You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Ikaapat Linggo: Una


Most Essential Learning Competency:
Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar AP6TDK-IVa-
Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap
P. 239-240
➢ Paksa: Ang Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar
➢ Layunin: 1. Nasusuri ang mga naging dahilan ng pagdeklara ng Batas Militar ayon
sa ilalim ng Saligang Batas
2. Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar

Tuklasin Natin

Pagdeklara ng Batas Militar


Naghatid ng takot hanggang sa ngayon ang alaala ng Batas Militar sa isip at
puso ng mga mamamayang Pilipino na nakasaksi at nakaranas ng hapdi at kalupitan
dulot ng diktatoryal na pamahalaan ni Pangulong Marcos.
Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na nilagdaan ni Pangulong Marcos noong
Setyembre 21, 1972, ang Pilipinas ay napasailalim ng Batas Militar. Ito ay may
dalawang layunin:
1. Mailigtas ang Republika
2. Bumuo ng Bagong Lipunan
Naging basehan sa pagdedeklara ng nasabing batas ang artikulo VIII Seksyon
10,
Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935. Ayon dito, ang pangulo ng Pilipinas ay may
karapatan at kapangyarihang magdeklara ng Batas Militar kung may nagbabantang
panganib tulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob at karahasan.
Maraming hindi magandang pangyayari ang naging resulta ng deklarasyon ng
Batas Militar. Agad itong nakapagpatigil ng mga gawain ng pamahalaang pambansa
at lokal, Ang sektor ng bansa na produktibo ay huminto rin. Maraming paaralan ang
napinid. Ang hukuman ay hindi nakapagdulot ng katarungan sa lahat. Marami sa
komersyante, industriyalista at negosyante ang tumigil sa kanilang gawain. Sa
Kamaynilaan naman, ang pangamba at pagkabalisa ay humantong sa hindi paglabas
ng mga tao sa kanilang tahanan. Ang mga paglabag ng batas at mga krimen, katulad
ng kidnapping, pagpupuslit, pangingikil, blackmail, pag-iimbak, ang pandaraya sa

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


paglalagay ng halaga ng mga bilihan, pag-iwas sa pagbabayad ng buwis, katiwalian
sa pamahalaan, pagnanakaw at paghaharang, at labag sa batas na pagbibili ng mga
bawal na gamot, ay tunay na dumarami nang dumarami hanggang sa hindi na
makayanang sugpuin ng pulisya at ng mga may kapangyarihang sibilyan.
Maraming tumutol sa ginawang proklamasyonni Pangulong Marcos kabilang na si
Senador Benigno Aquino Jr. na malakas ang paniniwalang ginamit lamang ito ni
Marcos upang mapanatili sa tungkulin pagkalipas ng 1973.

Subukin Natin

Nakapagbigay ba ng sapat na kaalaman ang iyong binasang teksto ukol sa


ating aralin? Ating subukin ang iyong matalas na kaisipan. Ang mga sumusunod na
nakatagong salita ay mga basehan sa pagdeklara ng batas militar ayon sa artikulo VIII
Seksyon 10,Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935. Isulat ang iyong sagot sa mga kahon
na inilaan.
1. ang marahas na pagsakop sa isang lugar upang makuha ang kontrol dito mula
sa gobyerno

2. pakikipaglaban o gumawa ng hakbang tungo sa isang rebolusyon

3. pagsalakay o embasyon

4. nangangahulugan ng dahas, o ang paggawa ng masama sa iyong kapwa,


maaring sa pisikal na pamamaran o paggamit ng kapangyarihan.

5. isang sitwasyon na nagbabanta sa buhay, kalusugan, ari-arian, o kapaligiran

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Isagawa Natin

A. Ang pagdeklara ni Pangulong Marcos ng Batas Militar noong Setyembre 21,


1972 ay naghatid ng pangamba at takot sa mga Pilipino. Maraming suliranin at hamon
ang hinarap ng mga Pilipino sa proklamasyon. Nais kung isulat mo sa graphic
organizer ang mga nabanggit na problemang umusbong dulot ng proklamasyon.

B. Iguhit ang masayang mukha ☺ sa patlang kung ito ay suliranin at hamon

sa ilalim ng batas militar at malungkot na mukha  naman kung hindi.


__________1. Natigil ang mga gawain ng pamahalaang pambansa at lokal.

_________2. Ang pangamba at pagkabalisa ng mga mamamayan ay humantong sa


hindi paglabas nila sa kanilang tahanan.

_________3. Ang mga paglabag ng batas at mga krimen ay dumarami nang


dumarami hanggang sa hindi na makayanang sugpuin ng pulisya at ng
mga may kapangyarihang sibilyan.

_________4. Humina ang pagluluwas ng produkto sa ibang bansa.

_________5. Maraming mga naipatayong imprastruktura sa bansa

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ilapat Natin

Naghatid ng maraming suliranin ang deklarasyon ni Pangulong Marcos ng


Batas Militar noong 1972. Tama pa rin bang magdeklara nito sa kasalukuyan?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Rubrik
Mamarkahan ang iyong gawain batay sa rubrik na ito.

Rubriks sa Paggawa ng Sanaysay


Puntos Interpretasyon Katangian ng sanaysay
Malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng kaisipan at
5 Napakahusay paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin ukol sa paksa
Malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng kaisipan
4 Mahusay ngunit hindi masyadong nailahad ang ideya, impormasyon at
saloobin sa paksa
Hindi gaanong malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy
Katamtamang
3 ng kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin
Husay
sa paksa
Hindi malinaw at maayos ang konstruksyon at daloy ng
Hindi gaanong
2 kaisipan at paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin sa
mahusay
paksa
Kulang ang May kaguluhan ang konstruksyon at daloy ng kaisipan at
1 paglalahad ng ideya, impormasyon at saloobin sa paksa
kahusayan

Sanggunian

Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap– Instructional Materials, Department of


Education, DepEd Complex, Pasig City
SSLM Development Team
Writer: Marie Flor T. Facurib
Evaluator: Carolina L. Cruz, Lulu Dayupay, Teresita M. Cornelia
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lito S. Adanza, Ph.D.
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like