You are on page 1of 6

GROUP 6

MGA MIYEMBRO
Earl Oyzon
Paul Cabrido
Yna Aures
MAKATAO
Ito ay nagpapakita ng pagiging makatao
dahil ito ay naglalayong mapanatili ang
kalikasan at kalusugan ng mga tao.
Ipinagbabawal ang pamumutol ng puno
upang protektahan ang mga likas na yaman
na may malalim na epekto sa ating buhay,
tulad ng pagpapalaganap ng malinis na
hangin at pag-aalaga sa wildlife. Kapag
pinahihintulutan ang patagong pamumutol
ng mga puno ng mga dayo, ito ay maaaring
magdulot ng pinsalang hindi lamang sa
kalikasan kundi pati na rin sa kalusugan ng
mga tao.
MAKABAYAN
ARTIKULO
“Why deforestation matters—and what we can do to
stop it” ng NATIONAL GEOGRAPHIC
Sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng pamahalaan sa pagputol ng mga puno, patuloy pa
rin ang iligal na pamumutol nito, lalo na ng mga dayo mula sa ibang probinsya. Ito ay isa sa
mga sanhi ng global na problema ng deforestation o pagkawasak ng mga kagubatan. Ang
mga pangunahing dahilan ng deforestation ay ang pagsasaka, pag-aalaga ng hayop,
pagmimina, pagbobo at lalo na ang pagpuputol ng mga puno. May mga organisasyon at
aktibista na lumalaban sa ilegal na pagputol ng puno, at ini-encourage ang mga mamimili
na pumili ng mga sustainable na produkto para suportahan ang pagpapreserba ng
kagubatan.
Mahalaga ang pagpapreserba ng kagubatan dahil ito ay may malalim na epekto sa
biodiversity, ekosistema. Ipinapakita rin ng deforestation ang negatibong epekto nito sa
pagbabago ng klima dahil nagdudulot ito ng paglabas ng carbon dioxide sa atmospera.
Kaya't mahalaga ang mga hakbang na tulad ng reforestasyon at rewilding para mapanatili
ang mga kagubatan.
DEMOKRATIKO
Ipinagbawal ng pambansang pamahalaan ang pagputol ng
mga puno, lalo na sa mga protektadong lugar tulad ng
kabundukan at kagubatan, upang mapangalagaan ang
kapaligiran at maiwasan ang deforestation. Ang dahilan ng
pagbabawal nito ay naglalayong protektahan ang mga
endangered species, mapangalagaan ang biodiversity, at
mabawasan ang climate change. Mahalagang isali ang mga
mamamayan sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, lalo
na kung nakakaapekto ito sa kanilang kapaligiran, kabilang
ang proteksyon ng mga kagubatan at iba pang likas na
yaman, dahil ang mga desisyong ito ay hindi lamang
makakaapekto sa bansa kundi pati na rin sa mga tao. Sa
aspeto ng demokratikong kayanihan, mahalaga na
mabigyan ng boses ang lahat ng sektor ng lipunan ukol sa
usapin ng pamumutol ng puno upang makarating sa mga
makatarungan at epektibong desisyon ukol sa isyung ito.
MAKATAO MAKABAYAN DEMOKRATIKO

Sa pagtutulungan ng aming pangkat, kami ay nagpapakita ng


pagsusuri na nagpapakita ng pagiging makatao, makabayan, at
demokratiko. Ipinakita namin ang kahalagahan ng pag-aalaga sa
kalikasan para sa kapakanan ng lahat at para mapanatili nating
lahat ang katarungan sa lipunan.
SALAMAT!

You might also like