You are on page 1of 2

IKAANIM NA BUWANANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO/CHRISTIAN LIVING 10

Markahan: Ikalawa ISKOR:


______
Pangalan:
50
Baitang at Pangkat:

PANGKALAHATANG PANUTO: Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng apat (4) na bahagi. Basahing mabuti ang
panuto at katanungan bago magsagot. Gumamit lamang ng ITIM o ASUL na panulat sa pagsagot.
Panatilihing malinis at maayos ang iyong sagutang papel. Patnubayan ka nawa ng Panginoon!

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN (A) (10 pts.) ESP


Panuto: Basahin mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na termino ang ibinigay ng Diyos sa tao na nagsasaad na walang sinuman ang pwedeng
humadlang o pumigil sa anumang naisin at gawin sa kanyang buhay?
a. karapatan
b. kalayaan
c. kasiyahan
d. kaligayahan
2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo
sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
b. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali.
3. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. responsibilidad
b. pagmamahal
c. konsensiya
d. kilos-loob
4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa.
c. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kaniyang kapitbahay na isinugod sa ospital.
d. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
5. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ano ang ibig
ipakahulugan ng unang pangungusap?
a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay-paliwanag sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay palagiang kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
6. Alin sa mga sumusunod na termino ang karaniwang binibigyang-katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng
hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng ninanais?
a. Freedom for
b. Freedom from
c. Horizontal Freedom
d. Vertical Freedom
7. "Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa
pagmamahal at paglilingkod." Ano ang mensahe nito?
a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
c. Ikaw ay malaya kapag naipapakita ang pagmamahal at paglilingkod.
d. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
8. Bakit kailangang lumaya ng tao mula sa pansariling inters, pagmamataas, katamaran at iba pang negatibong pag-
uugali?
a. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian.
b. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng isang tao.
c. Nilalayuan ng ibang tao ang mga may ganitong pag-uugali.
d. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi nakakamit ang kalayaan.
9. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
a. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang
nakahahadlang dito.

IKAANIM NA BUWANANG PAGSUSULIT


Pahina 1 ng 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO/CHRISTIAN LIVING 10
b. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang
kalayaan.
c. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng
kaniyang buhay sa mundo.
d. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng
sitwasyon.
10. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na
makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa
kaniya?
a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
b. Sang-ayon, dahil kailangnng mapaganda ang leksiyon para hindi nakbabagot sa mag-aaral.
c. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.
d. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.

II. TAMA O MALI (M) (20 pts.) ESP


Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang pahayag. Kung MALI, salungguhitan ang (mga) salita
na nagpamali sa pahayag. Pagkatapos, isulat ang tamang salita/parirala upang maging tama ang pahayag.
______________1. Ang karanasan sa buhay ay napakahalagang kontribusyon sa pagpili ng isang tao ng angkop na kilos
kung paano niya tutugunan ang isang sitwasyon.
______________2. Nakapaloob sa kanyang napiling gagawin ang kanyang kalayaan.
______________3. Ang pagmamahal ay isang panlabas na kalayaan ayon kay Johann.
______________4. Ang tunay na pagmamahal at paglilingkod ay pagkukusa hindi ito sapilitan at hindi puwedeng ikaw ay
diktahan.
______________5. Ang pagiging responsable sa resulta ng kilos ay kalakip ng pagmamahal at paglilingkod sa pagtugon
ng kalayaan.
______________6. Ang Diyos ang nagtatakda ng kilos ng tao para sa kaniyang sarili.
______________7. May kakayahan ang taong isipin kung ano ang nararanasan niya sapagkat mayroon siyang
kamalayan.
______________8. Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa
nararanasan.
______________9. Ayon sa Freedom For, ang tao ay malaya kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o
gumawa ng mga bagay-bagay.
______________10. Ang fundamental option ng pagmamahal ayon kay Santo Tomas De Aquino ay isang panloob na
kalayaan (inner freedom).

III. SANAYSAY (T) (15 pts.) CL


Panuto: Ipaliwanag ang ibig sabihin at ang kahalagahan ng sumusunod na salita para makamit ang
kaharian ng Panginoon. Isulat ang sagot sa likod ng pahinang ito. (Nilalaman - 2, Kalinawan ng
Pagpapahayag – 1)

1. Pagpapatawad 2. Pagmamahal 3. Pagsisisi

4. Beatitudes 5. Disipulo

IV. VALUES FORMATION (5 pts.) CL


Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba (3 pts – Nilalaman, 2 – Kalinawan ng Pagpapahayag)

Ayon sa deskripsyon ng pag-ibig sa aklat ng 1 Corinto 13:4-7, anong kahulugan ng pag-ibig ang nananatili
magpasahanggang ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.


Filipos 4:13

Inihanda nina:

Bb. Anne Kenneth M. Bal-ot


Bb. Legelyn L. Villanueva

Pebrero 2023

IKAANIM NA BUWANANG PAGSUSULIT


Pahina 2 ng 2
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO/CHRISTIAN LIVING 10

You might also like