You are on page 1of 23

ARALING

PANLIPUNAN
10
Sir. Aldre Malupeng
PAMANTAYAN SA LOOB NG
SILID-ARALAN

Umupo ng maayos.

Makinig ng mabuti.

Itaas ang kamay kung may nais na itanong o


magsasalita.
PUNAN MO!

Panuto: Punan ng mga letra ang hinihingi sa


bawat patlang. Gamiting batayan ang mga
larawang makikita sa presentasyon.
D_M__R_S__
DEMOKRASYA
_O__T__A
POLITIKA
K__ANG__R__A_
KAPANGYARIHAN
PAMPROSESONG TANONG

• Ano ang inyong napansin sa mga salitang inyong


sinagutan?
• Ano sa inyong palagay ang tungkulin ng
pamahalaan sa kaniyang mamamayan?
• Bilang mamamayan, paano natin mapapanatili ang
mabuting pamamahala sa ating lipunan?
Mga Hamon ng mga Isyung
Pampolitika: Ang Hamon ng
Dinastiyang Politikal
DINASTIYANG POLITIKAL

Ang Dinastiyang Politikal ay tumutukoy sa alinmang pamilya o grupo


na nananatili na may hawak ng kapangyarihan at ng iba’t ibang
katungkulan sa pamahalaan.
Nabubuo ang dinastiyang politikal kapag nabibigyan ng pagkakataon
ang isang politiko na maihalal sa gobyerno, mamuno ayon sa kanyang
kapangyarihan, at magamit ang kapangyarihang ito upang mabigyan
ng posisyon ang kanyang mga kamag-anak sa ahensiya ng gobyerno,
maging halal man o hindi.
MABUTING PAMAMAHALA

Ang mabuting pamamahala o good governance ay


tumutukoy sa prinsipyo ng pamamahala na nagbibigay-
kabuluhan sa pananagutan ng pinuno sa mga tao (Carino,
2003).
Good governance - Ang pamamahala ng isang komunidad
o lipunan nang naaayon sa pamantayang tumutugon sa
kapakanan at ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan.
PANSININ!
Ang paglaganap ng dinastiyang politikal ay may
negatibong epekto sa isang demokratikong lipunan. Sa
konteksto ng demokrasya, ang dinastiyang politikal ay
nagpapahina sa prinsipyo ng eleksiyon kung saan dapat
ay nakapipili ng pinuno ang mga mamamayan nang
malaya at ayon sa kanilang kagustuhan.
PANSININ!
Ang dinastiyang politikal ay pumipigil sa pagpapatupad ng
mabuting pamamahala dahil hindi natatamo ang pagiging bukas,
at pagkakaroon ng pananagutan, at pamumunong hindi naaayon
sa personal na interes.
Ang dinastiya ay pumipigil sa tinatawag na transparency o
pagiging bukas ng mga pinuno ng pamahalaan tungkol sa
kanilang mga gawain, desisyon, at programa.
Pagkilala at Pag-ugnay ng
Dinastiyang Politikal sa
Demokrasya
• Ang isa sa mga pundasyon ng demokrasya ay ang konsepto
ng pagkilos at pakikilahok ng tao sa pamamahala. Sa
prinsipyo ng demokrasya, ang pamamahala ay hindi lamang
limitado sa namumuno, dapat ay may ambag ang mga tao sa
pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan.
• Ang prinsipyo ng demokrasya ay nakabatay sa usapin ng
pagiging lehitimo (legitimacy). Ito ay tumutukoy sa
pagtanggap ng mga mamamayan sa kapangyarihang mamuno
ng napiling lider.
• Ang demokrasya sa lipunan at pamahalaan ay nabibigyang-
buhay dahil sa prinsipyo ng transparency at accountability.
Ito ay tumutukoy sa pananagutan ng pamahalaan sa mga
mamamayan kaugnay sa mga gawain at desisyon nito.
• Ang demokrasya ay nakasalalay sa integridad at moralidad
ng mga namumuno.
• Sa demokrasya, ang tungkulin ng mga pinuno ay
magtaguyod ng kapakanan ng mamamayan.
Iba’t ibang Hamon ng
Dinastiyang Politikal
• Ang pagyabong ng dinastiyang politikal sa gobyerno
ay sagabal sa maayos na ugnayan ng mamamayan at
pamahalaan.
• Ang higit na natatalo sa usapin ng dinastiyang
politikal ay ang demokrasya.
• Pinahihina ng dinastiyang politikal ang proseso ng
eleksiyon at pagpili ng mga pinuno.
Pamamahala sa
Dinastiyang Politikal
• Ang lipunan ay siya namang naaapektuhan ng pamamahala ng
dinastiyang politikal. Madalas, ang mahihirap na mamamayan ng
isang komunidad ay napapaniwala ng mga politiko sa kanilang mga
programa ng pagbabago at kaunlaran.
• Sa ekonomiyang pananaw, ang mga mamamayan ay madalas
umaasa sa magandang bunga ng pagpili sa isang pinuno. Ang mga
polisiyang pang-ekonomiya na ipinapangako ng isang pinuno ay
maaaring tumugon sa kakulangan ng trabaho at pagnenegosyo.
KONKLUSYON

Ang pananatili ng dinastiyang politikal ay isang hamon sa bawat


mamamayan. Bagaman hawak lamang ng ilang makapangyarihang
pamilyang politikal ang pamamahala, marapat ang pagsasama-sama ng mga
mamamayan upang masugpo ang dinastiyang politikal. Kailangan na maging
mulat at manindigan ang mga mamamayan sa pagpili ng mga pinuno na
tunay na nakapagdadala ng kaunlaran at pagbabago sa kanilang komunidad
na hindi naghahangad ng pagpapalawak ng kanilang kapangyarihan.

You might also like