You are on page 1of 2

“Ang Aking Karapatan Bilang mamimili”

Sa ating banasa marami na tayong mga nababalitaan na mga nalinlang at naloko sa kahit
saang pamilihan, may mga nabastos na mamimili at iba pa, subalit minsan ay hindi pa rin ito
nabibigayang pansin o nabibigayan ng solusyon kung kaya’t dito na nangyayari ang pagakaroon
ng hindi patas na pamamaraan sa pagitan ng maimili sa tindera/tindero.

Bilang isang mamimili nararapat lamang na mabigyan ko ang aking sarili ng kaligtasan at
kasiguraduhan sa tuwing ako’y mamimili. Ang mga impormasyon ukol sa isang produktong
aking gustong malaman ay kabilang sa aking karapatan upang malaman ko kung ito ba ay ligtas
o makakapagbigay sa akin ng panganib sa kalusugan at kaligtasan.

Kung hindi ko man magustuhan o kinakailangan ang produktong iyon, nararapat lang din
na mabigyan ako ng kalayaan na makapamili pa ng iba na na aayon sa aking pangangailangan,
kagustuhan at kung saan lamang aabot ang halaga ng aking perang pambili.

At sa aking pamimili naman, hindi maiiwasan na magkaroon talaga ng pagkakamili sa


serbisyo ng pamilihan sa pagbigay sa akin ng produktong aking binili o sa aking pagbili sa
kanilang produkto, maaaring ang produktong iyon ay depektibo na o hindi ko pala
mapapakinabangan. Dito na pumapasok ang karapatang kong magwasto ng pagkakamali, na
kanilang papalitan o maaari kong isauli ang produktong iyon hangga’t nasa akin pa rin ang
resibo ni yon.

At isa pa, para sa mamimili na katulad kong nag-aaral pa lamang, may karapatan tayong
magkaroon ng kaalaman sa edukasyong pangmamimili na makakapag pabuti sa ating
kakayahan na maging matalino, mapanuri, at malaya pagdating sa pagbili ng kung ano-mang
produkto.

Kabilang na rin pala ang pagkakaroon ng kaaya-ayang paligid, upang maging magandang
tingnan at nakakagaan ng pakiramandam at dahil dito ay tiyak kong magkakarooon ako ng
maayos at ligtas ng pamumuhay sa araw-araw.
Ang mga hindi magandang pangyayari sa mga pamilihan ay maari na nating malutas
kung sana lang ay bigyan pa natin ng pansin at kahalagahan ang pagkakaroon ng karapatan,
subalit, kinakailangan mong malaman na hindi dapat abusuhin ang pagkakaroon nito at sana ay
nasa tamang pamamaraan ka kung ikaw ay kinakailangang sa paglalaban ng karapatan.

You might also like