You are on page 1of 7

ESP 10

Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng


Isip at Kilos-loob
Ang tao ay natatangi sa lahat ng nilikha. Ito
ay sapagkat ginawa ang tao batay
sa “wangis ng Diyos”. Itinuturing din ang
tao bilang “obra maestra ng Diyos” at
pinakamagandang nilikha Niya
Isa sa nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikha
ng Diyos kagaya ng mga hayop ay ang kakayahan
ng tao na isip at kilos-loob.

- ang tao ay nakakapag-pasiya, humuhusga at


tinitimbang ang mga bagay-bagay bago gawin ang
isang kilos.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kalikasan ng tao ay binubuo ng
dalawang kakayahan
1. ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kaniyang
panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay
nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran.
2. pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon
at dahil sa kilos-loob. Ito ang dahilan kung bakit hindi lamang
kumikilos ang tao batay sa kaniyang naiisip kundi siya ay
humuhusga muna bago isakilos ang isang bagay
nilikha ng Diyos ang tao batay sa Kaniyang wangis, subalit
nilikha niya ito na “HINDI TAPOS”. Ito ay upang ang tao
mismo ang tumuklas at buoin ang kaniyang pagkatao. Sa
pamamagitan ng taglay niyang isip at kilos-loob
magagawa ng tao na humusga, magpasiya at gawin kung
ano ang mabuti at tama sa kaniyang buhay. Gamit ang isip
at kilos-loob marapat tukuyin ng tao ang katotohanan,
matutong magmahal at paglingkuran ang kaniyang
kapuwa sapagkat ito ang bubuo ng kaniyang pagkatao.
Gawain 1. Pasulat na Gawain

A.1. Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang
TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung ito ay hindi wasto.

________1. Ang tao ay nilikhang hindi tapos.


________2. Magkapareho ang kakayahang isip at kilos-loob ng tao at hayop.
________3. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kalikasan ng tao ay binubuo
ng dalawang kakayahan.
________4. Ang kakayahang kumuha ng buod ang tumutulong sa tao na
magpasiya sa mga bagay na isasakilos.
________5. Ang kakayahang pag-iisip at kilos -loob ng tao ay walang
kinalaman sa kaniyang pagpapakatao.
A. 2. Panuto. Sa pamamagitan ng 1 hanggang 2 pangungusap bigyan ng sariling
pakahulugan ang mga sumusunod na salita batay sa paksang pinag-aralan.
1. ISIP –

2. KILOS LOOB –

3. KNOWING FACULTY –

4. APPETITIVE FACULTY –

5. TAO –

You might also like