You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan Para sa Ika-Siyam na Baitang

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan sa pangangailangan bilang batayan sa
pagbuo ng matalinong desisyon.
B. Napapahalagahan ang ugnayan ng personal na kagustuhan at pangangailangan sa
pamamagitan ng debate.
C. Naipapakita ang pamantayan sa pagpili ng mga pangngailangan at kagustuhan sa
pamamagitan ng simulasyon.

II. Nilalaman
A. Paksa: Pangangailangan at Kagustuhan
B. Sanggunian:https://www.slideshare.net/dianerizaldo/pangangailangan-at-
kagustuhan-24160244
C. Mga Kagamitan: Mga larawan, visual aids, play money, cut-outs

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Balik-Aral
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng halimbawa ng mga larawan na nakikita sa
pamilihan. Tutukuyin ng mga mag-aaral kung kagustuhan o pangangailangan ang
mga pinakitang larawan.
C. Aktibiti
Magtatala ang mga mag-aaral ng sampung bagay na kanilang nabibili sa pang-araw-
araw sa pamilihan at bibilhin pa na kanilang gagamitin sa tahanan, eskwelahan at iba
pa. Tutukuyin ng ng mga mag-aaral kung ang kanilang inilista ay pangangailangan o
kagustuhan.
D. Analisis
Hahatiin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Magkakaroon ng debate
ang mga mag-aaral tungkol sa pangangailangan at kagustuhan. Sa gagawing debate
bawat pangkat ay bibigyan ng limang minuto sa paghahanda, tatlong minuto sa
paglalahad, at isang minuto naman sa pagbibigay ng konklusyon. Pipili ng
representante ang bawat pangkat.
• Pangkat 1 – Pangangailangan
• Pangkat 2 – Kagustuhan
Krayterya sa Debate:
 Nilalaman – 30 puntos
 Organisasyon ng mga ideya – 20 puntos
Kabuuang Puntos: 50 puntos
E. Abtraksyon
Ilalahad ng guro ang iba’t-ibang salik na nakakaapekto sa pangngailangan at
kagustuhan ng isang tao. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan na
inihanda ng guro.
Patnubay na Katanungan:
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng pangangailangan?
• Ano nga ba ang ibig sabihin ng kagustuhan/
• Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng isang
tao?
F. Aplikasyon
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
sitwasyon kung saan magagamit nila ang tamang pagdedesisyon ng pagpili o pagbili
sa pagitan ng pangangailangan o kagustuhan. Bibigyan ng play money ang bawat
pangkat at kailangan nilang mamili na tulad sa pamilihan sa pamamagitan ng pagkuha
ng mga cut-outs na may nakalagay na pangalan ng produkto at presyo nito.
Sitwasyon:
• Pangkat 1 – Ikaw ay isang estudyante at ang baon mo sa isang araw ay limang pung
piso. Hindi pa kasali ang iyong pamasahe na sampung piso taga-sakayan at
pananghalian. Paano mo gagastuhin ang pera na mayroon ka?
• Pangkat 2 – Ikaw ay isang empleyado sa isang kompanya at ikaw ay sumasahod ng
labing anim na libong piso kada buwan. Ikaw ay nangungupahan na ang bayad ay
dalawang libo kada buwan. Hindi pa kasali ang pambayad ng tubig at kuryente na
limang daang piso kada buwan. Paano mo gagastuhin ang iyong sahod?
• Pangkat 3 – Ikaw ay binigyan ng iyong magulang ng dalawang pung libong piso
para pambili ng laptop na iyong gagamitin sa iyong pag-aaral. Subalit napag-isipan
mo na malapit na ang iyong kaarawan at maraming kaibigan mo ang umaasa na
iimbitahin mo sila. Itutuloy mo ba ang pagbili ng laptop o nanaisin mong ipanghanda
na lang ito sa nalalapit mong larawan?
• Pangkat 4 – Ikaw ay isang ilaw ng tahanan. Ang haligi ng tahanan ay kumikita
lamang ng sampung libong piso kada buwan. Mayroon kayong tatlong anak na nag-
aaral sa elementarya. Wala kayong binabayarang renta at tubig maliban sa kuryente
kada buwan. Paano mo ibabadyet ang pera ng iyong pamilya?
Krayterya sa Simulasyon:
 Komputasyon: 50%
 Pagbibigay ng rason o eksplanasyon: 50%
 Kabuuan: 100%
IV. Pagtataya
Sa isang kapat na papel sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang ibig sabihin ng pangangailangan?
2. Ano naman ang ibig sabihin ng kagustuhan?
3. – 10. Ibigay ang mga salik na nakakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng
tao.
V. Takdang-Aralin
Sa isang kapat na papel, maglista ng dalawang pung kagamitan na makikita sa loob ng
iyong tahanan. Tukuyin kung ito ay pangangailangan o kagustuhan.

You might also like