You are on page 1of 17

11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

Site: New Era University Printed by: Dominic O. Ramos


Course: SOSLIT-18 - Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan Date: Wednesday, 2 November 2022, 4:01 PM
MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG
Book:
PANTAO

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 1/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

Description

Lesson 1: Title

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 2/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

Table of contents

1. Introduksyon

2. Mga Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

3. Kahulugan
3.1. Mga Uri ng Karapatan

4. Pagtalakay sa Paksa
4.1. Daluyong
4.2. Ibong Mandaragit

5. Modyul 5- Forum 5

6. Modyul 5- Takdang Gawain 5

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 3/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

1. Introduksyon

            Ang karapatang pantao ay ang


karapatang dapat na tamasahin ng lahat ng uri ng tao, anuman ang kanilang
kulay, lahing kinabibilangan
o pinagmulan, estado sa buhay at kabuhayan.
Subalit kahit na ito ay sumasaklaw sa pandaigdigang usapin at halos lahat ng
bansa sa buong
mundo ay may mga programa para rito ay napakahirap nitong
ipatupad dahil sa malawakang kurapsyon at pang-aabuso.

            Nawa ay makapagbukas ng kamalayan sa


pamamagitan ng iba’t ibang gawaing pampanitikan upang maitaguyod at maipatupad
ang
mga repormang kailangan sa pangangalaga ng karapatang pantao mula sa loob
ng isang sambahayan, isang pamayanan at sandaigdigan.

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 4/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

2. Mga Inaasahang Bunga ng Pagkatuto

1. Mapapalalim mo ang
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan. 

2. Maibibigay ang mahahalagang


pangyayari o kaisipan sa akdang binabasa.

 3. Makakasulat ka ng akademikong


papel na nagsusuri sa kabuluhang      

               panlipunan ng isang akdang


pampanitikan

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 5/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

3. Kahulugan

 Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan


upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga
pangangailangan upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao. Ang
karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao
sa sandaling siya
ay isilang.  Ang pagkakamit ng  tao 
ng  mga  pangangailangan  niya 
tulad  ng  pagkain. 
Damit, bahay, edukasyon  at  iba 
pang pangangailangan  ay  nangangahulugan  na 
nakakamit  niya  ang 
kanyang karapatan.  Hindi  maaaring 
mabuhay  ang tao kung hindi
niya
nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay
tao.  Ang 
pagkakaroon  ng karapatang  pantao 
ay 
bahagi  na 
ng  pagiging  tao 
at  hindi  na 
kinakailangan  pang  ito 
ay  kilalanin ng pamahalaan sa estado
sapagkat likas na itong bahagi ng
tao.

  Simula nang isilang  tayo  sa 


daigdig  bilang  tao, 
kasama  na  ring 
isinilang  ang  ating 
mga  karapatan. Sinisiguro nito na
magiging
produktibo tayong bahagi ng lipunan at magiging ligtas ang pananatili
saan mang bahagi ng mundo.Sa 
araling  na  ito, 
tatalakayin  ang    isa 
sa  mga  mahahalaga 
nating  karapatan  ay  ang
 mabuhay 
nang tahimik  o  payapa. 
Sinisikap ng bawat pamahalaan sa 
mundo  na 
mapanitili  ang 
kaayusan  at  kapayapaan saanmang sulok ng daigdig. Dapat
na mailayo sa kapahamakan ang bawat isa at makaiwas sa
kriminalidad

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 6/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

3.1. Mga Uri ng Karapatan

Mga Uri ng Karapatan

1. Natural-Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkakaloob


ng estado.

                 Hal: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng


ari-arian.

2. Constitutional rights-Mga karapatang ipagkakaloob at pinangangalagaan ng Estado.

                 Hal: Karapatang political, Sibil, Sosyo


Ekonomiks at karapatan ng akusado.

3. Statutory- Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaring


alisin sa pamamagitan ng panibagong

                        batas.

Dalawang Karapatang Pantao

1. Indibidwal o personal na karapatan

 Karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
 Karapatang 
sibil- ito  ang  mga 
karapatan  ng  mga 
tao  upang  mabuhay 
na  Malaya  at mapayapa. 
 Karapatang 
pulitikal- ito  ang  karapatang 
na  makisali  sa  mga  proseso 
pagdesissyon  ng pamayanan.
 Karapatang 
panlipunan-ito  ang  karapatang 
mabuhay  ang  tao 
sa  isang  lipunan 
at  upang isulong                            ang kanyang
kapakanan.
 Karapatang pangkabuhayan- ito ay mga karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan ng disenteng                          pamumuhay.
 Karapatang kultural- karapatan ng mga taong lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa                      ng siyentipikong pag-
unlad ng pamayanan.

2. Pangkatan/ Pangrupo/ o kolektibong karapatan

* Ito ay mga karapatang bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan.

Mga dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao

•Cyru’s 
Cylinder–ang  
karapatang   pantao   na  
nakapaloob   ditto   ay  
may   kinalaman   sa  
hindipangtangging 
lahi  at  kultura 

maging  ng 
relihiyon.  Nakasaad  ditto 
na  dapat  ay pantay-pantay  ang tingin sa kahit kaninong tao. “Ang lahat ng tao ay
may karapatang
pumili ng relihiyon at marapat  ituring na kapantay ng ibang lahi.–Maging malaya ang mga alipin, –Karapatang pumili ng nais na relihiyon–
PagkaPagkakaroon ng pagkakapantay-pantay

•Magna  Carta-Hindi  maaring  dakpin, 


ipakulong  at  bawiin 
ang  anumang  ari-arian  ng  sinuman 
nang walang pagpapasiya ng hukuman.–
Magna  Carta  of Women-isinabatas  upang  alisin 
ang  lahat  ng 
uri  ng  diskriminasyon  laban 
sa kababaihan at sa halip ay itaguyod
angmpagkapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay,  alinsunod  sa 
mga  batas  ng 
Pilipinas  at  mga 
pandaigdigang 
instrumento,  lalo 
na  ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women o CEDAW

•Petition of human rights-Hindi pagpapataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament.–Halimbawa, kapag ang sistema ng
parylamentaryo ay may  ipinatupad na batas o isinagawang regulasyon  na  marahil 
ay  hindi  kinakikitaan 
ng  patas  na 
hustisya, 
magkakaroon  ng 
karapatan ang isa na tumutol dito at muling pag-usapan ang pagpapatupad nito.

•Bill of Rights-Karapatang pantao ng lahat ng mamayan at iba pang naninirahan sa bansa–Nakasaad dito na hindi maaaring kitilin ang
buhay, kalayaan, o ari-arian ng sinuman nang hindinabibigyan  ng  'due 
process'.  Ibig  sabihin, 
dapat  dumaan  sa 
tamang  proseso  ang 
sinumang anganganib  matanggalan  ng 
mga  proteksiyong  ito. 
Kasama  diyan  ang 
mabigyan  siya  ng pagkakataong idepensa ang
kaniyang sarili.

•Declaration of the rights of man and of the citizen-karapatan ng mga mamamayan.–Isang  pundamental  na 
dokumento  ng 
Rebolusyong 
Pranses,  na  binibigyan 
kahulugan  ang indibiduwal at kolektibong mga karapatan ng lahat ng pag-aari ng lupain bilang
pangkalahatan. Naimpluwensiya ng doktrina ng likas na karapatan, pangkalahatan ang mga karapatan ng Tao: may bisa sa lahat ng oras at
sa kahit saang lugar, tumutukoy sa
kalikasan ng tao mismo.

Mga Karapatang Pantao o Human Rights

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 7/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
1. karapatang mamuhay (right to live)

2. kalayaan sa pagsasalita (freedom of speech)

3. pagkakapantay-pantay sa harap ng batas (equality before the law)

4. panlipunang karapatan (social rights)

5. pangkalinangang karapatan (cultural rights)

6. pangkabuhayang karapatan (economic rights) (pertaining to livelihood)

7.  karapatang makilahok sa


kultura (the right to participate in culture)

8.  karapatan sa pagkain (the


right to food)

9.  karapatang makapaghanapbuhay


(the right to work for a living)

10.  karapatan sa edukasyon (the


right to education)

11.  karapatan ng tao (rights of


man”) rights of human being, rights of people Kahalagahan ng Karapatang Pantao Ang pagkilala sa karapatang
pantao ay pagkilala rin sa karapatan ng iba.
Ang pagkilala sa karapatan ng  iba  ay 
nasasaad  ng  ating 
obligasyon  na  igalang 
ang 
karapatan  ng  bawat  tao. 
Kung  ang  lahat 
ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang
posibilidad ng kapayapaan
sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino.

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 8/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

4. Pagtalakay sa Paksa

Ang
mga akda ay makatutulong upang may magamit na batayan kung paano isasaalang-alang
ang karapatang pantao sa araw-araw na
pakikipagsapalaran sa buhay.

PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT NI ERICSON ACOSTA

          Si
Ericson Acosta, ibinilanggong  manunulat,
kompositor, mang-aawit, peryodista, at aktibistang intelektuwal.Ngunit
walang katiyakan sa
buong mundo. Isang aktibista at manggagawang pangkultura.
Nagkaroon siya ng malubhang sakit na bunga ng tortyur
at matinding parusa na
ipinataw ng rehimeng Aquino buhat hulihin siya noong
Pebrero 13, 2011 nang walang warrant at ilagak sa Calbayog City jail, Samar.
Sakdal sa
kanya: "illegalpossession
of explosives," hinalang lihim na nakipagtalik sa kinumpiskang laptop
kompyuter.

Pitong
Sundang ni Ericon Acosta

Unang Sundang: HULING KAINGIN

Dati’y leeg,
naging noo, ngayo’y puyo na ng bundok

ang ating
kinakaingin— ang ating huling kaingin.

Naririnig na ba
ninyo, kaluskos ng mga hayok

na nais kitang
tugisin, sa tangis mandi’y lusawin?

Sibakin,
baklasin natin, mga tulay sa ‘sang iglap.

Tiyaking ang
gagatungin, walang asô kung dumiklap.

Mga aso ay
turuang tahimik na umalulong.

Sa landas nama’y
tabunan ang latag nating patibong.

Sadyang hangal
maggumiit na dun sa ulap tumawid

kung mabunyag
itong muog at bitag nati’y malansag.

Tumangan tayong
mahigpit sa sundang nating matuwid

kahit lambong pa
nga’t hamog ang tangi nating kalasag.

Ikalawang Sundang: HAPAG

Alaala natin,
binibiyak natin

ang niyog

at nabubulabog
ang mga tamsi.

Alaala natin,
tinataga natin

ang kamansi at
langka

at iba pang alay


na may dagta.

Alaala natin,
hinihiwa natin

sa pisngi ang
mangga

o ang sambilao
kaya ng sinukmani.

Alaala natin,
ginigilit natin

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 9/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
sa leeg ang
tinali at anong aliw

ang hatid sa
atin ng tilamsik ng dugo.

Ngayon
tinatadtad natin

sa kung ilang
piraso ang gabrasong sawa—

iniaalok sa may
dinaramdam at nag-aalala.

Ikatlong Sundang: SIPAT

Sinisikap nating maya’t maya ay sipatin

kung gaano pa katuwid, pantay at pasulong

ang talim at gulugod ng ating mga sundang.

Itinutok ko ito sa langit isang araw

at tulad ng manunudla ng kalaw o pipit

akin ngang ipinikit ang kaliwa kong mata.

At sa aking asinta ay mayroong tumawid:

mandi’y tutubi— dambuhala at de-makina.

Milyong sundang ang tinunaw nang ito’y hinulma,

sabi ng tao, at ang tae nito ay apoy.

Ikaapat na Sundang – KALANSI

Sablay man sa baybay

inuukit natin ang pangalan

ng mga inaalala at sadyang minamahal

sa tadyang ng malabay

sa tungkod na yantok

sa budyong at tongatong

sa bagol at palayok.

Sablay sa baybay, totoo,

subalit salatin at silang-sila rin

ang sawing salaysayin

sa siwang ng mga titik na ito—

sumasaludsod sa kalyo at kuko

gaya ng kaliskis, palikpik at hasang.

Silang-sila nga ang mga ito:

silang ulila; silang tulala;

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 10/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
silang balisa at di makatulog;

silang habang nahihimbing ay kinitil;

silang ibinuwal pagkat pukaw na

at sa iba ay nanggigising.

DUGUANG LUPA INILATHALA NG KILOMETER 64 POETRY


COLLECTIVE,

2010

Mother
holding ID photo of Noel “Bogs” Decena, 25 years old. Circulation Manager of
Periodico Ini. Murdered on November 23, 2009

Lupang Hinirang

Ni Angelo Ancheta

Sumabog, kumalat, nagpira


pira-piraso

Gunita, pangarap, prinsipyo

Ibinaon sa lupa ng paglimot

Subalit may tainga ang


lupa 

At lumipad ang balita

Ng kasakimang lutang na
lutang

Pilit ibinabalot ng kinang

Bulaklaking salita,
mapormang alindog

Makapal pa sa semento,
makunat na goma

Huwag kaligtaan

Himig ng pinagmulan

Taglay mong kapangyarihan

Hiram sa Lupang Dinuguan

Massacre

ni Trevor Batten

What
poetry is there in evil deeds

That
destroy our basic daily needs?

What
words can ever serve

To
heal the ruptured nerve?

Wherever
is the fun

When
life is ended by the gun?

Whatever
is the joy

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 11/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
When
human life becomes a toy?

What
then the social skill

That
protects us from the overkill

MGA
TULA SA BLOG NI ROGELIO ORDONEZ

Rogelio Lunasco Ordoñez (born September 24, 1940[1][2]


- May 19, 2016) also known as Ka Roger, was a multi-awarded Filipino fiction
writer, poet, activist, journalist and educator.[3] He was one of the authors
of the iconic Tagalog literature anthology Mga Agos sa Disyerto in the
1960s.
He was a contributor to Liwayway Magazine, Pilipino Free Press,
Asia-Philippines Leader, Pilosopong Tasyo, Diario Uno and Pinoy
Weekly.

HALIMBAWANG PANITIKAN

NARRATOR: Sa isang malayong lugar, kung saan


ang buhay ay simple lang ay matutunghayan natin ang kuwento ng isang pamilyang
magbibigay sa ating ng aral.

Karapatan ng bawat bata ang maging malaya at


magkaroon ng pamilyang mag aaruga sakanya. Pero sa sitwasyong ng 18 anyos na si
shebel
at nakababatang kapatid na si Jj ay ang pag aabandona sakanila ng
kanilang ama at ang pag iibang bansa naman ng kanilang ina ang naging
dahilan
upang silay masadlak sa kahirapan.

1st scene (Shebel, JJ, Nica)

N: Shebel, ikaw na ang bahala sa kapatid mo


ha. Huwag na kayo mag-away, magmahalan kayong dalawa.

S: Opo Ma, mag-iingat ka sa Dubai ha. Hayaan


mo Ma, maghahanap na rin ako ng trabaho para naman makatulong din ako sa mga bayarin
natin.

N: Sige Anak, pasensya ka na't kailangan


mong tumigil sa pag-aaral at magsakripisyo para sa kapatid mo.

S: Okay lang po yon Ma, naiintindihan ko


naman po ang sitwasyon natin eh.

N: Salamat Anak. (lalapit kay JJ) mag-aral ka ng mabuti anak ha, mahal na mahal kita.

Jj: (umiiyak)
Maaa, wag ka na kasi umalis huhuhu!

N: Pasensya na anak, sana maintindihan mo


ako.

/IYAK IYAK ADLIB ADLIB

[tugtog ni nika]

NARRATOR: Bilang nakakatanda ay napilitan si


Shebel na magtrabaho na lamang at huwag na munang tapusin ang kolehiyo upang
matustusan ang pangagailangan at suporta ng kaniyang nakababatang kapatid.
Ilang araw ang lumipas at nakahanap na rin siya ng trabahong
maari niyang  mapasukan.

Ikalawang bahagi (SHEBEL, FEL-KARAPATANG NG


MANGGAGAWA)

F: Miss Garcia?

S: Yes
maam.

F: You
may take your seat.

S: Thank
you.

F: So Miss Garcia, ano naman ang masasabi


mong kaibahan at katangian mo sa mga naunang nag-apply?

S: Ay maam, nasisigurado ko po sa inyong


kaya kong gawin  lahat, sa totoo nga po
noong nag-aaral pa po ako ay nakakaya kong sagutan lahat
ng problema sa libro.

F: (Magtatanong)

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 12/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO
S: (biglang sisingit) Ay maam, tanong ko
lang po pala, makukuha ko po ba ang kaukulang bayad sakin kapag natanggap nako?
Iyong lugar po
ba, ligtas po ba? At saka maam, ano po ba ang benefits ko rito?

(cut) proceed sa
reporting ni shebel

(ayan, bilang isang


manggawa.. pero huwag niyong gagayahin iyong gnawa ko baka mapatalsik kayo ng
wala sa oras)

NARRATOR: Patuloy na nagsusumikap na


makapag-aral si Jj kahit na sila ay salat sa kayamanan. Hindi maikakaila ang
tinataglay niyang
kasipagan sa pag-aaral ngunit hindi rin naman maitatanggi ang
pananatili niya bilang isang bata.

Ikatlong bahagi: Jj's solo scene

NARRATOR: Sa kabilang banda, ang kanilang


ina naman na si Nika ay nagtitiis at nagsusumikap bilang isang Domestic Helper
sa Dubai. Sa
kabila ng kaniyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho ay hindi
naging maayos ang kalagayan niya dahil sa pagmamaltrato at pang aaping
ginagawa
sakaniya ng kaniyang Amo.

Ika-apat na bahagi (Nika, Gaila)

Gaila: Hey Nika!! Why are you eating?? Did you


forget that you have no right to eat our food?

N: (kumakain) maaam, I’m sorry,  gutom na po kasi talaga ako

G: How many times do i have to tell you that


you can only eat our leftovers!!?!

N: (iiyak) but maam, that’s not fair :'(

NARRATOR: Sa kabila ng kadaldalang taglay ni


Shebel ay natanggap pa rin siya sa kaniyang trabaho. Sa unang buwan niya ay
nakilala niya
ang kaniyang dalawang natatanging kaibigan.

Ikalimang bahagi: (Shebel, Liane, Alladin)

Shebel: Hmmmn ang tagal naman ng mga


katrabaho ko, pwede kaya malate rito??

Liane: (mapapadaan) Uy,  new face ah! Bago ka girl noo?? Hi Im


liaAAaanNeeE!!!

(Adlib adlib)

Alladin: (papasok, nagmamadali) LIAAAAANE


(pasigaw)nasaan ka?? Late na ba tayooo??

L: lalapit, mag-sign language. (papakilala


kay shebel)

NARRATOR(fel): Lumipas ang panahon at


bumilang na ng maraming taon sa pagtatrabaho si Nika. Patuloy niyang
pinagtiisan ang kaniyang
sitwasyon para lamang sa kaniyang pamilya. Sa kaniyang
pag-uwi ay nakapagtapos na at dalaga na ang kaniyang bunsong anak samantalang
si Shebel naman ay tumatandang dalaga.

Hulinhg bahagi: (Jj, sheb, nika)

(sa jeep)

Nika: Kuya bayad po oh, tatlo, isang senior.

Jj: Ang bilis ng panahon Ma, parang dati


lang bayad lang sinasabi mo, ngayon with seniro na ehehhehehe!

S: oo nga ma, pati sa mga kainan nakakakuha


ka na rin ng discount, nirarayuma ka na kasi.

(tawanan)

N: Hay nako, kayo talagaaa.

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 13/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

4.1. Daluyong

Daluyong ni L. Francisco (Buod).pdf 

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 14/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

4.2. Ibong Mandaragit

_mga-ibong-mandaragit.pdf 

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 15/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

5. Modyul 5- Forum 5

https://collvle.neu.edu.ph/mod/forum/view.php?id=97188

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 16/17
11/2/22, 3:49 PM MODYUL 5- PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG PANTAO

6. Modyul 5- Takdang Gawain 5

https://collvle.neu.edu.ph/mod/assign/view.php?id=97203

https://collvle.neu.edu.ph/mod/book/tool/print/index.php?id=97164 17/17

You might also like