You are on page 1of 2

GRADE 9 ESP

Written Test 3/ Quarter 3/ Week 5-6

NAME: ___________________________ DATE: _________________


SECTION: ____________________________ SCORE: ________________

“Siya’y nagiging dukha na gumagawa ng kamay na walang kasipagan: nguni’t


yumayaman ang kamay ng masipag.”
-Kawikaan 10:4

TOPIC: Kagalingan sa Paggawa na may Kaakibat na Wastong Paggamit ng Oras

MELC- Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagisa paggawa,


nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok. Piliin at isulat ang pinakatamang sagot sa patlang bago ang bilang.
I. PANUTO: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang pinakatamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____1. Pinalitan ni Lesie ang nagretirong punong-guro ng kanilang paaralan. Maraming nagsasabing hindi niya kayang higitan ang
kabutihang nagawa at tagumpay na narating ng huli. Alin sa sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay
karapat-dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng dating punong-guro
b. Gamitin ang ganda at angking karisma.
c. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kaniyang trabaho
d. Sundin ang payo at gusto ng mga matatandang guro upang maging maganda ang relasyon ng mga ito
_____2. Maganda ang pagkakagawa ng pamilya ni Jane sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong
may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kanyang mga kakayahan
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
_____3. Hindi natapos ni Gab ang kaniyang kolehiyo dahil sa hirap ng buhay. Sa kabila nito siya ay matagumpay dahil sa negosyong
kaniyang itinayo at pinaunlad. Naging madali ito para sa kaniya dahil ito ay ayon sa kaniyang gusto at hilig. Ano ang katangiang
mayroon si Gab?
a. Matalino
b. May pananampalataya
c. Maganda ang relasyon niya sa Diyos, may pagpapahalaga sa sarili, kapuwa at bansa
d. May angking kasipagan, pagpupunyagi at tiwala sa sarili
_____4. Laging pagod si Katrina sa trabaho niya bilang tagaluto at tagahugas ng plato sa pinapasukang karinderya pero hindi siya
nagrereklamo at nagpapabaya sa kaniyang tungkulin. Paano isinasabuhay ni Katrina ang kagalingan niya sa paggawa?
a. Ginagawa niya nang may kahusayan ang kanyang tungkulin
b. May pagmamahal at pagtatangi siya sa kaniyang trabaho
c. Ang kaganapan nang kaniyang pagiging mabuting manggagawa ay kaganapan ng kaniyang pangarap
d. Ang pagnanais na magkaroon ng karagdagang benepisyo sa trabahong ginagawa
_____5. Bata pa lang si Kristel ay pinangarap na niyang maging doctor tulad kaniyang mga magulang. Alin sa sumusunod ang dapat
niyang isaalang-alang upang maging madali sa kanya na maabot ang kanyang pangarap at sa huli’y magkaroon ng kagalingan   sa
paggawa?
a. Maging masipag, mapagpunyagi, at magkaroon ng disiplina sa sarili
b. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa paghawak ng pera at paraan sa paggastos
c. Maging matalino, marunong magdala ng damit, magaling makipag-usap
d. Magkaroon ng kakayahang kontrolin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
II. PANUTO: Hanapin sa Hanay B kung anong katangian ang tinutukoy ng pahayag sa Hanay A. Isulat ang iyong sagot sa
kahon bago ang bilang.

Sagot HANAY A HANAY B


6. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na A. Kasipagan
mayroong kalidad.
7. Ito ay ang pagtitiyaga na maabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa buhay. B. Pagtitipid
Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan atdeterminasyon.
8. Ito ay kakambal ng pagbibigay C. Pag-iimpok

9. Ito ay paraan upang makapag-save o makapag-ipon ng salapi, na siyang D. Pagpupunyagi


magagamit sa ating pangangailangan sa takdang panahon.
10. Isang Amerikanong imbentor ay isang halimbawa ng isang E. Alexander
taong may pagpupunyagi. Siya ang nakaimbento ng electric bulb. Grahambell

F. Thomas Edison

Prepared by:
_________________________ _________________________________
CAMILLE P. LIQUE Parent’s Signature Over Printed

You might also like