You are on page 1of 65

Group 3

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang
bawat pangungusap at unawain
ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat
ang titik ng iyong napiling sagot
sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit
kailangan ng tao na pangalagaan ang
kalikasan?
a. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal
na bagay na bumubuhay sa kaniya.
b. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa
kaniya na dapat niyang gampanan.
c. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang
pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya
at bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at
pahalagahan.
d. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng
tao dahil sa biyayang taglay nito.
2. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang
kalikasan sa mga bagay na kaniyang ginagawa?
a. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa
pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa
kaniya.
b. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang
tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-
iwanan ng pag-unlad at panahon.
c. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang
sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang
pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran.
d. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng
industriyalisasyon gaya ng road
widening at earth balling.
3. Ano ang maaaring epekto ng global
warming?
a. Unti-unting mababawasan ang bilang ng
tao dahil sa gutom at mga trahedyang
mangyayari.
b. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang
dagat at magkakaroon ng malawakang
pagbaha.
c. Unti-unting mararamdaman ng tao ang
pag-iiba ng klima na maaaring magdulot
ng pinsala sa buhay at ari-arian.
d. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho
ng lupa at pag-init ng panahon.
4. Paano mo isasagawa ang programang
magsusulong ng pangangalaga ng
kalikasan?
a. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng
dagdag na multa sa bawat paglabag.
b. Hihikayatin ang bawat indibidwal na
magtanim at makiisa sa isang gawaing
makakalikasan.
c. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na
nagbigay ng kalikasan.
d. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang
komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing
pangkalikasan.
5. Ano ang paraan na maaaring gawin ng
isang simpleng mamamayan bilang
tagapamahala at tagapangalaga ng
kalikasan?
a. Magtapon ng basura sa tamang
tapunan.
b. Magpatupad ng mga batas.
c. Magkaroon ng pagkukusa at maging
disiplinado.
d. Maging mapagmasid at matapang sa
pakikipaglaban para sa bayan.
6. Ang kalikasan ay tumutukoy sa
________.
a. Lahat ng nakapaligid sa atin.
b. Lahat ng nilalang na may buhay.
c. Lahat ng bagay na nagpapayaman
sa tao.
d. Lahat ng mga salik na tumutugon
sa pangangailangan ng mga nilalang
na may
buhay.
7. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na
gumawa ng isang bagay na makakaya mo
para sa kalikasan, alin sa sumusunod ang
iyong gagawin?
a. Lilinisin ang Ilog Pasig at sasali sa mga
proyektong lilikom ng pondo para sa Ilog
Pasig.
b. Gagawa ng mga programang susundan ng
baranggay upang makatulong ng
malaki.
c. Maging mapanuri at magkukusa sq mga
gawaing kailangan ako.
d. Magdarasal para sa bayan.
8. Ang pagiging tagapangalaga ng
kalikasan ay nangangahulugang ___
a. Paggamit sa kalikasan na naaayon
sa sariling kagustuhan.
b. Paggamit sa kalikasan ng may
pananagutan.
c. Paggamit sa kalikasan ng walang
pakundangan.
d. Paggamit sa kalikasan na hindi
isinasaalang-alang ang iba.
9. Ang sumusunod ay maling
pagtrato sa kalikasan, maliban sa
isa.
a. Hindi maayos na pagtatapon ng
basura.
b. Paghiwa-hiwalay ng basura
bilang nabubulok at di nabubulok.
c. Pagtatapon ng basura sa mga
anyong tubig.
d. Pagsusunog ng basura.
10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita
ng paggamit sa kalikasan bilang isang
kasangkapan?
a. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli
ng mga bagong binhi.
b. Paggamit ng lupain na may
pagsasaalang-alang sa tunay na layunin
nito.
c. Malawakang paggamit ng mga kemikal
upang makakuha ng maraming ani.
d. Pagkamalikhain at responsibilidad sa
gagawing pagbabago sa kapaligiran.
7. ANG PAGTATAPOS O WAKAS
NG PANGMUNDONG
KAHIRAPAN
Ang pagtatapos o wakas ng
pangmundong kahirapan ay may
kaugnayan sa pangkalikasang tanong na
dapat nating tandaan, na ang lahat ng
likas na yaman sa mundo ay kailangang
ibahagi sa bawat tao na may
pagkakapantay-pantay.

You might also like