You are on page 1of 15

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7
Mga Hakbang Tungo sa Pagkakapantay-Pantay ng Tao Bilang
Kasapi ng Pamayanan

1 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Mga Hakbang Tungo sa Pagkakapantay-Pantay ng Tao
Bilang Kasapi ng Pamayanan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: MaryAnn B. Silay


Editor: Divina May S. Medez, Marites A. Abiera
Tagasuri: Germelina V. Rozon, Divina May S. Medez
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz, Rommel P. Dayot
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla, Ed.D. Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay
at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Alamin

Magandang araw! Kumusta? Sana ikaw ay nasa maayos at ligtas na lugar habang
ginawa ang mga gawain sa modyul.
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aralan habang wala ka sa paaralan. Batay sa MELC AP10Wk7 na iyong pag-aralan ngayon
na nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa kasarian na
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
Matutunghayan at mauunawaan mo ang mga hakbang na nagsusulong ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao
bilang kasapi ng pamayanan. Bigyang-halaga ang nasabing isyu upang mas malinaw ang
pag-unawa sa lahat ng kasarian sa mundong ating ginagalawan.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!

Paano mo ito ipinakita o


Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at pahayag. Piliin at isulat lamang ang
titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Anong komprehensibong batas ang pangunahing itinaguyod at ipinatupad ng pamahalaan


para sa mga kababaihan na pinagbabatayan ng Magna Carta for women?
a. Magna Carta for Women c. Marginalized Women
b. CEDAW d. Women in especially difficult circumstances

2. Ito ay programa na naglalayon para sa mga LGBT na magkaroon ng pantay na


oportunidad sa trabaho, sa edukasyon, at serbisyo sa pamahalaan.
a. Anti-Discrimination Bill c. SOGIE Bill
b. Magna Carta d. CEDAW

3. Anong batas ang isinabatas noong Hulyo 8,2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasyon?
a. Magna Carta for women c. Marginalized women
b. CEDAW d. Women is especially difficult circumstances

4. Ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan sa buhay?
a. Marginalized women c. CEDAW

1 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
b. Women in especially difficult circumtances d. Magna Carta for women

5. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso.
a. Women in especially difficult circumtances
b. CEDAW
c. Magna Carta for women
d. Marginalized women

6. Anong batas ang nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at anak laban sa pang-
aabuso at pananakit?
a. Magna carta c. Marginalized women
b. Anti-Violence Against Women and their Children Act d. Social welfare

7. Sino-sino ang saklaw ng Magna Carta?


a. Mga babae c. LGBTQ
b. Mga lalaki d. kasambahay

8. Ano ang SOGIE Bill?


a. Pantay na pagtugon at karapatan c. Pantay sa trabaho
b. Pantay sa edukasyon d. Pantay sa serbisyo

9. Kailan isinabatas ang Magna Carta for women ng Pilipinas?


a. Hulyo 9,2008 c. Hulyo 10,2008
b. Hulyo 8, 2008 d. Hulyo 7, 2008

10. Bakit mahirap tanggalin ang diskriminasyon sa LGBT?


a. Dahil sa kultura c. kulang sa edukasyon
b. Walang pagmamahal sa kapwa d. lahat ng nabanggit

Balikan

Sa bahaging ito, suriin ang dating kaalaman at pag-unawa tungkol sa nakalipas na


aralin. Basahin ang mga gawain at Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

2 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
PANUTO: Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Mga tanong:

1. Isulat ang kahulugan ng acronym na CEDAW?

2. Magbigay ng isang halimbawa ng karahasan at diskriminasyon sa kababaihan at


LGBT?

Tuklasin

Matapos malaman mo ang mga ordinansa o programa na nagtataguyod sa karapatan


ng mga lalaki, babae at LGBT sa inyong pamayanan, ano ang layunin at kabutihang dulot nito
sa pamayanan? Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Suriin

Isang permanenteng Hakbang ay ang Anti- Discrimination Bill pero hindi natin
kayang lubusang alisin ang diskriminasyon. Bakit? Dahil nakaugat na ito sa ating kultura. Para
maalis ng isang gobyerno ang diskriminasyon kailangan nitong:

• Tulungan ng mga tao na baguhin ang isipan at nararamdaman nila sa iba.


• Pagalingin ang puso ng biktima ng diskriminasyon na nahirapan tratuhin ang iba nang
patas.
• Magkaroon ng mga lider na patas sa lahat ng tao. Pagkaisahin ang lahat ng tao sa
buong mundo.

3 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Ang SOGIE ay Sexual Orientation Gender Identity or Expression (SOGIE BILL) bagay
na nagbibigay proteksyon sa mga lesbyan, bakla, bi-sexual, transgender at iba pa.

Anti-Violence against Women and Their Children Act. Ang Anti-Violence Against
Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa
kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng programang ito? Ang


mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae,
babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng
anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng
inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at
mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang
alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae
ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN

Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing


tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito. Ginawa na
tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng
diskriminasiyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Katuwang ang mga ahensya at
yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang
maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan
upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala
sa diskriminasiyon laban sa kababaihan.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,


propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng
batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda,
may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. Ang tinatawag na Marginalized
Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o
may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo. Ang
tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng
nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at

4 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human
trafficking” at mga babaeng nakakulong.

Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M kung ang pangungusap ay mali.
Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot.

1. Ang mga SOGIE ay tinatawag na Sexual Orientation Identity and Equality.

2. Sila ang mga kababaihang biktima ng Prostitusyon at tinatawag na mga Marginalized


women.

3. Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,


propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta.

4. Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mayaman nasa di


panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo
ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.

5. Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing


tagapagpatupad (“secondary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.

5 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Isaisip

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,


propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng
batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda,
may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan. Ginawa na tuwirang responsibilidad ng
pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at
ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga
anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating
asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng
nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.

Isagawa

Panuto: Sanaysay: Ipaliwanag at isulat ang mga sumusunod sa kuwaderno. (15 puntos)

1. Ano - anong mga hakbang ang ginawa ng pamahalaan upang mabigyang


proteksyon ang mga kababaihan, kalalakihan at LGBT? Bakit?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

6 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Tayahin

Panuto: Unawain at basahing mabuti ang mga tanong at pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat sa kuwaderno ang inyong sagot.

1. Ilang taon maaaring alagaan at proteksyon ang kabataan sa ilalim ng batas ng Anti-
Violence Against Women and their Children Act?
a. 18 b. 15 c. 20 d. 19

2. Ito ay programa na naglalayon para sa mga LGBT na magkaroon ng pantay na


oportunidad sa trabaho, sa edukasyon, at serbisyo sa pamahalaan.
a. Anti-Discrimination Bill c. SOGIE Bill
b. Magna Carta d. CEDAW

3. Ano ang programa ng pamahalaan sa isyu ng karahasan at diskrimisyon?


a. Magna carta b. social welfare c. DSWD d. Amelioration

4. Sino-sino ang saklaw ng Magna carta?


a. mga lalaki b. mga babae c. LGBTQ d. kasambahay

5. Anong batas ang nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at anak sa pang-


aabuso at pananakit?
a. Magna carta c. Marginalized women
b. Anti-Violence Against Women and their Children Act d. Social welfare

6. Ano tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na


katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso?
a. CEDAW c. women in especially difficult circumstances
b. Magna carta d. Marginalized women

7. Ito ang batas na isinabatas noong Hulyo 8,2008 na naglalayong alisin ang lahat ng uri
ng diskriminasyon?
a. Magna carta for women
b. CEDAW
c. Marginalized women
d. Women in especially difficult circumstances

8. Ano ang SOGIE Bill?


a. Pantay na pagtugon at karapatan c. pantay sa trabaho
b. Pantay sa edukasyon d. pantay sa serbisyo

7 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
9. Anong komprehensibong batas ang pangunahing itinaguyod at ipinatupad ng
pamahalaan para sa mga kababaihan at mga bata na pinagbabatayan ng Magna Carta
for women?
a. Magna carta for women
b. Marginalized women
c. CEDAW
d. Women in especially difficult circumstances

10. Bakit mahirap tanggalin ang diskriminasyon sa LGBT?


a. dahil sa kultura c. kulang sa edukasyon
b. walang pagmamahal sa kapwa d. lahat ng nabanggit

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang sagot sa kuwaderno. (5 puntos bawat isa)

1. Anong programa ang ipinatupad para sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT?

2. Sino ang tagapagtaguyod ng programang ito?

3. Sino-sino ang saklaw sa programang ito?

8 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Glosaryo
Anti-discrimination Bill- ito labansa mga karapatan para sa pantay-pantay sa pagtingin ng
lipunan tungo sa LGBT.

Magna Carta for women – ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri
ng diskriminasyon laban sa kababaihan

Anti- Violence Against Women and their Children Act- isang batas ng nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak

Marginalized women-ay mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang
mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo.

Women in especially difficult circumtances-ang mga babaeng nasa mapanganib na


kalayagan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong
sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng
nakakulong.

SOGIE - ay Sexual Orientation Gender Identity or Expression (SOGIE BILL) bagay na


proprotekta sa mga lesbyana, bakla, bi-sexual, transgender at iba pa.

9 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
NegOr_Q3_AP10_Module7_v2 10
Subukin Tayahin
1. b 1. a
2. c 2. c
3. a 3. a
4. a 4. b
5. a 5. c
6. b 6. c
7. a 7. a
8. a 8. a
9. b 9. c
10.d 10. d
Balikan
CEDAW-Convention on Elimination Against WomeN
Halimbawa- Cyber bullying
Pagyamanin
1.M
2. M
3.T
4.M
5.M
Isaisip Karagdagang Gawain
Isagawa (ang sagot ay depende sa ideya ng mag-aaral)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Pantaleon, Jhing. 2017. AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan. June 23. Accessed
January 12, 2022. https://www.slideshare.net/jhingsworld/ap-10-aralin-isyu-at-
hamong-panlipunan.

11 NegOr_Q3_AP10_Module7_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like