaisin mong ipanghanda na lang ito sa nalalapit mong larawan?
• Pangkat 4 – Ikaw ay isang ilaw ng tahanan. Ang haligi ng tahanan ay kumikita lamang ng
sampung libong piso kada buwan. Mayroon kayong tatlong anak na nag-aaral sa elementarya.
Wala kayong binabayarang renta at tubig maliban sa kuryente kada buwan. Paano mo ibabadyet
ang pera ng iyong pamilya?
Krayterya sa Simulasyon:
Komputasyon: 50%
Pagbibigay ng rason o eksplanasyon: 50%
Kabuuan: 100%

IV. Pagtataya
Sa isang kapat na papel sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ibig sabihin ng pangangailangan?
2. Ano naman ang ibig sabihin ng kagustuhan?
3. – 10. Ibigay ang mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.

V. Takdang-Aralin
Sa isang kapat na papel, maglista ng dalawang pung kagamitan na makikita sa loob ng iyong
tahanan. Tukuyin kung ito ay pangangailangan o kagustuhan.

You might also like