• MAGANDANG BUHAY! • KRED0 NG MABUTING TAO • PAGDARASAL • VERSE OF THE DAY PAGBABALIK- ARAL “SHARE KO LANG” DUGTUNGAN ANG PANGUNGUSAP SKL, ANG NATUTUNAN KO SA NAKARAANG MGA TALAKAYAN AY _____________________. MELCS Ø Napatutunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. EsP9PK-IVb-13.3 VIDEO CLIP Para kanino ka bumabangon? Modyul 3: Kahalagahan ng Pagpili ng Tugmang Track o Kursong Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports PANGKATANG GAWAIN PAGTUKOY SA TUGMANG KURSO O STRAND AYON SA ANGKING TALENTO PANGALAN NG LARO: NARUTO NINJA BOMB Bakit sa palagay mo kailangan na tugma o angkop ang kurso o strand na pipiliin mo sa talento,hilig, at kasanayan na mayroon ka? Mga kadahilan kung bakit mahalaga o kailangang tugma ang mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso sa Senior High School 1. Kung tugma ang iyong pansariling salik sa mga pangangailangan sa napiling kurso, mas madali mong maisasagawa, matututunan at maiintindihan ang mga bagay-bagay na may kaugnayan sa pinag-aaralang kurso. 2. Mas madali mong mapagtatagumpayan ang mga hamon sa iyong buhay dahil gusto mo ang iyong ginagawa at dahil dito madali para sa iyo ang humanap ng solusyon at mga posibleng paraan upang malampasan kung anoman ang maaaring maging balakid. 3.
Mas madali mong maibabahagi sa
iba ang iyong mga natutunan dahil alam mo sa iyong sarili na iyon ay makatutulong din sa iba. Kung magagawa mong pumili ng tamang track o kurso na nakabatay sa iyong pansariling salik, makakamit mo ang sumusunod: Una, ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay. Pangalawa, tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa. Pangatlo, kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay nakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. ARALING PANLIPUNANAN
Ang ekonomiks at ang
kahalagahan nito EKONOMIKS - ang agham na naglalayong planuhin ang paggamit ng limitadong pinagkukunang- yaman upang matugunan ang walanG katapusang pangangailangan ng tao. nagmula sa salitang griyego na "oikos"(sambahayan) at "nomos"(patakaran), pinagsama upang mabuo ang "oikonomia"( management of household / pamamahala sa sambahayan) -bilang isang agham panlipunan, ito ay nagsusuri sa mga salik ng produksiyon, distribusyon, at pagkonsomo ng mga produkto at serbisyo pinag-aaralan din dito kung paano umiiral ang ugnayan sa pagitan ng mga mamimili(consumer) at ng mga bahay- kalakal o nagbibili ng produkto at serbisyo. KAHALAGAHAN Sa Pang-araw-araw na Pamumuhay -makatutulong sa pagdedesisyon kung dapat o hindi dapat bilhin ang isang partikular na produkto; -masigurong mauunang bilhin ang mga produktong bahagi ng pangangailangan; -upang maunawaan at masuri ang kanilang taunang kontribusyon sa taunang kita o badyet ng pamahalaan; -matututong magtipid at magbigay ng pagpapahalaga sa mga ipon at nakamit na yamang salapi; paglalaan ng badyet ng kanilang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang mga pangangailangan sa araw-araw. Sa Pambansang Kaunlaran Ipinauunawa nito ang paggalaw ng mga salik ng produksiyon at ang epekto nito sa pamumuhay ng mga pangkaraniwang mamamayan ng isang pamayanan o bqnsa at kung paano napatatakbo ang pamilihan at kalakalan sa bansa. PAG-ISIPAN! Ayon sa napagpasyahan mong track o kurso, sa paanong paraan ka ba makakatulong sa ekonomiya ng ating bansa? DILEMMA Ano ang pipiliin mo? Yong gusto/pangarap mong kurso/academic track pero hindi angkop sa pansariling salik? O Yong angkop na kurso/academic track pero hindi itong ang pangarap? ISABUHAY MO! TIGNAN ANG LARAWAN