You are on page 1of 2

IKAPITONG BUWANANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 1

Markahan: 3rd ISKOR:


Pangalan: ______
40
Baitang at Pangkat:

PANGKALAHATANG PANUTO: Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng apat (4) na bahagi.


Basahing mabuti ang panuto at katanungan bago magsagot. Gumamit lamang ng LAPIS
na panulat sa pagsagot. Panatilihing malinis at maayos ang iyong sagutang papel.
Patnubayan ka nawa ng Panginoon!

I. PAGTUKOY (A) (15 pts.)


A. Panuto: Tukuyin kung sino sa tauhan ng paaralan ang nilalarawan sa bawat numero.
Ilagay ang sagot sa kahon. (2 puntos)

B. Tukuyin ang pagkakasunod sunod ng pahayag. Isulat ang 1,2,3,4 at 5 sa bawat


patlang.(1 puntos)

_____1. 6:00 am ng umaga ng dumating ang school bus nila Bryan at Jill.
_____2. 10:30 am ng tumunog ang bell para sa kanilang recess.
_____3. 12:00 pm oras na para sa kanilang tanghalian.
_____4. 7:00 am ng tumunog ang bell upang sila ay pumila para sa morning praise.
_____5. 8:30 am ng nagturo si Bb.Legelyn sa kanila.

II. TAMA O MALI (10 pts.)


A. Panuto: Isulat sa patlang ang titik T kung ang sumusunod na mga pahayag ay
nagpapahayag ng kawastuan at titik M naman kung ito ay hindi. ( 1 puntos bawat
isa)

_____ 1. Pumasok sa paaralan ng nakauniporme ngunit huwag ng isuot ang ID.

IKAPITONG BUWANANG PAGSUSULIT


Pahina 1 ng 2
ARALIN PANLIPUNAN 1
_____ 2. Tama dapat ang haba ng buhok ng mga lalaki at ang kulay nito.
_____ 3. Ugaliing magdala ng sariling gamit tulad ng papel, aklat, lapis at iba pa.
_____ 4. Huwag makipag-away, makipagsigawan o manakit ng kapwa.
_____ 5. Tumahimik at iwasang mag-ingay sa mga lugar na dapat tahimik tulad ng silid-aralan,
kantina, silid-aklatan at sa iba pang lugar.
_____ 6. Ugaliing laging late sa klase.
_____ 7. Maglaro sa loob ng klase.
_____ 8. Itapon ang basura sa tamang basurahan.
_____ 9. Magpaalam sa guro bago lumabas ng silid-aralan.
_____ 10. Sirain ang mga halaman, puno at bulaklak sa paligid.

III. PAGKILALA (10 pts.)


A. Basahing mabuti ang mga alituntuning isinasagawa ng mga bata. Piliin mula sa
kahon ang uri kung saan ito nabibilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang. (2 puntos bawat isa)

A. Tamang Kasuotan B. Kalinisan at kaayusan

C. Tamang Asal o Ugali D. Kaligtasan

_________1. Sa tuwing papasok si Karl at Lexie ay palaging nakasuot ang kanilang School I.D
sapagkat sila ay hindi papapasukin ng guwardiya kung hindi nila ito dala.
_________2. Hinihiwalay ni Mav at Zion ang mga basura na nabubulok at hindi nabubulok upang
maging maayos ang basurahan sa kanilang silid aralan.
_________3. Nagmamano si Bella at Jherrie sa tuwing makikita nila ang punong guro ng paaralan.
_________4. Hangga’t wala pa ang sundo nila Ghio at Zayn ay hindi sila lumalabas ng
paaralan upang hindi maaksidente sa labas.
_________5. Bago umuwi sila Allieyah at Roma ay tinutulungan muna nila ang kanilang guro sa
paglilinis ng kanilang silid aralan upang malinis na ito kinaukasan.
IV. Sanaysay (5 pts.)
Panuto: Kulayan at isulat ang mensahe sa iyong paaralan. (2puntos – kulay, 3 puntos
nilalaman)

“Walang mawawala sa iyo, kung susukuan mo. Kung kaya nila, kaya mo rin.”

Inihanda ni:
Bb. Legelyn L. Villanueva
Marso 2023

IKAPITONG BUWANANG PAGSUSULIT


Pahina 2 ng 2
ARALIN PANLIPUNAN 1

You might also like