ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” Ito nagpapaanyaya sa buong bansa na parangalan ang wikang Filipino at mga katutubong wika ng Pilipinas. Kaya bago natin simulan ang ating programa, inanyayahan ko ang na batiin ang ating mga katabi ng isang magandang araw ….Maayong buntag….Dyos Marhay na aga sa mga taga-Bicol, Maayad na aga sa mga Ilonggo, Maupay nga aga sa mga Waray…isa lamang yan sa sa isang daan at tatlumpung katutubong sa ating bansa. Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maaring tumayo tayong lahat para sa isang panalangin na pamumunuan ng mga mag-aaral sa Kinder 1 B at manatiling nakatayo para sa pagpugay sa ating watawat. Salamat Kinder 1B…Maaari na pong mag-siupo ang lahat. Ngayon naman ay makinig tayo sa isang pambungad na mensahe na galing kay Binibining Rechael Walog.Bigyan po natin siya ng isang masigabong palakpakan… Salamat Ma’am Rechael sa isang napakagandang mensahe. At para basahin ang mga kriterya sa bawat paligsahan, tawagin natin si Binibining Janaluz Chua…. Salamat Ma’am Jana…..at para ipakilala ang ating mga Hurado…tawagin natin si Binibining Mary Ann Gemarino…. Salamat Ma’am Anne….Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan sa susunod na bahagi ng ating palatuntunan. Isa- isa na nating kilalanin ang mga kalahok sa Lakan at Lakambini taong dalawampu’t labing siyam. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Talaga namang napakaganda at napakagwapo ang ating kalahok para ating lakan at lakambini… sa puntong ito, tunghayan naman natin ang pinaghandaang intermisyon ng mga mag-aaral sa kinder 1C. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Salamat kinder 1C sa isang napakahusay na presentasyon.Hindi lang magaling sa sayawan ang ating mga mag-aaral…meron ding magaling sa pagsasalita…..tawagin po natin si Melle Ysaac Bokingo para handugan tayo ng isang maikling kwento. Salamat Melle sa isang napakaganda mong kwento…..Sa puntong ito…tawagin naman natin ang ibang pang magagaling sa pagsasalita…..ang mga kalahok sa Timpalak Bigkasan mula sa Nursery…. Tawagin natin ang unang kalahok…. Bigyan natin siya ng masigabong palapakpakan. Maligayang bati sa lahat na mga kalahok at sa kanilang mga magulang na sumusuporta sa kanila… Sa puntong ito, handugan na naman tayo ng isa pang pinaghandaang intermisyon ng mga mag- aaral sa Nursery B. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Salamat Nursery B sa isang napakahusay na presentasyon.Ngayon ipakita naman natin ang ibang angking galing ng ating mga mag-aaral….Tawagin natin si Matt Zayne Abuzo para handugan tayo ng isang awitin. Salamat Matt sa isang napakagandang awit…Tunay ngang magagaling ang isang Pilipino at kitang kita na ito kahit sa mga bata. Sa puntong ito, tawagin naman natin ang amg mga kalahok sa timpalak bigkasan na mula sa Kinder 1. Tawagin natin ang unang kalahok…. Bigyan natin siya ng masigabong palapakpakan. Sa Muli, Maligayang bati sa lahat na mga kalahok at sa kanilang mga magulang na sumusuporta sa kanila…Talaga naming nakakahanga ang taglay na galing ng ating mga mag- aaral. Ngayon naman, handugan na naman tayo ng isa pang pinaghandaang intermisyon ng mga mag-aaral sa Kinder 2A. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Nakaaliw naman ang galing ng ating mga mag-aaral sa Kinder 2A. Maraming salamat sa inyo… Siyempre, hindi naman mapapahuli ang mga mag-aaral sa Nursery A. Salubungin natin sila ng isang masigabong palakpakan. Ngayon naman, tawagin naman natin iba pang mga kalahok sa Timbalak bigkasan mula sa Kinder 1. Tawagin natin ang unang kalahok…. Bigyan natin siya ng masigabong palapakpakan. Binabati ko ang lahat na mga kalahok at sa kanilang mga magulang na sumusuporta sa kanila… Tunghayan naman natin ang presentasyon ng mga mag-aaral sa Kinder 1B. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Salamat Kinder 1B sa isang napakagaling na presentasyon...Masarap talagang pakinggan ang katagang “Ako ay Pilipino”Sabay nga nating bigkasin…AKO AY PILIPINO…Marapat naman talagang ipagmalaki natin ang pagiging isang Pilipino..Taas noo kahit kanino…. Ngayon, isa pang intermisyon ang matutunghayan natin…Tawagin natin ang mga mag-aaral sa kinder 1A. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Salamat Kinder 1A sa isang napakagandang presentasyon. Sa puntong ito, tawagin naman natin ang mga kalahok sa timpalak bigkasan na mula sa Kinder 2. Tawagin natin ang unang kalahok…. Bigyan natin siya ng masigabong palapakpakan. Nakakahanga naman ang galing ng ating mga kalahok….isang maligayang bati sa inyo at sa inyong mga magulang. Ngayon naman, handugan na naman tayo ng isa pang pinaghandaang intermisyon ng mga mag-aaral sa Nursery c. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Napakaganda naman ang presentasyon ng ating mag-aaral sa Nursery C. Naalala ko tuloy yong bisaya kantang yan…Paro parong bukid may buktot naligid…patunay lang yan na sadyang magaling ang mga Pilipino…sa paglikha ng nkakaaliw na kanta…Ngayon, tunghayan naman natin ang presentasyon ng Kinder 2B..talagang pinaghandaan ito…. Bigyan natin sila ng masigabong palapakpakan. Napakahusay naman talaga…Salamat kinder 2B…Ngayon,hahandugan naman tayo ng isa pang awit…Tawagin natin si Charmeine Anne Cuesta. Salamat Charmeine sa pagbabahagi mo sa amin sa iyong napakagandang tinig. Alam kong sabik na kayo na malaman kung sino ang nanguguna sa ating mga paligsahan…Lahat sila ay panalo…Tawagin natin ang ating punong hurado para ianunsyo ang mga nananalo…Tinatawagan ko din Si Sr. Nelly at Sr. Evelyn upang igawad ang mga parangal. Binabati ko ang lahat ng mga mga kalahok at lahat na dumalo sa ating programa na ito! At para sa panapos na mensahe mula sa ating Pinakamamahal na punongguro…Sr. Maria Nelly Tutanes. Salamat Sr. Nelly sa nakaantig mong mensahe… Ang pagpapahalaga natin sa ating wika aydapat hindi lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan. pagpapatuloy natin ang ating pagmamahal at paggamit nito sa ating pang-araw-araw na buhay, at sa loob at labas ng ating mga tahanan. At dito nagwawakas ang ating palatuntunan. Mraming salamat, daghang salamat,Dios mabalos salamat gid damo nga salamat sa inyong tanan….