You are on page 1of 1

Nagbubuhat ang matimyas na kaisipan ng pag-asa mula sa mga makabuluhang

pahayag na larawang isinasabuhay. Ayon sa pamosong manunulat ng isa sa


pinakamatagumpay na serye ng mga nobela sa daigdig na Harry Potter, na si J. K.
Rowling: WE ARE ONLY AS STRONG AS WE ARE UNITED, AS WEAK AS WE ARE DIVIDED.
Ika nga sa huntahang kalye: HINDI MAKAKAWALIS ANG ISANG PATPAT NG TINGTING,
BAGKUS AY ANG BUGKOS NG TINGTING. Walis tingting. Walis tambo. Winalis, kinuskos,
inis-is, pininturahan, niligpit, pinukpok at dinakot at kinumpuni at muling iginayak-
inihanda para sa darating na mahigit sampung buwan ng taong panuruan. ANG ATING
MAHAL NA PAARALAN. Ako, Ikaw, Tayo- mga guro, magulang, kawani, tagapamahala,
mag- aaral at mga mamamayan ng komunidad na nagmamalasakit at nagpakita ng
walang lubay na pagpapahalaga- para sa ating lahat ito. SASAINYO ANG
PALATUNTUNAN NG ISA SA MGA PINAKAMAKABULUHANG SALAMIN NG PANLOKAL AT
PAMBANSANG PAGKAKAISA- ITO ANG TAGINTING NG ISANLINGGONG TAGUMPAY---
NA TATAWID ANG IMPLIKASYON NANG PANGHABAMBUHAY…. ANG ATING BRIGADA
ESKWELA.
Magandang umaga po.
I./II.
Hinihingi po na tumayo ang lahat upang makiisa sa pagpupugay sa ating
watawat sa pangunguna ni Bb. Nilda S. Dayrit, nanunuparang pinuno ng Kagawaran ng
Mapeh na susundan ng Pagpupuri sa ating Panginoon sa pangunguna naman po ni G.
Hector E. Badong, nanunuparang pinuno ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao.

III.
Isa sa mga pangunahing elemento ng buhay at ng kalakaran nito sa daigdig ang
pagkakaisa. Buhay man o di- buhay na bagay ay kapaloob sa konteksto ng pagkakaisa.
Mula sa pagkakaisa ng mga atoms, molecules, protina at DNA na bumubuo sa
pangunahing pundasyon ng buhay hanggang sa pinakamatatayog na sibilisasyon ng
daigdig at sa malawak na kompleksidad ng kalawakan. Kapaloob ang konteksto ng
pagkakaisa. Ngunit, hindi magiging matagumpay ang prosesong ito kung walang
magtitimon, walang magpapatiuna, walang gagabay at magpapanunton- aagapay. Isa
sa mga nanguna upang maging matagumpay ang kaisahan ng Brigada Eskwela 2018 ay
walang iba kundi ang ina ng ating paaralan, pasalubungan po natin ng masigabong
palakpakan ang ating punong guro, Gng. Ma. Pura S. Talattad!

IV.
Sa puntong ito, magpapahatid sa atin ng kanyang mensahe ang maituturing
namin na isa sa pinakamasigasig na kinatawan ng mga stakeholder ng ating paaralan.
Narito po si G. Richard Aguirre, Pangulo ng GPTA ng ating paaralan. Palakpakan po
natin si sir!

V.
Ang isang marangal na gawain kung para sa bayan ay hindi dapat mabalam
bagkus ay marapat na magpatuloy at ipasa- likhain bilang isang gawi para sa mga
susunod na salinlahi. Alam iyan ng ating panauhing pandangal ngayong araw. Ang ama
ng ating lungsod, ang nag-iisang kampeon ng masa at pangunahing tagapagtaguyod ng
Brigada Eskwela, Walang iba kundi ang kagalang galang President Mayor Joseph
Ejercito Estrada!

VI.
Ang Brigada Eskwela 2018 na nakaangkla sa temang PAGKAKAISA PARA SA
HANDA, LIGTAS AT MATATAG NA PAARALAN TUNGO SA MAGANDANG KINABUKSAN ay
walang inilalaan na kapalit na salapi sa lahat ng makikiisa. Batid nating lahat na ito ay
bukal sa loob na tulong mula sa kaibuturan ng puso ng bawat isa. Ito ay isang aktibidad
na produkto ng kusang loob na pakikiisa at pakikisama ng buong komunidad. Kaugnay
ng mga bagay na dapat nating malaman tungkol dito, tunghayan po natin ang isang
oryentasyon kaugnay sa Brigada Eskwela na pasisinayanan ni Bb. Lucelma O. Carpio,
puno ng kagawaran ng Filipino at pangulo ng Brigada Eskwela.

You might also like