You are on page 1of 2

ESP 7

LESSON 1
ISIP - Ito Ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Kung ang pandama ay
depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Ang isip ay may kakayahang mag isip, alamin ang diwa at
buod ng isang bagay.

Ayon sa paliwanag ni De Torre (1980), ang kaalaman o impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay
pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan.

KILOS-LOOB- Ang kilos-loob ay ang kapangyarihan na gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na gusto
mong gawin. Ito ay pansariling desisyon mo na ginagawa at kung paano mo ito gagawin. Ito ay umaasa sa
isip dahil nasa isip lamang ang katuwiran para ma impluwensyahan ang isang kilos.

Ang tao ay dakila, espesyal, at bukod tangi. Ang tao ay natatanging nilikha ng Diyos sapagkat siya ay may
ibat-ibang kakayahan at talent na dahilan ng kaniyang pagiging “Dakila”. Ang tao ay kawangis ng Diyos.
Paano nagging kawangis ng Diyos ang tao? dahil, tayo ay may isip, at puso. Sa madaling salita, ang tao ay
may isip at kilos loob.

“Ang taong nag-iisip at nagninilay, bago magpasiya at kumilos, ay napapanuto ng landas”

LESSON 2
"Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay maaaring pagkatiwalaan sa malaking bagay."

PRINSIPYO NG LIKAS NA BATAS MORAL


Nakaukit ito sa pagkatao ng isang indibiduwal kaya’t ang unang prinsipyo nito ay: Likas sa tao na dapat
gawin ang Mabuti at iwasan ang masama.

ACTIVITY Alin sa mga sumusunod ang nahihirapan kang sundin o hindi mo kayang sundin? Lagyan ng
tsek
_______1. Umuwi agad pagkatapos ng klase.
_______2. Gumawa ng takdang aralin.
_______3. Umiwas sa paglalakwatsa.
_______4. Matulog nang maaga.
_______5. Tumawid sa tamang tawiran.
_______6. Laging magsabi ng totoo.
_______7. Kumain ng gulay at uminom ng gatas.
_______8. Magdasal bago at pagkatapos kumain.

Katangian ng Likas na Batas Moral


▪ Obhetibo – Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatas sa katotohanan. Ito ay nagmula sa mismong
katotohanan (Ang Diyos)
▪ Pangkalahatan – Dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
Walang Hanggan – Ito ay umiiral at mananatiling iiral.Ang batas na ito ay walang hanggan, walang
katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
▪ Hindi Nagbabago – Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao
(Nature of man). Maging ang layon ng tao sa mundo ay hindi nagbabago.

LESSON 3
Konsiyensya- Galing sa salitang Latin, na CUM ALIA SCIENTIA.

Paano malalaman kung tama ang bulong ng konsensiya?


• Kapag ang Mabuti ay pinahahalagahan at ang masama ay itinatakwil
• Kapag ang Mabuti ay itinuturing na mabuti at ang masama naman ay itinuturing na masama
• Kung tinitiyak na ang isang Gawain ay Mabuti bago gawin at kung masama ay iniiwasan ayon sa
alituntunin ng batas.
• Kapag nangyari o nagawa ang isang bagay ayon sa nararapat na ibunga nito.

Ayon kay Felicidad Lipio, kumikilos ang konsiyensiya sa atin sa tatlong paraan.

You might also like