You are on page 1of 6

Paaralan PANDAN NATIONAL Baitang at GRADE 10

VOCATIONAL HIGH Seksyon Bulalacao


SCHOOL
Guro Asignatura/ EsP 10 –
MELCHIE B. RAMOS Paksa ng Mga Isyung Moral
Teacher III Tungkol Paglabag sa
Aralin
Paggalang sa buhay
Petsa at Pebrero 13, 2024 Kuwarter IKATLONG MARKAHAN
Oras 1:00 – 2:00 p.m.

I.MGA LAYUNIN
A.Content Standard Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa paggalang sa buhay.

B.Performance Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang


paggalang sa buhay (i.e., maituwid ang “culture of death” na umiiral sa lipunan)
Standards
C.Learning 1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay(EsP10PB-IIIc-10.1)
2. Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (EsP10PB-IIIc-10.2
Competency
D. Tiyak na mga a. Natutukoy ang mga isyu sa paglabag sa paggalang sa buhay.
Layunin b. Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa paglabag sa
paggalang sa buhay.
c. Naibabahagi ang mga posisyon na nabuo tungkol sa mga isyu sa
paglabag sa paggalang sa buhay.
II. MGA NILALAMAN Mga Isyu Tungkol sa Paglabag ng Paggalang sa Buhay

III. MGA
KAGAMITANG
PAMPAGTUTURO
A. Mga EsP10 -Modyul para sa Mag-aaral
Sanggunian pahina 5-11 na inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas
ESP 10 MODULE 16 - YouTube

https://create.kahoot.it/details/9bed3401-27da-427e-b10a-30511e0795b
https://www.researchgate.net/
B. Karagdagang Teacher’s manual, Aklat sa EsP, sipi ng modyul, pisara, LED TV, laptop
Kagamitang at speaker
Pampagtuturo
C.
IV. MGA PROSESO
NG PAGKATUTO
A. Panimulang Panimulang Panalangin sa Klase by JG. - YouTube
Gawain
a.Panalangin
b.Pagtetsek ng
atendans
c.Paglalahad ng
mga Layunin
1. Bakit masasabi natin na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal
d.Balik-Aral sa kapwa?
*(Kung kinakailangan lamang o
kapag karugtong ng araling
hindi natapos sa nakaraang 2.Anu-ano ang mga paraan upang mapaunlad at mapagtibay ang
talakayan.) ugnayan natin sa Diyos?
B.Pagganyak Subukan natin! (https://youtube.com/watch?v=3WbxBQtQ0UA)

Pamilyar ba kayo sa larong “Name it to Win it”?


Panuto: Hulaan ang mga salita ayon sa “visual clues” na ipapakita.

Mga sagot:
1. Alkoholismo 2. Droga 3.aborsiyon
4. euthanasia 5.suicide

C. Paglalahad at Mahalaga ang leksyon natin ngayon dahil ating tatalakayin ang mga
Pagtalakay sa/ng isyu tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay.
Tunghayan natin ang video clip na ito hango sa
Aralin
(paggalang sa buhay esp 10 - YouTube)

Ano ang masasabi ninyo sa napanood na video clip?


Paghahalaw (Abstraction)

Mga Isyu Tungkol sa Paglabag ng Paggalang sa Buhay

Isyu – isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o


higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at
nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
( Pagbibigay halimbawa ng sitwasyon kung paano pinag-uusapan at
nilulutas ng mga sina-unang Pilipino ang mga isyu sa lipunan.

 Nagkukumpulan sa kapit-bahay at “naghiniksik” habang pinag-


uusapan ang mga nangyayari sa kanilang kumunidad o barangay.
 Tumatagay/umiinom ng “tuba” ( nakukuha sa katas ng pinutol na
sanga ng magiging buko at sunod ay niyog)
 Sa mga barbershop at tindahan
Ang kaibahan sa ngayong panahon, hindi na masyadong
nagkukumpulan ang mga tao para pag-usapan ang isyu pero
alam ang nangyayari sa paligid kahit di lumalabas ng bahay dahil
sa modernong teknolohiya gamit ang “social media” platforms.

1.Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot


*Ito ay “isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa
isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang
paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon
*Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot.
2. Alkoholismo ito ay labis na pagkonsumo ng alak
*Ito ay unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng
pag-iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na maging malikhain.
Paano malalaman na nagiging abuso o sobra na ang paggamit ng
alcohol sa katawan?
• 1-2 beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7 botelya ng beer sa
isang linggo.
• Sa hard drinks gaya ng vodka, rum o brandy na may 40% alcohol,
hanggang 4 na shots ( 25 ml x 4 ) = 100 ml bawat araw ngunit
hindi lalampas ng 14 shots sa isang linggo

3. Aborsiyon ito ay pagpapalaglag o pag-alis ng isang fetus o sanggol


sa sinapupunan ng ina.
Ang dalawang uri ng aborsiyon:
a.Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang
ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga
pangyayari, at hindi ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.
b. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at
pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o
pagpapainom ng mga gamot.
• Ayon sa pag-aaral 70% ng mga Pilipinong nabubuntis ng wala sa
plano, hindi inaasahan o hindi nila gustong mabuntis ay nagpapa-
abort.
• Tinatayang apat (4) sa limang (5) mga Pilipino ay nagpapalaglag
ng dahil sa kahirapan at mga nanay na may maraming anak.

Halimbawa: Kung ang bilang ng mga babae sa Pilipinas ay dalawang


milyon, kung ating pagbabasehan ang pitong po na porsiyento (70%)
Ilan ang bilang ng kababaihan ang nabubuntis ng wala sa plano?

Dalawang panig ng aborsiyon:


a.Pro-life – tawag sa mga taong tutol sa aborsyon. Para sa kanila, ang aborsyon
ay isang kasalanan at hindi makatarungan.
Isa sa mga halimbawa ng mga naninindigan sa Pro-life ay ang simbahan
at ang mga kapatid nating nga IPs (Indigenous People) nakikita naman natin
na kahit marami silang mga anak o kahit mga bata pa sila nagkakaroon ng
anak ay hindi nila ginagawang magpalaglag ng sanggol kasi ayon sa kanilang
paniniwala malaking kasalan ang pagpapalaglag ng sanggol sa sinapupunan at
wala silang karapatang patayin ito.

Tirvia: https://www.researchgate.net/
Ginagamit ng tribong Bukidnon sa pamamagitan ng mga nanangen
ang “bonga at buyo” sa kanilang pagbubuntis para hindi malaglag ang sanggol
sa sinapupunan dahil ang katas ng bonga ay mabisang panlaban din sa aswang o
masamang elemento sa paligid habang sila ay nabubuntis hanggang sila ay manganak.

b. Pro-choice-tawag sa mga taong naniniwala na maaaring gawing


legal ang aborsyon. Para sa kanila, ang aborsyon ay isang paraan
upang mabawasan ang populasyon sa bansa.

4. Pagpapatiwakal o Suicide
*Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at
naaayon sa sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon
ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na
isang gawain ng pagpapatiwakal.
5. Euthanasia o mercy killing
* isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang
taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy
sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin
ang paghihirap ng isang maysakit.

Ang layunin ng aralin na ito ay matukoy ang mga paglabag sa


paggalang sa buhay. Sa pamamagitan ng mga gawain tulad ng pagkilala
sa mga paglabag, pagsusuri sa mga sitwasyon, at paglikha ng isang
akda, maipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa at
malasakit sa paggalang sa buhay. Ang mga ito ay magiging batayan
upang lalo pang maunawaan ang kahalagahan ng paggalang sa buhay
at ang mga patakaran na maaaring magpatibay sa kanilang kaalaman.

D. Paglalapat (Application):
PAGGAWA NG ISLOGAN (Slogan-making)

Gumawa ng orihinal na slogan na naayon sa temang,


“Buhay ko,Pahalagahan ko”. Ito ay hindi dapat lumagpas sa
labinlimang(15) salita. Maaaring maging malikhain sa pagsulat ng mga
letra ngunit hindi kinakailangan ang mga larawan. Ipapakita sa paggamit
ng mga angkop na mga salitang nagpapatunay sa halaga ng buhay na
ipinagkaloob ng Diyos na lumikha sa atin. Gawin sa loob ng
sampung(10) minute.
RUBRIK sa Pagbuo ng Islogan (Slogan)

*Pagbabahaginan sa klase ng itinakdang gawain. Pagbibigay tugon


o pidbak sa nabuong gawain.*

E. Paglalahat 1. Anu-ano ang mga isyu sa paglabag sa paggalang sa buhay ang ating
tinalakay?
2. Paano natin mapananatili ang “kasagraduhan” ng buhay ng tao?
3) Bilang mag-aaral, ano-ano ang mga paraan o nararapat gawin upang
maiwasan ang mga paglabag sa paggalang sa buhay?

F. Pagpapahalaga Tayo bilang tao ay natatangi at naiiba sa ibang nilalang na may


buhay. Pinagkalooban tayo ng isip, kilos-loob, puso, kamay at katawan.
Dahil sa mga ito, tayo ay inaasahan na makabubuo ng isang mabuti at
matalinong pasya sa kabila ng ibat-ibang isyu sa lipunan. Ang buhay ng
tao ay pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay hindi maaaring
gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay.

V. PAGTATAYA Ebalwasyon - Details - Kahoot!


Panuto: Sa pamamagitan ng kahot.com ay magkakaroon tayo ng
maikling pagtataya na kung saan ay mayroon kayong sasagutan na
tanong gamit ang inyong gadget o selpon.
Note: Sa mga mag-aaral na walang selpon kumuha ng ika-apat(1/4) na
pirasong papel at doon ninyo sasagutan ang pagsusulit.

VI. TAKDANG-ARALIN Panuto: Pumili ng iyong limang miyembro para sa ating gawain.
( 55students/5 members=11 groups) Balikan ang konsepto ng aralin at
mag-isip ng isang pagninilay sa gawaing pasulat. Maaaring tula, awit,
slogan o poster. Ang tema na gagawin sa napiling gawain ay kung
paano mo maipapakita ang paggalang sa buhay. Gawin ito at ipasa
bukas, February 15, 2024. Ipresenta sa klase ng hindi hihigit sa
dalawang (2) minutong presentasyon.

Halimbawa:
Sa pamamagitan ng poster, ipakita mo dito ang pagtaguyod o
pagpapanatili sa kadakilaan ng buhay. Gawin ito sa isang buong papel
bond paper. https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=f5h8gJ
%2Fu&id=DBBAB6772A3631BFFDC45BF86BA2B2F4D98B))

Pamantayan sa pagbibigay ng iskor:

Batayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan


(10) (8) (6) pang
magsanay (4)
1.May kaisahan
at malinaw ang
mga kaisipang
nailahad. Ito ay
orihinal na
likha.
2. Angkop na
angkop ang mga
kaisipan at
disenyo sa
konsepto at
nakakapukaw
ng interes para
manatili ang
paggalang sa
buhay.
3. Lubhang
malinis at
maayos ang
pagkakasulat ng
mga konsepto.

VII. PAGTATALA
VIII. PAGNINILAY/
REFLEKSIYON
A. Bilang ng mga mag- 53
aaral na nakakuha ng
80% sa formatib na
pagsusulit.
B. Bilang ng mga mag- wala
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation.
C. Nakatulong ba ang
aralin ng remedial?
Bilang ng mag-aaral na
53
nakaunawa sa aralin.
D. Nakatulong ba ang 53
aralin ng remedial?
Bilang ng mga mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
E. Ano sa mga Paggamit ng “game-based approach gamit ang kahoot.com
estratehiyang
application
pampagtuturo ang
nakatulong nang lubos?
Bakit ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang wala
aking naranasan na
nalunasan sa tulong ng
aking punong-guro at
superbisor.
G. Anong Paggamit ng Kahoot.com application
inobasyon/kagamitang
pampagtuturo ang aking
nagamit/natuklasan na
naibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Inihanda ni:

MELCHIE B. RAMOS Pinagtibay:


Teacher III

ANACLETO R. YSULAT
Head Teacher - Designate

You might also like