You are on page 1of 2

I PANIMULANG GAWAIN

Magandang hapon mga bata. (magandang hapon din po maam)


Bago tayo magsimula sa ating aralin tumayo tayo at manalangin. (amen)
Bago tayo magsimula magchecheck muna tayo ng attendance, itaas ang kamay
kapag present.
Pakipulot po ng mga basura sa ilalim ng upuan

A.PANGANGAYAK
Ngayon ay may ipapakita ako sainyong larawan at pag masdan ninyo ito ng m,abuti
Ngayon meron akong tanong sainyo mga bata.
Ano ang inyong nakita?
Ano sa tingin ninyo ang ginagawa nila

PAGHAHABI NG LAYUNIN
Ngayon ay babasahin ko sainyo ang ating layunin sa araw na ito

MGA LAYUNIN
1. Naipapakita ang kahalagahan ng pagtupad sa pangako o pinagkasunduan.
2. Napananatili ang pagiging mabuting kaibigan.
3. Nakatutupad sa pangakong binitawan.

B.PAGLALAHAD
Ang pagtupad sa pangako ay isang ugaling hangad natin na taglay sa bawat taong
makasasalamuha natin. Ito ay dahil alam natin na ang pagtatagal at ikagaganda ng
bawat ugnayan sa pagitan ng mga tao ay nakasalalay sa tiwalang ipinagkaloob ng
bawat isa sa kaniyang kasama. Ang pag tupad sa pangako o kasunduan ay tanda
ng pagkamapanagutan dahil ang taong responsible ay ginagawa ang kanilang
sinasabi.

Ngayon ay may ipapakita akong akrostik at basahin ninyo ito. Tignan ninyo kung
paano tumupad sa ng mga pangako ang mga mag aaral.
C.PAGTATALAKAY
Ang pagtupad sa pangako o kasunduan ay tanda ng pagkamapanagutan
dahil ang taong responsible ay ginagawa ang kaniyang sinasabi, sa pag
tupad sa pangako ay isang ugaling hangad natin na taglay sa bawat taong
makasasalamuha natin. Ito ay dahil alam natin na ang pagtatagal at para sa
pangako, mahalaga ang pangako dahil nagtataguyod ito ng maayos na ugnayan sa
pagitan ng mga tao. Kapag lahat ay may kasunduan at sinusunod ang kanilang mga
pangako, nagkakaroon sila ng kaayusan at respeto sa isa’t isa.
D.PAGLALAPAT
Kumuha ng kalahating papel at sagutan ang mga sumusunod.
PANUTO: Basahin ang mga tanon. Isulat ang Oo kung ginagawa mo ang mga ito
at Hindi naman kapag hindi mo ginagawa ito.

E.PAGLALAHAT
TANDAAN: Kapag hindi natin natupad ang pangako natin,
maaring malungkot o masasaktan ang taong iyong
pinangakuan , maari rin itong hindi na maniwala sa iyo sa
susunod na mangangako ka. Mahalaga ito upang hindi
mawala ang tiwala sa atin ng taong pinangakuan natin.
IV PAGTATAYA
PANUTO:
Basahin at unawain ang mga sitwasyon at isulat ang iyong mga
magagawa sa bawat pangungusap

1. Nangako kang tutulong sa pagkakawanggawa sa inyong barangay


ngunit nakalimutan mo ang nasabing gawain. Anong gagawin mo?
2. Nanghiram ka ng art materials sa iyong kamag-aral at nangakong
ibabalik ito subalit iyong nawala. Paano mo sasabihin sa iyong kaklase ang
nanyare?
3.Ano ang kabutihang maidudulot ng pagtupad sa pangako?

V. TAKDANG ARALIN
PANUTO: Ipaliwanag ang mensahe ng pahayag na ito.

“Masisira ng isa lamang na pagsisinungaling ang buong


reputasyon ng integridad”

You might also like