You are on page 1of 7

MOUNT CARMEL COLLEGE

Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora


HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

GRADE 8- ARALING PANLIPUNAN

I. MGA LAYUNIN
Pagtapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

A. Nasusuri ang iba pang kabihasnang Mesopotamia at Egypt batay sa politika, ekonomiya, kultura,
relihiyon paniniwala at lipunan.
B. Napapahalagahan ang mabuting katangian at kontribusyon ng mga pinuno.
C. Nakakagawa ng dayagram na nagpapakita ng mga dahilan ng Pagkakaroon ng Digmaan.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa : MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA DAIGDIG: Iba Pang Sinaunang
Kabihasnan(Aralin 3 pages 71-76)
b. Sanggunian:.Textbooks (Araling Panlipunan)
Internet (http://lrmds.deped.gov.ph/) and
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf
c. Kagamitan : Larawan ng mga mapa at Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig, larawan ng
Mga hari at mga lumang kagamitan ng mga Sinaunang Kabihasnan, larawan ng mga
tanyag na estruktura. Laptop (ppt), chalk.
d. Pagpapahalaga: Naipapahayag ang damdamin tungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan
e. Sanib-Kaalaman:
o Economics (pagkatuto sa pakikipagkalakalan)
o History (natukoy ang pinagmulan at pamumuhay ng sinaunang kabihasnan)
o Values Education (naiisa alang-alang ang mga kabutihang asal upang makamit
ang sibilisasyon)
o Politics (katangian ng mga namumuno)
o Agriculture (Pagsasaka, pag-aalaga ng hayop)

III. PAMAMARAAN
GURO ESTUDYANTE
A. INTRODUKSYON

a) Panalangin (magdadasal ang lahat)


b) Pagbati
Magandang Umaga/Hapon sa inyong lahat! Magandang Umaga/Hapon din po Ma’am

c) Pag-alam ng liban sa klase Gawain ng Sekretarya

d) Balitaan
“Kumusta kayong lahat? Gumawa ba kayo Mabuti Ma’am, opo!
ng Asignatura?

e) Pagbabalik-aral
Ano ang inyong natatandaan sa nakaraang Ma’am mga Sinaunang Kabihasan po sa Daigdig na
aralin? pinaniniwalaang nagsimula sa Ancient River Valley
Kabihasnang Mesopotamia
Ano ano ang mga ito? Kabihasnang Indus
Kabihasnang Tsino
Kabihasnang Egypt
Ano pa? Ma’am Malaki po ang impluwensya ng Heograpiya
base po sa mga tinalakay natin, halos lahat ng mga
Sinaunang Kabihasnang naitatag ng tao ay sumibol
MOUNT CARMEL COLLEGE
Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

malapit sa mga lambak ilog. Mga Lupain kung saan


matatagpuan ang matabang lupain at malapit sa
pinagmulan ng ilog.
Very Good!

B. PAGGANYAK
Larawan Suri:

Opo Ma’am, mobile legend po.


Pamilyar ba kayo sa mga nakikita ninyong lawaran?

Sa inyong palagay tungkol saan kaya ang ating Empire Ma’am


paksa ngayon?

C. TALAKAYAN Labanan po Ma’am. At kampi kampi ang mga


Ano ang naiisip ninyo kapag nabanggit ang grupo, kumbaga po nagkakaroon ng samahan.
Empire o Imperyo?

Bakit kaya sa palagay ninyo nagkaroon ng Dahil po sa agawan ng teritoryo at kapangyarihan.


mga labanan o digmaan?
Base po ma’am sa nabasa ko, Mayroon din po silang
Maihahalintulad natin ang Mesopotamia, mga imperyo, ang Mesopotamia po ay binubuo ng
Egypt at iba pang Kabihasnan sa larong ML. lungsod estado ng sumer at mga imperyong Akkad,
Paano? Assyrian, Babylonia at Chaldea.
Very Good.
Ano ang ibig sabihin kapag mayroon Ma’am mayroon pong namumuno at
imperyo? pinamumunuan.

Matalio, matapang, magaling magplano, magaling sa


Sa inyong palagay, ano ba ang katangian ng lahat ng bagay.
isang mahusay na pinuno?

Tama!

Pinamunuan ni Haring Sargon I ang


Imperyo sa Akkad at makalipas ang
mahabang panahon ay natalo ang kanyang
pwersa ni Hammurabi na nagmula sa Ma’am dahil po sa mahinang pamumuno ay humina
imperyong Babylonia. Ano ang naging ang pwersa.
dahilan ng kanilang pagkatalo?

Very Good, anong katangian ng pagiging Mahusay po magplano at mamuno dahil natalo nila
hari ang taglay ni Hammurabi? sa digmaan ang imperyong Akkad.

Tama, at ng Manalo sa digmaan ay ginawa


niyang kabisera ng Mesopotamia ang
Babylonia at doon nagtayo ng tore at
pinangalang TORE NG BABEL.

Ano ang napapansin ninyo sa larawan? Ma’am gawa po sa putik at mga bato.
MOUNT CARMEL COLLEGE
Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

Sa inyong palagay bakit kaya putik o luwad Dahil yun lang ang mayroon sa kanilang paligid,
ang kanilang ginamit? wala pong ibang materyales kagaya ng kahoy kaya
kung ano lang po yung nmayroon sila, yun ang
pinagyaman nila.
Mahusay.

Ano kayang nangyari matapos ang Bumagsak ang imperyong Babylonia.


panunungkulan ni Hammurabi?
Namatay si Hammurabi at wala ng namuno sa
Bakit ito bumagsak? kanilang grupo na naging dahilan ng paghina ng
pwersa at yun ang sinamantala ng mga kalaban.
Very Good. Pagkamatay ni Hammurabi ay
nasakop sila ng mga Hittites.
Hindi po, magpapatuloy pa din Ma’am pero sa ibang
Sa pagkamatay ba ng isang pinuno ay pamumuno na at sa ibang lugar dahil nasakop na
nangangahulugang tapos na din ang sila.
imperyo?

Magaling, magkakaroon ng panibagong


imperyo. At makalipas ang mahabang
panahon pinamunuan ni Tiglath-Pilesar I
ang hukbo ng Assyrian at tinalo ang mga Sila po ay kilala bilang matatapang at mahusay na
Hittites. mandirigma. Yan po ang naging susi sa kanilang
Base sa larawan, anong katangian ng mga tagumpay sa pakikidigma dahil natutunan nilang
Assyrian ang ipinapakita dito? gumawa ng mga armas sa pamamagitan ng mga
bakal at metal.

Tama, Chariot ang tawag nila sa kagamitang


ito na pandigma. Kinilala si Ashurbanipal na pinakamaayos ngunit
pinaka mabagsik na pinuno ng Assyrian.
Namatay si Tiglath-Pilesar I at humalili sa
kanya si Ashurbanipal. Paano naman siya
nakilala bilang pinuno? Ano ang kanyang
katangian? Bumagsak po sila sa kamay ng mga Chaldean sa
isang pag-aalsa.
Paano bumagsak ang imperyong Assyria?
Inilarawan si Ashurbanipal bilang mabagsik na
pinuno, maaring hindi nagustuhan ng kanyang mga
Bakit nagkakaroon ng pag-aalsa?
alagad ang kanyang panunungkulan kaya nagkaroon
ng pag-aalsa.

Tama, ang pag-aalsang iyon ay


pinangunahan ni Nebupolassar. At
pagkamatay niya ay humalili sa kanya ang
kanyang anak na si Nebuchadnezzar II at
natamo ang tagumpay ng hukbong
Chaldean.

Bunsod ng pagkakapanalo sa labanan,


ipinatayo ni Nebuchadnezzar II ang Hanging
Gardens of Babylon at inialay sa kanyang
asawa.
MOUNT CARMEL COLLEGE
Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

Maliban po sa pagkakaroon ng malakas na pwersa at


maraming kagamitang pandigma, ang kauna
unahang dahilan ay ang pagkakaroon ng maayos na
Sa mga naganap na digmaan, sa inyong palagay ano
kaya ang nagiging susi sa tagumpay? pamumuno at husay ng isang lider dahil kapag
walang maayos na liderato babagsak ang imperyo at
madaling masakop ng mga kalaban.

Mahusay!

Ngayon ay talakayin naman natin ang Kabihasnang


Egypt. Ma’am sa Pyramid po, Pharaoh at mummification.

Saan ba sila higit na mas nakilala?

Tama lahat ang inyong sinabi.

Ma’am mahabang ilog po ng Nile River at


mapapansin po na may upper and lower Egypt.

Pagmasdan at unawain ang nasa larawan, ano ang Sinakop ng isang kaharian ang isa pang kaharian
ipinapakita nito? para maging isa sila.
Very Good, dalawang kaharian ang nabuo sa
kahabaan ng ilog. Ano kaya ang nangyari?

Tama, sinakop ng Upper Egypt sa pamumuno ni


Menes ang lower Egypt na nagtulak sa pag-iisa ng
kaharian.

Ngayon ay talakayin natin ang tatlong Panahon ng


Egypt.
 Lumang Kaharian
 Gitnang Kaharian Dito po Ma’am dinakila ang mga pinuno na tinawag
 Bagong Kaharian nilang Pharaoh at itinayo ang mga Pyramid.

Ano ano kaya ang mga naganap sa bawat kaharian, Dito po nililibing ang mga Pharaoh.
simulant natin sa Lumang Kaharian.
Ipinamalas po nila ang kanilang husay sa arkitektura
Ano kaya ang dahilan ng pagpapatayo nila ng mga
dahil makikita ang kamangha manghang likha na
Pyramid?
tumatak sa buong mundo.
Anong katangian ng mga Egyptian ang ipinamalas
sa pagtatayo ng Pyramid. Namatay po ang kanilang pinuno at nagdulot ng
kawalan ng maayos na liderato at nagdulot ito ng
kagutuman sa mga naninirahan.
Bakit bumagksang ang Lumang Kaharian?
Dito po nanumbalik ang kasaganahan sa Egypt dahil
nagkaroon ng bagong mamumuno at naisaayos ang
Sistema ng pamumuhay.
Tama. At matapos ang Lumang kaharian ay
umusbong ang Gitnang kaharian, ano ano naman Sinalakay sila ng mga kalaban at natalo sa digmaan.
ang mga kaganapan sa panahong ito?
MOUNT CARMEL COLLEGE
Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

Ano naman ang dahilan ng kanilang pagbagsak?


Yes po Ma’am, sila po ay mga dating Pangulo ng
Tama at iyon ang naging dahilan sa pagkakaroon ng
Bagong Kaharian. Pilipinas. At binigyan ng pantay na pagkilala sa
lipunan dahil pinatunayan nila na kaya din ng mga
Kilala ba ninyo sina Gloria Macapagal Arroyo, Cory babae na mamuno sa isang bansa.
Aquino at Leni Robredo?

Mahusay, nakuha ninyo ang nais kong iparating


dahil sa Bagong kaharian ng Egypt ay nagkaroon din
sila ng babaeng pinuno na si Reyna Hatshepsut.

IV. PAGPAPAHALAGA:
GURO ESTUDYANTE
Ano ba ang kahalagahan ng pagkakaisa? Napakahalaga po nito dahil ito ang pangunahing
susi para makamit natin ang tagumpay at ang pag-
unlad.

Base sa ating naging talakayan, paano naipamalas Naipamalas po ang pagtutulungan sa


ang pagkakaisa at pagtutulungan sa Sinaunang pamamagitan ng pagkakaisa ng mga mandirigma
Kabihasnan? na siyang naging susi sa kanilang tagumpay.

Ano pa? Naging sibilisado po ang mga lugar sa Sinaunang


Kabihasnan dahil sa pagtutulungan ng mga
naninirahan doon, kagaya na lamang ng
pagtutulungan nila para maisaayos at makontrol
ang pagbaha na nagpaunlad sa larangan ng
agrikultura.

Gaano kahalaga ang katangian ng isang pinuno? Ang katangian po ng isang pinuno at ang kanyang
uri ng pamumuno ang magiging dahilan kung ano
ang maaaring mangyari sa kanyang nasasakupan.
Halimbawa po kapag mahina ang hari, ito ang
magiging dahilan para sila ay bumagsak at
masakop ng mga kalaban. Samantalang kapag ang
pinuno ay malakas, matapang, matalino at
madiskarte, magiging maayos ang lahat at uunlad
ang kanilang pamumuhay.
Mahusay, lahat ng inyong ibinahagi ay tama.
Inaasahan ko na maisabuhay ninyo ang
pagkakaisa at taglayin ninyo ang mabuting
katangian ng pagiging isang leader.

V. PANGKALAHATAN:
GURO ESTUDYANTE
Sa ating talakayan ngayong araw, ano ang inyong Natutunan po naming na napakahalaga
MOUNT CARMEL COLLEGE
Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

natuklasan? ng maayos na liderato sa pagtatatag ng


malakas at maunlad na imperyo.
Ano pa?
Na hindi lang po lalaki ang may
kakayahang mamuno sa isang bansa, kaya
din ng mga babae dahil hindi lang tapang
ang kailangan kundi pati talino.

Maliban doon, Mayroon pa ba kayong katanungan o


paglilinaw tungkol sa ating talakayan? Wala Po Ma’am

Kung wala na, kumuha ng papel at sagutin ang tanong


na aking inihanda.

VI. PAGTATAYA
Sa tulong ng dayagram sa ibaba, ipakita ang dahilan ng pagkakaroon ng digmaan.

DIGMAAN

DAHILAN DAHILAN
DAHILAN

Basehan sa Pag grado:

Deskrispsyon Puntos
Nakapagbigay ng makatotohanang Dahilan ng Digmaan 15
Kabuuan= 15 puntos

VII. ASIGNATURA:

Advance Reading tungkol sa Mga Ambag ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig.


MOUNT CARMEL COLLEGE
Extension Campus Brgy. Pingit, Baler, Aurora
HIGHER EDUCATION DEPARTMENT
COLLEGE LEVEL
__________________________________________________________________________________

You might also like