KABANATA II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Kaugnay na Literatura:
Ginugol ng mananaliksik ang mahabang panahon sa pagbasa at pangangalap ng
impormasyon hinggil sa paksang nabanggit upang maging makatotohanan at
kapakipakinabang ang pag-aaral na ito. Ilan sa mga naging batayan nito ay ang mga
sumusunod. Ayon sa Wikipedia, ang pamamahalang may estratehiya ay isang
importanteng konsepto ng pagnenegosiyo at pangangalakal. Ang estratehiya ay isang
disiplina na ginagawa ng mga kompanya upang manguna sa mundo ng kompetisyon.
Ang apat na ideya sa likod ng estratehiya ay ang mga sumusunod: 1.Ang paggawa ng
mga layunin para sa kompanya. 2.Ang paggawa ng mga plano upang maabot ang
tinalagang layunin. 3.Ang estratehiya ay importante dahil sa kompetisyon. 4.Kung
mayroong kompetisyon ang isang kompanya, kinakailangan nitong maging mas mabilis,
mas maalam, at mas malakas kaysa sa iba. Ito ang pinakamahalagang trabaho ng mga
tagapamahala sa kompanya dahil ito ay kinakailangan para sa kinabukasan ng
kompanya.
Ayon kay Dave Ramsey, “Ang mga tao ay nagmamadali upang ilunsad ang kanilang
podukto o negosyo na bihira nilang tinitingnan ang pagmemerkado mula sa pananaw ng
isang ibon at hindi sila gumagawa ng sistematikong plano.” Ito ay madalas na
nangyayari sa panahon ngayon kaya tila dumarami ang mga negosyante na hindi
nagtatagal sa negosyo at hindi nagiging matagumpay. Ang pagpaplano ay isa sa mga
pinaka importanteng estratehiya sa pagnenegosyo dahil dito matutukoy kung saang
lugar mas tatangkilikin ang negosyo, kung ito nga ba ay napapanahon at magiging patok
sa mata ng mga tao, kung sino ang magiging target market at kung ano nga ba ang mga
sistema na dapat sundin upang ito ay mahusay na maibenta.
Sobrang importante ng pagpaplano dahil ito ay makakatulong upang mas maging
maganda ang resulta ng negosyo at impresyon ng mga kostumer sa produktong
kanyang binili. Ayon nga kay Natalie Massenet, “Huwag kalimutan na mayroon ka
lamang isang pagkakataon upang makagawa ng isang unang impresyon- sa mga
kostumer.” Ang unang impresyon ng mga taong tatangkilik sa isang negosyo ay ang
daan sa pag-unlad o pagkalugi ng negosyo kaya marapat na bago simulan ang negosyo
ay nakaorganisa lahat at dumaan lahat ng produkto sa isang pagsusuri. Ang tama at
magandang impresyon ay siyang magpapaunlad sa negosyo dahil kapag ito ay
nagustuhan ng isang malaki ang posibilidad na sasabihin niya ito sa iba pa at patuloy
itong makikilala ng iba’t ibang tao at ito ang sagot sa pagtaas ng sales. Subalit, ang
unang impresyon din ay ang maaaring maghatid ng negatibong resulta sa negosyo dahil
ang mga kostumer ay hindi na tatangkilikin ito at negatibong resulta sa negosyo dahil
ang mga kostumer ay hindi na tatangkilikin ito at negatibo pa ang mga sasabihin nila sa
ibang tao tungkol sa produkto at sa negosyo.
Ayon sa aklat na pinamagatang Quality Food Production, Planning and
Mangement (Knight&Kotschevar, 2012), ang serbisyong pangkain ay isa sa
pinakamalaking industriya sa buong mundo. Ang nakukuha dito ay mahigit P16,284
bilyon sa taong 2000 lamang dahil sa bawat P117 na nakukuha sa pagkain, P50 rito ay
napupunta sa serbisyong pagkain. Bago pa ang world war II, nagsimula na ang paglago
ng mga industriyang ito ay tumataas ng 5% sabawat taon kaya naman masasabi nating
ito ang pinakamabilis na paglaki sa lahat ng mga tingian sa mundo.
Ayon kay Vanegmond-Pannell (2010), sa aklat na pinamagatang "food service
management, nagumpisa ang pag unlad ng school food service o ang serbisyong pang
pagkain, sa pamamagitan ng National School Lunch Act na itinatag noong 1946. Ang
school food service ay lumawak at naisama ang agahan, merienda a la carte at hapunan
sa mga nakatatanda at sa mga kabataan sa industriyang ito.
Ayon sa The Culinary Institue of America (2011) sa aklat na pinamagatang
remarkable service, ang kalidad ng serbisyo ay ang pinakaimportante upang magtagal
angisang establisyemento. Ang serbisyo ay kung papaano inihanda ang pagkain sa
tamang oras, kasama din sa serbisyo ang kalinisan ng mga kubyertos, at mga mantel na
ginagamit bago kumain.
Gap ng pag-aaral:
Ang pag-aaral na ito ng mananaliksik ay nakatuon sa estratehiyang isinasagawa ng
taga-pamahala ng Canteen sa loob ng Daraga National High School. Nais malaman ng
mga mananaliksik ang mga estratehiyang ginagawa ng mga taga-pamahala ng Canteen
sa loob ng Daraga National High School.
TALA
Kaugnay sa Literaturay
1. Dave Ramsey. https://mykhaelamariemanuel.wordpress.com/2016/02/03/mabisang-
estratehiya-kapalit-ay-maunlad-na-negosyo/amp/
2. Foodhistory.http,.//www.cliiffordawrigh5/caw/links.html.
3. Knight,et;al (2012). Quality food production, planning and management(3rded)
4. Natalie Massenet.
https://mykhaelamariemanuel.wordpress.com/2016/02/03/mabisang-estratehiya-
kapalit-ay-maunlad-na-negosyo/amp/
5. Vanegmond; et al (2010). School Food Service and Management (4th
edition).newyork:van nostra d reinhold
6. Wikipedia. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pamamahalang_may_estratehiya
KABANATA III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalahad ng disenyo, amg pinagkuhanang
datos, paraan ng pangangalap ng datos, and instrumentong ginamit at ang estadistikong
paraan na ginamit sa pag-aaral.
Ang paraan ng pananaliksik na ginamit ng mga mananaliksik upang matukoy kung
ano-ano ang mga estratehiyang isinasagawa ng tagpamahala ng canteen upang
mapataas ang kanilang kita ay "Descriptive Method" o Palarawang Pagsusuri.
Ang napiling populasyon ng mga mananaliksik ay ang canteen sa loob ng Daraga
National High School. Ang Pinagkuhanang datos ng mga mananaliksik ay ang 8 canteen
sa Daraga National High School. Dahil limitado lamang ang naging tagatugon, lahat nang
canteen ay binigyan ng talatanungan na may kaugnayan sa pag-aaral.
Ang instrumentong ginamit ng mag mananaliksik ay isang tseklist na talatanungan
kung saan ito ay naglalaman ng 4 na katanungang may sagot na pagpipilian. Ito ay
kanilang ginamit upang mas mapadali ang pagkalap ng datos at impormasyon.
Ang mga mananaliksik ang mismong nagbigay at nagkolekta ng talatanungan mula
sa kanilang tagatugon kung saan mula ito sa 8 canteen. Ang nakalap na impormasyon at
datos ay isinailalim sa matinding pagsusuri at pag-unawa. Ang bawat sagot ay itinala at
ginamitan ng estadistikong pormularyo: ang frequency count at percentage rate, upang
mas madaling maunawaan ang datos.
Estadistikong Ginamit
No. of frequency
PERCENTAGE = x 100
Total no. of respondents
KABANATA IV
Kinalabasan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng Palarawang Pagsusuri upang malaman amg
mga estratehiyang isinasagawa ng taga-pamahala ng canteen upang mapataas ang
kanilang kita.
Ang mga sumusunod ay ang resulta ng naging pagsusuri ng mga mananaliksik.
Sa talahanayan 1, ipinapakita ang iba't ibang estratehiyang kanilang isinasagawa sa
pagpaptakbo ng kanilang canteen. Ayon sa naging resulta, ang estratehiyang madalas
nilang ginagamit ay ang Pagpapanatili ng Kalinisan ng paligid at maging sa produkto, at
Pagbibigay ng sapat na presyo na parehong may 83.33% samantalang 33.33% naman
ang iba pang nabanggit na estratehiya na nagpapakitang malimit iton gamitin at 16.66%
naman sa iba pang estratehiyang hindi nabanggit.
Sa talahanayang 2, sinasagot nito ang katanungang, naging epektibo ba ang
nabanggit na estratehiya?, at base sa resulta, lahat o 100% ng mga tagatugon ang
nagsabing Oo na kanilang pinatunayan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
situwasyon katulad na lamang sa pagtaas ng kita, pagbabalik-balik ng mga estudyante,
pagrami ng mga mamimili at pagbibigay satisfaction sa mga mamimili.
Sa ika-3 talahanayan, makikuta ang naging kalamangan ng estratehiyang kanilang
ginamit sa estratehiyang ginamit ng iba. Dito, makikita na sa lahat nang kalamangan,
nangingibaw ang Pagtangkilik ng maraming estudyante na msyroong 83.33% na
nagpapakitang madalas, ito ang kalamangan ng mga csnteen sa iba, isa ring patunay na
naging epektibo ang kanilang estratehiya samantalang Napapanahon naman ang may
pinka-kaunti na may 16.66% lamang. Isang paglalarawan na sng mga canteen ay na
hindi sumasabay sa uso angmga canteen pero gumagawa sila ng paraan para maakit
ang mga mamimili.
Sa ika-4 na talahanayan, sumasagot ito sa katanungang "Ano ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng estratehiya?". Nahuli ang kategoryang mapatagal ang pagpapatakbo ng
negosyo na may 16.66% lamang samantalang ang "Pagkakaroon ng maraming
tatangkilik ang may pibakamataas na boto mula 8 tagatugon, na may 83.33% sumunod
naman ang mapataas ang kita, at mapadali ang oaglago ng negosyo na may 33.33%.
Marajil ay nakatuon lamang sila sa kasalukuyang pamamahal at hindi inisip ang psibleng
manguari sa susunod ngunit konektado naman ang lahat sahil mula sa maraming
mamimil, magkakaroon ng pagtaas ng kita kung kaya't ang kanilang pokus ay sa mga
mamimili.
TALAHANAYAN 1
Estratehiyang Isinasagawa Bilang ng tumugon Bahagdan (%)
a. Pagpapanatili ng kalinisan 5 83.33
ng produkto.
b. Pagsasa-alang-alang ng 2 33.33
kalidad ng produkto.
c. Pagbibigay ng sapat ng 5 83.33
presyo.
d. Pagkakaroon ng barayti 2 33.33
ng produkto.
e. Inobasyon sa produkto. 2 33.33
Iba pa 1 16.66
TALAHANAYAN 2
Epektibo ba ang Bilang ng tumugon Bahagdan
estratehiya?
Oo 6 100
Hindi 0 0
Patunay 1. Pagbabalik-balik ng mga estudyante
2. Pagrami ng mamimili
3. Pagtaas ng Kita
4. Pagbibigay satisfaction sa mga mamimili
TALAHANAYAN 3
Kalamangan ng estratehiya Bilang ng tumugon Bahagdan (%)
sa iba
a. Napapanahon 1 16.66
b. Maayos at mabilis na 3 33.33
serbisyo
c. Maraming estudyanteng 5 83.33
tumatangkilik
d. Maraming pagpipilian 3 33.33
ang mga estudyante.
e. Pagbibigay ng satisfaction 3 33.33
sa mga mamimili.
Iba pa 1 16.66
TALAHANAYAN 4
Kahalagahan ng Bilang ng tumugon Bahagdan (%)
pagkakaroon ng Estratehiya
a. Magpatagal ang 1 16.66
pagpaptakbo ng negosyo.
b. Magkaroon ng maraming 5 83.33
mamimiling tatangkilik
c. Mapataas ang kita 2 33.33
d. Mapadali ang paglago ng 2 33.33
negosyo
e. Iba pa 1 16.66%
KABANATA V
Buod, Konklusiyon at Rekomendasyon
Buod
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga estratehiyang isinasagawa ng taga-
pamahala ng canteen sa loob ng Daraga National High School upang mapataas ang
kanilang kita. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng mga mananaliksik ng Descriptive
Method sa pagkuha ng datos upang mas madali ang proseso ng pagkalap ng datos. Ang
populasyon ay binubuo ng 8 canteen at mula sa 8 canteen ay 6 lamang ang tumugon sa
aming talatanungan. Sa pamamagitan ng resulrang nakuha mula sa 6 na tumugon, ang
lahat nang datos ay isinailalim sa maingat na pagsusuri at ito'y ginamitan ng
estadistikong pormularyo. Ang mga mananaliksik ay sinagot ang sumusunod ma
katanungan: Una, ano-ano ang estratehiyang estratehiyang isinasagawa ng taga-
pamahala ng cateen, Ikalawa ang tanong na, kung ito ba ay epektibo o hindi, Pangatlo
ay ano ang naging kalamangan nito sa iba at pang-huli, ano ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng estratehiya.
Resulta
Ang sumusunod ay ang resulta sa pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik.
1. Mga estratehiyang kanilang isinasagawa.
Ang mga tagatugon ay binigyan ng iba't ibang estratehiyang maaaring kanilang
ginagamit sa pamamahala at pagpapatakbo ng kanilang canteen. Base sa resulta, ang
Pagpapanatili ng kalinisan ng paligid at maging sa produkto, at ang Pagbibigay ng sapat
na presyo ang pinakapangunahing estratehiyang ginagamit nila.
2. Pagiging epektibo ng estratehiya.
Ang mga tagatugon ay binigyan lamang ng 2 pagpipilian: Oo o Hindi, at base sa
resulta lahat sila'y nagsabing epektibo ang mga naging estratehiya nila at nagbigay rin
ng patunay katulad ng pagbabalik-balik ng mga estudyante, pagrami ng mamimili at
pagbibigay satisfaction sa mga mamimili.
3. Kalamangan ng estratehiyang ginamit sa estratehiya ng iba.
Binigyan ng limang sitwasyon ang mga tagatugon na nagpapakita ng iba't ibang
kalamangan ng mga estratehiyang nabanggit. Ang kalamangan na nanguna ay ang
"Maraming estudyanteng tumatangkilik" na may 83.33% na marahil ay naging patunay
na naging epektibo ang kanilang estratehiya. Samantala, ang kategoryang
"Napapanahon" naman ang pinaka-kaunting may nakuhang bahagdan.
4. Kahalagahan ng pagkakaroon ng estratehiya.
Naglahad ng iba't ibang kahalagahan ang mga mananaliksik na naging pagpipilian
ng mga tagatugon. Ayon sa resulta, para sa mga canteen sa loob ng Daraga National
High School, ang kahalagahan ng pagkakaroon ng estratehiya ay ang magkaroon ng
maraming mamimiling tatangkilik na may 83.33%. Marahil ay nakatuon lamang sila sa
kasalukuyang pagpapatakbo ng negosyo at pagpataas ng kita dahil sa kinalabasan ng
resulta. Ang pinakahuli naman ay ang mapatagal ang pagpapatakbo ng negosyo na may
16.66%.
Konklusyon
Batay sa mga datos at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na:
1. Ang estratehiyang isinasagawa sa mga canteen upang mapataas ang kita
ay ang (1) Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at maging sa produkto, at
(2) Pagbibigay ng sapat na presyo sa mga mamimili.
2. Naging epektibo ang mga estratehiya dahil (1) tumaas ang kita, (2)
Napanatili ang kalinisan, (3) Bumabalik ang customers, (4) Nakapagbibigay
ng satisfaction, at (5) Marami ang bumibili sa kanilang canteen.
3. Nagkaroon ng kalamangan ang bawat estratehiya at ayon sa kanila, ang
pagkakaroon ng maraming mamimiling estudyante ang naging kalamangan
ng kanilang estratehiya sa iba.
4. Ang kahalagahan sa pagtatayo at pagpapatakbo ng canteen na mayroong
estratehiya ay ang magkaroon ng maraming mamimiling tatangkilik upang
mapataas ang kanilang kita at makalamang sa ibang ka-kompetensiya.
Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng
mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon.
1. Ang pagkakaroon ng estratehiya ay mahalaga sapagkat lalong
napapataas nito ang kita at nagkakaroon ng mabisa at organisadong
pamamalakad sa loob ng canteen.
2. Ang mga susunod na magtatayo ng negosyo ay dapat may sapat na
kaalaman sa mga estratehiyang gagamitin.
3. Nararapat na magkaroon ng maayos na estratehiya upang makuha ang
atensyon at ang interest ng kanilang mga mamimili at para na rin
mapanatili ang matagal na operasyon ng negosyo.
KABANATA I
Suliranin at Kaligiran
Panimula
Bilang bahagi ng paaralan, ang canteen ay nagsisilbing pantawid gutom ng mga
mag-aaral, guro at mga empleyado. Ang canteen ay isang kainan sa loob ng isang
organisasyon tulad ng kampo militar, kolehiyo, pabrika o kompanya para sa nga
sundalo, estudyante, kawani at iba pa. (Google Dictionary).
Tulad sa isang labanan, hindi ka maaaring makipaglaban nang hindi nagpa-plano,
nang walang estratehiya armas na iyong gagamitin. Sa pagne-negosyo ay gayundin, ito
ay kailangang mapag-planuhan nang sa gayon ay hindi masayang ang iyong panahon,
oras, trabaho at higit sa lahat ay ang iyong pera. Hindi basta-basta ang pagpapatayo ng
negosyo dahil ang sapat na kaalaman at sapat na estratehiya ay kinakailangan. Ang
estratehiya ay isang mahusay na pamamaraan upang mapatakbo ng maayos ang
negosyo at maunawaan kung saan ka naka-posisiyon sa merkado.
Dahil dito, ang naging tuon ng mga mananaliksik ay ang malaman kung ano ang
mga estratehiyang isinasagawa ng mga tagapamahala ng canteen sa kanilang negosyo
upang mapataas ang kanilang kita.
Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nais umaasa ang mga mananaliksik na
matukoy at mabigyang kasagutan ang kanilang mga katanungan na magdudulot ng
bagong pananaw para sa lahat nang mambabasa.
BALANGKAS TEORITIKAL
DESENTRALISASIYON
KARUNUNGAN SA TRABAHO
PAGKAKAROON NG OPOTUNIDAD NA MATUTO
PROSESONG S.M.A.R.T (Specific, Measurable, Achievable, Relevant,
Time-Oriented)
MAAYOS NA PAMAMAHALA
The Management Theory of Peter Drucker
Ang theoretical framework ng pag-aaral na ito ay kinuha sa teorya ni
Peter Drucker o mas kilala bilang “Father of Modern Management Theory". Sya
ang gumawa ng leadership terms and strategies na ginagamit pa rin hanggang
ngayon.
Ayon sa kanya, “management is doing things right; leadership is doing the right
things", hindi katulad nang mga naunang management theorists, ipinahayag ni Drucker
na ang mga nasasakupan ay dapat na magkaroon ng oportunidad na matuto at umunlad
sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Naniniwala rin sya na ang mga tagapamahala ay dapat na maging lider.
Kesa sa magsayang ng oras at pagbalewala ng mga inobasyon, mas pinili nya
ang mas flexible at collaborative approach. Binigyang-pansin nya ang kahalagahan ng
desentralisasiyon, karunungan sa trabaho, pamamahala ayon sa mga obhetibo at ang
prosesong tinatawag na SMART.
Paglalahad ng Suliranin
Ang paksang suliranin ng mga mananaliksik ay tingkol sa estratehiyang
isiansagawa ng tagapamahala ng canteen upang mapataas ang kanilang
kita.
Narito ang ilang suliraning hahanapan ng kasagutang ng mga
mananaliksik.
1. Ano-ano ang mga estratehiyang isinasagawa ng tagapamahala ng
canteen upang mapataas ang kanilang kita?
2. Naging epektibo ba ang mga estratehiyang ito?
3. Ano ang kalamangan ng mga estratehiyang ginamit sa estratehiya ng
iba?
Hinuha
Sa pag-aaral na ito, inaasahan ng mga mananaliksik sa inilahad na
suliranin ang sumusunod na kasagutan.
1. Ang mga estratehiyang kanilang isinasagawa ay ang mga sumusunod : (1)
Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at maging sa produkto, (2) Pagsasa-
alang-alang ng kalidad ng produkto, (3) Pagbibigay ng sapat na presyo, (4)
Pagkakaroon ng barayti sa produkto, at (5) Pagkakaroon ng inobasyon sa
produkto.
2. Maging epektibo ang mga ginamit na estratehiya at pagbibigay ng
positbong patunay tungkol dito.
3. Ang kalamangan ng ginamit na estratehiya sa iba ay ang sumusunod : (1)
Napapanahon, (2) Maayos at mabilis na serbisyo, (3) Maraming
estudyanteng tumatangkilik, (4) Maraming pagpipilian ang mga mamimili,
at (5) Pagbinigay ng satisfaction sa mga mamimili.
4. Ang magiging kalahalagahan ng pagkakaroon ng estratehiya ay ang
sumusunod: (1) Mapatagal ang pagpapatakbo ng negosyo, (2) Magkaroon
ng maraming mamimilong tatangkilik, (3) Mapataas ang kita, at (4)
Mapadali ang pagpapalago ng negosyo.
Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa paksang may pamagat na
"Estratehiyang isinasagawa ng taga-pamahala ng cateen sa loob ng Daraga
National High School upang mapataas ang kanilang kita", na tumutugon
lamang sa mga katanungang ipinahayag ng tatlong suliranin. Ito'y
tumatalakay lamang sa estratehiyang isinasagawa. Hindi na ito tutungo pa
sa mas malalim na impormasyon ng canteen. Tanging ang canteen lamang
sa loob na paaralan ang saklaw ng oananaliksik na ito at hindi ang mga nasa
labas ng paaralan.
Sa pamamagotan ng pagbibigay ng talatanungan o tseklist sa mga
tagapamahala ng canteen, malalaman kung ano-ano ang mga estratehiyang
kanilang isinasagawa.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga estratehiyang
isinasagawa ng mga tagapamahala ng canteen, kung paano iyo
nakakatulong upang mapataas ang kanilang kita. Samakatuwid, hindi lang
sa iisang tao nakatuon ang pag-aaral na ito kundi pati na rin sa mga
ssumusunod:
Mga tagapamahala ng canteen
Magkakaroon ng panibagong ideya at estratehiya ang mga
tagapamahala ng canteen para mapalago ang kanilang negosyo at
magkakaroon sila ng panibagong pananaw sa kanilang kakompetensiya.
Mga taong nagpaplano na magtayo ng negosyo
Ito ay magsisilbing sanggunian at gabay na maaaring magamit upang
magkaroon ng paunang ideya sa kung ano ang mabisang estratehiya na
gagamitin upang mapalago ang negosyo at maging angat sa mga
kakompetensiya.
Mga susunod na mananaliksik
Ang materyal na ito ay maaari nilang magamit sa pagkuha ng mga
kaugnay na pag-aaral kung sila rin ay gagawa ng pag-aaral na may
kaugnayan sa laman ng pananaliksik na ito.
Katuturan ng Talakay
1. Canteen - Isang tindahan kung saan ipinapabili amg iba't ibang uri ng
pagkain, inumin at kaunting School Supplies.
2. Estratehiya - Mahusay na paraan o pamamaraan; pangmatagalang plano
o balak sa kung ano ang dapat gawin upang makamit ang isang tiyak na
layunin.
3. Kita - Income; Ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na
nakakamit ng isang entidad o "katawan" sa loob ng isang tiyak na balangkas
na panahon na pangkalahatang nasa anyo ng kasunduang pampananalapi.
4. Paaralan - Isang instistusyon kung saan mayroong interaksiyon ang
estudyante at guro kung saan nakakakuha ng mga impormasyon na hindi
kayang maibigay sa obserbsyon.
5. Tagapamahala - Nag-aasikaso o nangangalaga sa isamg bagay o lugar na
kanyang hinahawakan.
6. Talatanungan - Isang pangkat na nakalimbag o nakasulat na mga tanong
na mayroon pahpipiliang mga sagot na idinisenyo para sa mga layunin ng
isang naig-sukat, pagsusuri, pag-uusisa o pag-aaral na pang estadistika.
ABSTRAK
LAGOM NG PAG-AARAL
Ang paksang suliranin ng tagapagsaliksik ay tungkol sa "ESTRATEHIYANG
ISINASAGAWA NG TAGAPAMAHALA NG CANTEEN SA LOOB NG DARAGA NATIONAL
HIGH SCHOOL UPANG MAPATAAS ANG KANILANG KITA". Narito ang ilang suliranin na
hahanapan ng mga mananaliksik ng kasagutan 1) Ano-ano ang mga estratehiyang
isinasagawa ng tagapamahala ng canteen upang mapataas ang kanilang kita, 2) Naging
epektibo ba ang mga estratehiyang ito, at 3) Ano ang kalamangan ng estratehiyang
ginamit sa estratehiya ng iba.
Resulta
Ang mga natuklasang kasagutan ay batay sa mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik. Isa sa mga estratehiyang isinasagawa ng mga tagapamahala ng canteen
ay ang Pagpapanatili ng kalinisan ng paligid at maging sa produkto, at ang pagbibigay ng
sapat na presyo sa kanilang mga mamimili upang mas lalong tangkilin amg kanilang
canteen. Ang mga estratehiyang ginamit ay naging epektibo dahil tumaas ang kanilang
kita, dumami ang mamimili at pagbabalik-balik ng kanilang customer. Nagkaroon din ng
kalamangan ang mga estratehiyang ito dahil maraming estudyanteng mamimili ang
tumangkilik sa kanilang produkto at marahil ay naging patunay na epektibo ang kanilang
estratehiya. Nailahad rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng estratehiya at batay sa
naging resulta, ang magkaroon ng maraming mamimili ang kahalagahan nito at
sumunod naman ay upang mapataas ang kanilang kita.
Konklusyon
Batay sa mga datos at pinakahulugan ng mga mananaliksik, nakita na:
1. Ang estratehiyang isinasagawa sa mga canteen upang mapataas ang kita
ay ang (1) Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid at maging sa produkto, at
(2) Pagbibigay ng sapat na presyo sa mga mamimili.
2. Naging epektibo ang mga estratehiya dahil (1) tumaas ang kita, (2)
Napanatili ang kalinisan, (3) Bumabalik ang customers, (4) Nakapagbibigay
ng satisfaction, at (5) Marami ang bumibili sa kanilang canteen.
3. Nagkaroon ng kalamangan ang bawat estratehiya at ayon sa kanila, ang
pagkakaroon ng maraming mamimiling estudyante ang naging kalamangan
ng kanilang estratehiya sa iba.
4. Ang kahalagahan sa pagtatayo at pagpapatakbo ng canteen na mayroong
estratehiya ay ang magkaroon ng maraming mamimiling tatangkilik upang
mapataas ang kanilang kita at makalamang sa ibang ka-kompetensiya.
Rekomendasyon
Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos, nabuo ng
mga mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon.
1. Ang pagkakaroon ng estratehiya ay mahalaga sapagkat lalong
napapataas nito ang kita at nagkakaroon ng mabisa at organisadong
pamamalakad sa loob ng canteen.
2. Ang mga susunod na magtatayo ng negosyo ay dapat may sapat na
kaalaman sa mga estratehiyang gagamitin.
3. Nararapat na magkaroon ng maayos na estratehiya upang makuha ang
atensyon at ang interest ng kanilang mga mamimili at para na rin
mapanatili ang matagal na operasyon ng negosyo.
PASASALAMAT
Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong
tumulong sa pagbibigay ng kanilang mungkahi at opinyon habang
isinasagawa ang pag-aaral na ito. Kung hindi dahil sa kanila, ang pag-aaral
na ito ay hindi maisasakatuparan.
Una sa lahat, ang aming Guro sa Pananaliksik, Gng. Margie Baldo, sa
kaniyang gabay at pasensya sa aming lahat upang maging maayos at
organisado ang aming pag-aaral, maraming salamat po.
Sa mga naging tagatugon ng pag-aaral na ito, maraming salamat dahil
kayo ay nakisama at tapat na tumugon sa aming mga katanungan.
Sa aming mga kaibigan na nagbigay ngkanilang opinyon at mungkahi
para maidagdag sa aming pag-aaral.
Sa aming mga magulang, na sumuporta at umintindi sa amin. Sa
pagtulong sa amin na matapos ang aming gawain at pagbibigay gabay,
maraming salamat po.
At sa ating Panginoon, ang ating tagapaglikha at ang dahilan kung
bakit tayo naririto sa mundong ito, maraming salamat sa iyong gabay at sa
mga biyayang iyong ipinagkaloob sa aming lahat. Kung wala ka, aming
Panginoon, ang pag-aaral na ito ay hindi maisasakatuparan.