You are on page 1of 5

2 Quarter - ESP 7

nd

Module 1 = Isip at Kilos


Loob

Week 1-2
Pagpapakilala sa Aralin:
•Ayon sa siyensya, ang Tao ang pinaka
mataas na uri sa kategorya ng mga hayop.
Ngunit ang Tao pa din ang pinaka malapit
sa Diyos kaya nga ginawa Niya itong
kawangis Niya at binigyan ng mga
katangian at kakayahang makapag
papatingkad dito.
Tandaan:
•Isip (Intellect) – hango sa salitang Latin na
“intellectus” o “intellegere” na ang ibig sabihin ay
pang-unawa.
* Tumutukoy sa kapangyarihang makaalam at may
kakayahang magbigay ng makatuwirang paghuhusga.
* Ito ay ginagamit upang magkaroon ng kamalayan o
makasagap ng iba’t ibang kaalaman at impormasyon.
* Ito din ay nakabubuo ng mga ideya sa ating
imahinasyon na maaaring maitanim sa ating memorya
sa maikli o mahabang panahon.
* Ito din ay maaaring pagkuhanan ng mga alaala
patungkol sa mga bagay na nakilala, nalaman,
natutuhan, naunawaan at iba pa na mula sa nakaraan.
* Ito din ay may kakayahang magkalap ng mga
karunungan at alamin ang totoo at tama.
* At ito ang nagsisilbing batayan ng tao sa kanyang
pagpapasya.
• Kilos o Kalooban (will) – hindi maaaring kumilos ayon sa
kung ano ang gusto dahil umaaasa lamang sa kung ano ng
ibinibigay na impormasyon ng isip.
* Ito ay nagbibigay sa tao ng kapangyarihan na gumawa at
pumili.
* Ang Kilos-loob ay may kapangyarihang pumili, magpasya at
isakatuparan ang napiling pasya.

• Marapat lamang na pahalagahan at gamitin sa katotohanan


ang isip at kilos-loob na ibinigay sa atin ng Panginoon at
panatilihing malinis ang ating isip, puso at kamay na
kumakatawan sa ating kaisipan at kalooban.

You might also like