You are on page 1of 3

ESP 7 KWARTER 3 –IKA- ANIM NA LINGGO

HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA PAGNENEGOSYO O PAGHAHANAPBUHAY

Sa modyul na ito,
1. Naipaliliwanag na mahalaga ang:
a. pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin na nagsisilbing gabay sa tamang
pagpapasiya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga
pangarap.
b. pagtutugma ng mga personal na salik at mga kailanganin (requirements) sa
pinaplanong kursong akademiko o teknikal bokasyonal, sining o isports, negosyo o
hanapbuhay upang magkaroon ng makabuluhang negosyo o hanapbuhay, maging
produktibo at makibahagi sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
c. pag-aaral na lumilinang ng mga kasanayan, pagpapahalaga, talento at mga
kakayahang makatutulong, sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o
hanapbuhay.
2. Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng mga minimithing
kursong akademiko o teknikal bokasyonal, negosyo o hanapbuhay batay sa
pamantayan sa pagbuo ng Career Plan gamit ang Goal Setting at Action Planning
Chart.

PAGPAPALAWAK NG IDEYA
Ang taong nakapag-aral ay maaring bukas na silid sa mga pagbabago at mga magiging kaganapan sa ating
daigdig. Ang kalidad ng yamang-tao ng isang bansa ay maaring madaling mahuhusgahan sa bilang ng mga nakapag-aral
na populasyon na nakatira dito. Sa madaling salita, ang edukasyon ang magiging pangunahing sangkap upang umunlad
ang isang bansa at gayundin upang mapanatili ang pag- unlad na ito.

PAGPAPALALIM SA PANG-UNAWA

Epekto ng Kawalan ng Edukasyon sa Pamumuhay sa Lipunan

Kailangan ka ng ating bansa higit sa iyong sarili. Kailangan ka ng Pilipinas. Isa sa mga nagpapalala ng krisis ng
ating bansa ay ang kawalan ng edukasyon ng ating mga kababayan; sa ekonomiya, politika, kalusugan at iba pa.
Magastos daw ang mag-aral, ngunit makailang ulit na magastos pa rito ang kasalatan sa edukasyon. Ang mga taong hindi
nakapag-aral ang unang nakararamdam ng kakulangan bunga ng kasalatan ng edukasyon. Sila ay walang sapat na
kakayahan para maging lubos na maunawaan ang mga nagaganap sa ating paligid at papaano sila naapektuhan nito,
para makinabang ng lubos sa mga benepisyo at serbisyong maaaring ilathala ng iba’t ibang mahahalagang institusyong
panlipunan at para na rin maipaglaban ang kanilang mga karapatan. Sila ay nagiging marginalized. Maaaring mawalan
sila ng boses pagdating sa mga mahahalagang usapin sa bansa. Ang pagiging mangmang ay maaring maging parusa.

Hindi lang ang mga hindi nakakapag-aral ang nagbabayad sa kasalatang bunga ng kawalan ng edukasyon. Tayo,
ang pamilya natin, kahit na sila pa ay edukado at magaganda ang trabaho o negosyo. Halimbawa na lang sa isang
barangay, kung ang mga ito ay hindi nakapag-aral at naturuan ng kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa
kapaligiran, isipin mo ang magiging kalagayan ng paligid. Kahit na may iilan dito ang nakapag-aral na may pagpapahalaga
sa kalinisan at pangangalaga sa kapaligiran, nakatitiyak na mas mangingibabaw pa rin ang uri ng pamumuhay ng
nakararami rito. Marami sa kanila ang walang maayos na palikuran, pagtatapon ng basura kung saan man naisin.
Maaring hindi nila maisaisip ang kaugnayan ng kalinisan ng paligid sa kalusugan. Kapag ang sakit ay lumaganap sa isang
lugar na ito dahil sa kanilang kapabayaan, lahat naman ay maaring magkasakit pati na rin iyong malinis sa pamamahay.

Tuwing eleksyon, sila rin ay may karapatang bumoto. Kung salat sila sa kakayahang umunawa sa mga tunay na
pinag-uugatan ng kahirapan sa bansa, o dahil hindi makakuha ng trabahong sapat ang pasuweldo mas madali sa kanila
ang magtiwala sa mga pangako ng mga makakaliwang politiko lalong-lalo na kung may kapalit na malaking halaga.
ESP 7 KWARTER 3 –IKA- ANIM NA LINGGO

Ito na lamang ang iyong iisipin; ang bansang ito ay demokratiko, mga mayorya ang siyang nangingibabaw at
nagpapasya. Karamihan ng mga hindi nakapag-aral ay tinatawag na mayorya, at sila ang mga nangingibabaw sa bansa.

Batay sa pagsasaliksik ng EDCOM o ng 1993 Congressional Education Commission at ng 2003 Functional Literacy,
Education and Mass Media Survey (FLEMMS), mahigit sa 3.8 milyong Pilipino ang “no read, no write”, at mahigit sa 9.2
milyon naman ang nakapag-aral o hindi nakatapos ng elementarya. Marami pa rito ang kahit na nakapag-aral at
nakatapos ay hindi pa rin nakapagsasalita at nakaiintindi ng wikang Ingles. Nangangailangan pa rin tayo ng sapat na
kasanayan sa wikang ito upang makasabay sa mga pagbabago na kinakailangan ng ating ekonomiya. Ayon sa
Department of Labor and Employment (DOLE 2010), kabahagi sa mga Key Employment Generators ang Cyber-services,
kahalintulad ng pagiging call center agents at medical transcriptionist; medical tourism and health services at overseas
employment. Kinakailangan sa mga trabahong ito ang pagiging mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles. Sa inilabas na
survey naman ng Filipino Youth Study noong 2001, lumalabas sa mga datos na malayo pa rin ang mga Pilipino sa ideya
ng EDCOM na ang isang Pilipinong may sapat na edukasyon. Marami sa mga kabataan (65%) ang hindi nakikilahok o
nakikibahagi sa mga gawaing pansibika o pampamayanan. 37% naman ang nakaaawit nang tama o tuwiran ng ating
pambansang awit at 38% lang ang kayang ilahad ang Panatang Makabayan.

Tuwing dumarating ang panahon ng eleksyon, sila rin naman ay may karapatang bumoto. Kung sila ay salat sa
kakayahang umunawa ng mga tunay na pinagmumulan ng kahirapan sa ating bansa o dahil hindi makakuha ng sapat na
trabaho at pasuweldo ay mas madali sa kanila ang papaniwalain sa mga ipinangangako ng tiwaling politiko, lalo na kung
may kapalit na malaking halaga.

Atin na lang isipin, demokratiko ang ating bansa, ang mga mayorya ang siyang nangingibabaw. Kung marami ang
hindi nakapag-aral, sila ang magiging mayorya, sila ang mangingibabaw sa bansa.

Isa ang pag-aaral sa may malaking epekto sa ating lipunan. Maari nating masabi na hindi ganap ang pang-unawa
ng tao kung siya ay hindi nakapag-aral. Sa ating pag-aaral nahahasa ang isip sa paggawa ng mga tamang pasya. Maaring
mas magiging makatwiran at matalino ang isang tao kung siya ay nakapag-aral. Sa pamamagitan ng edukasyon ay
lumalaganap ang kaalaman at ang mga impormasyon sa buong mundo. Ang isang taong hindi marunong sumulat o
bumasa ay walang sapat na kakayahan upang unawain ang mga kaalaman at impormasyong ito. Sila ay maaring maging
sarado sa mga pagbabago at mga pag-unlad sa kaalaman sa mundo.

Sa isang banda, ang taong nakapag-aral ay maaring bukas sa silid ng mga pagbabago at mga magiging kaganapan
sa ating daigdig. Ang kalidad ng yamang-tao ng isang bansa ay maaring madaling mahuhusgahan sa bilang ng mga
nakapag- aral na populasyon na nakatira rito. Sa madaling salita, ang edukasyon ang magiging pangunahing sangkap
upang umunlad ang isang bansa at gayundin upang mapanatili ang pag-unlad na ito.

Marahil ito ang dahilan kung bakit ang mga mayayamang bansa ay may mataas na literacy rate at nagiging lubos
na produktibo ang mga mamamayan.

Marahil ngayon ay kumbinsido ka na, na mahalagang makatapos ka ng iyong pag-aaral. Ngunit ikaw ay nasa
unang taon pa lamang. Mas mahalaga sa ngayon na matapos mo ang pag-aaral nang sa gayo’y maipagpatuloy mo ang
iyong pagpapaunlad ng iyong mga kasanayan sa pamamagitan at tulong ng pormal na edukasyon ,teknikal-bokasyonal o
pang-akademiko, o sa pamamagitan ng patuloy na paghahasa o pagsasanay ng iyong mga talento o kakayahan.

APLIKASYON NG NATUTUNAN

GAWAIN 1: “GOAL SETTING AND ACTION PLANNING CHART”


Panuto: Hindi isang bahagi lamang ng buhay ang dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng mga mithiin at
pagbabalangkas ng plano sa pagtatamo ng pangarap sa buhay. Lahat ng aspekto ng buhay ay dapat na mabigyang tuon.
Gamit ang Goal Setting and Action Planning Chart ay isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa pagbubuo ng karera o
negosyo. Katapat nito ay itala ang mga hakbangin na isasagawa upang makamit ang mithiin. Gayundin ang gawin para sa
Pag-aaral, Pamilya at Personal (Pangkatawan, Pangkaisipan, at pang-ispiritwal). Ang panahong itatakda ay dapat na hindi
bababa sa anim na buwan. Inaasahang magagamit dito ang mga natutuhan tungkol sa sarili sa mga naunang gawain at
ang naging resulta ng naunang Force Field Analysis. Itala sa journal ang mga magiging katuparan o accomplishments sa
mga itinakdang mithiin at kaugnay na mga hakbang sa pagkakamit nito. Gayundin, itala ang mga magiging kahirapan o
balakid sa pagtatamo ng mithiin at ang mga gagawing alternatibong hakbang pamalit dito.
ESP 7 KWARTER 3 –IKA- ANIM NA LINGGO

PAGTATAYA SA NATUTUNAN
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong sagot.

Gabay na Tanong:

1. Paano mo maiuugnay ang mga natuklasan mong kakayahan at kahinaan sa pag-aaral sa gusto mong kurso o
negosyo? Ipaliwanag.
2. Ano-anong mga ugali o gawi sa pag-aaral ang kailangan mong pag-ibayuhin o baguhin? Ipaliwanag.
3. Paano makatutulong ang pagpapataas ng marka sa mga asignatura sa paaralan sa paghahanda sa iyong
pinaplanong kurso, akademiko o teknikal- bokasyonal o hanapbuhay o negosyo? Pangatwiranan.

You might also like