You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Agusan del Sur
Prosperidad District IV
LUCENA NATIONAL HIGH SCHOOL
Lucena, Prosperidad, Agusan del Sur

UNANG MARKAHANG PASULIT


Filipino 10-BEC

Pangalan:_______________________________ Baitang/Seksyon:__________________ Iskor:____________


Guro:___________________________________ Petsa: ___________________________ Bahagdan:________
PASULIT I: PAKIKINIG (Komprehensyon): Pakinggan ang orihinal na teksto na babasahin ng dalawang (2) beses
habang nakataob ang inyong pasulit na papel. Matapos ang pagbabasa ng guro ay saka pa sagutan ang mga
katanungang nakapaloob sa bawat bilang. Bilugan lamang ang titik ng napiling sagot. Isang puntos bawat bilang.
1. Batay sa napakinggan, alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang mito o mitolohiya?
A. Nagsasalaysay ng mga pangyayaring may kaugnayan sa mga diyos at diyosa.
B. Nagpapahayag ng opinyon hinggil sa isang paksa o isyu.
C. Nagpapaliwanag ng pinagmulan ng buhay sa daigdig.
D. Kadalasang sa sinaunang panahon naganap ang isang mito.
2. Ang sumusunod ay kabilang sa mga gamit ng isang mitolohiya noong unang panahon MALIBAN SA ISA.
A. nagpapaliwanag ng puwersa ng kalikasan
B. isinasalaysay ang gawaing panrelihiyon
C. nagpapahayag ng matinding damdamin
D. maipaliwanag ang kasaysayan
3. “Isinakay ng ibon ang dalawa sa kaniyang likod at dinala sa isang pulo kung saan nila sisimulan ang kanilang
lahing kayumanggi.” Ang mga tauhan sa bahaging ito ay tumutukoy sa anong lahi?
A. Romano B. Tsino C. Pilipino / Malay D. Aprikano
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian nina Malakas at Maganda sa kulturang Pilipino?
A. Si Malakas ang nagrerepresenta na ang mga Pilipino ay palaban sa hamon ng buhay samantalang si
Maganda ang nagrerepresenta na sa kabila ng mapait na pagsubok, may magandang mga bagay na
sasalo sa iyo.
B. Si Malakas ang nagrerepresenta ng pagiging malakas at masipag ng mga Pilipino sa kahit anomang
aspekto
samantalang si Maganda naman ang nagpapakita ng kagandahang panloob at panlabas ng
mga Pilipina.
C. Si Malakas ang representasyon na ang mga Pilipino ay malalakas gaya ni Manny Pacquiao at iba pang
mga atleta samantalang si Maganda ang nagpapakitang ang mga Pilipina ay palaban at laging nanalo sa
mga Beauty Pageants.
D. Si Malakas ay nagpapakitang makisig ang mga Pilipino samantalang si Maganda naman ang
nagpapakita
ng ideal na katangian ng isang Pilipina.
5. Ano ang kaugnayan ng pangkalahatang kaisipan sa mitong nabasa sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at
daigdig?
A. Ipinakikita nito ang konsepto ng paglikha ng sanlibutan sa pamamagitan ng pagsasalaysay. Nais nitong
ipaliwanag ang pinagmulan ng mga sinaunang tao tungo sa pagkabuo ng pamilya, pamayanan at lipunan
sa malikhaing kaparaanan.
B. Isinalaysay nito ang pinanggalingan ng mga sinaunang Pilipino. Mula sa isang lalaki at babaeng bumuo
ng pamilya’t lumago patungo sa isang nagkakaisang pamayanan at lipunan.
C. Nais nitong patunayang ang mga Pilipino ay may sarili ring bersyon ng mito at hindi lamang mga
kanluranin ang may kakayahan sa pagbuo ng mga kuwento ng paglikha at pakikipagsapalaran.
D. Ipinahahayag nito ang mayamang kulturang Pilipino na may kakayahang maibandera hindi lamang sa
kapuluan kundi sa buong mundo.
PASULIT II: PAGBASA (Pag-unawa): Basahin ang mga tekstong nasa loob ng kahon at sagutan ang mga
katanungan sa bawat bilang. Bilugan lamang ang titik ng napiling sagot.
Para sa tanong 6-10 (Basahin 1)
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang alaga, “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”3) Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, “Ano ang gagawin ko?
Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman
akong magpalimos.” 4) “Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap
naman sa akin sa kanilang tahanan.
Halaw Mula sa
“ Ang Tusong Katiwala (Lukas 16:1-15) Philippine Bible Society ”

6. Sino ang nagsasalita sa parabula?


A. katiwala B. Hesus C. Amo D. Ang mga umutang

7. Batay sa pahayag ng katiwala, Anong damdamin ang namayani sa kanya nang kinausap siya ng amo?
A. Natatakot B. Natutuwa C. Nalulungkot D. Nagsisi
8. Bakit ipinatawag ng amo ang kanyang katiwala?
A. nais niya itong pasalamatan sa mabuting isinagawa B. dahil may narinig siyang aalisin na ito
B. dahil narinig niyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian D. dahil niyang dagdagan ang sahod
9. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakasulat kung nais tukuyin ang ikalawang pahayag mula sa parabula?
A. Lukas 2:16-15 B. Lukas 16:2 C. Lukas 2:16 D. Lukas 16:1-2
10. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa tekto?
A. Nagmamay-ari B. Trabahador C. Tagapangasiwa D. Kaaway
Para sa tanong 11-15 (Basahin 2)
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahen. Iyan ang tiyak.
Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at
‘di maaabuso sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon,
lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya.
Gayundin, hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging makikita niya ay mga anino lamang.
Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay
papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw – ano ang magiging tugon niya?
-Halaw mula sa “Alegorya ng Yungib”

11. Sino ang tinutukoy ng nagsasalita mula sa tekstong binasa?


A. Katotohanan B. Mamamayan C. Bilanggo D. Mga Sinungaling
12. Alin sa sumusunod ang pagpapakahulugan sa katotohana batay sa teksto?
A. Magdurusa sa sobrang sakit
B. tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang
C. mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag .
D. walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahen. Iyan ang tiyak.
13. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa ikatlong pangungusap?
A. Matatapos B. Mawawala C. Mangyayari D. Mawawala
14. Ano nais iparating ng pahayag sa ikatlong sa ikaliwang pangungusap sa teksto?
A. Mabuti nang wala tayong alam para hindi masasaktan
B. Minsan sa buhay ay kailangan nating matutunan na walang totoo
C. Sa huli, pagsisihan natin na mapag-alaman natin ang tunay na sitwasyon ng mundo
D. Iwasan nating masilaw sa katotohanan sapagkat masisira lamang ang ating buhay.
15. Paano inilantad ang maling akala ng mga nakabilanggo sa katotohanan?
A. ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang
B. Magdurusa sa sobrang sakit
C. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw
Para sa tanong 16-20 (Basahin 3)
Noong unang panahon, mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong
magkakapatid at siya ang pinakamaganda sa kanila. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming humanga
sa kaniya. Sinasabi ring kahit ang diyosa ng kagandahang si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni
Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang nakapagpagalit sa kaniya ay ang pagkalimot ng mga kalalakihang
magbigay ng alay, maging ang kaniyang templo ay napabayaan na rin. Ang dapat sanang atensyon at mga papuring
para sa kaniya ay napunta sa isang mortal.
-Halaw mula sa “ Cupid at Psyche”
16. Alin sa sumusunod ang katangiang taglay taglay ni Psyche?
A. Kabutihang taglay na hindi mapapantayan B. Kagandahang taglay na hindi mapapantayan
C. Kasamaang walang kapantay D. Kapangyarihang di’ matatalo ninuman
17. Ano ang naibunga ng taglay na ito ni Psyche?
A. Marami ang humanga sa kanya B. Nais siyang patayin
C. Hindi na siyang payagan pang lumabas D. Pinalayas siya sa kanilang kaharian
18. Bakit mas lalong pang nagalit si Venus kay Psyche?
A. dahil isa siyang prinsesa B. dahil sa mas maganda ito sa kanya
B. ang pagkalimot ng mga kalalakihang magbigay ng alay D. dahil kinutya siya nito sa maraming tao
19. Anong bahagi ng banghay ang tekstong binasa?
A. Panimula B. Kasukdulan C. Kakalasan D. Wakas
20. Ang mga sumusunod ay katangian ng salitang may salungguhit sa tekstong binasa maliban sa ____________.
A. mamatay B. Tao C. nasa daigdig D. Diyos at Diyosa
PASULIT III: PANITIKAN AT GRAMATIKA
A. Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Hanapin sa loob ng
kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit rito. Piliin ang titik ng napiling sagot at isulat ang sagot
sa patlang na inilaan sa bawat bilang.
A. Napagtagumpayan B. Malabo C. Asawa D. Damitan E. Nakakagalit
_____________21. Hindi niya lubos maisip na dahil sa kaniyang ginawang pagtataksil sa asawa, siya’y magiging labis na
malungkot. Naging mapanglaw si Pscyhe sa mga pangyayari.
_____________22. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang gayak-pangkasal. Nang araw nang kasal
niya, tila nawalan ng saysay ang kaniyang trahe de boda dahil maipakakasal lang pala siya sa isang nakatatakot na
halimaw.
_____________23. Hindi masilayan ni Psyche ang mukha ng kaniyang kabiyak. Sabik na sabik na siyang makita ito ngunit
naaala pa rin ang bilin ng kaniyang asawa.
_____________24. Nagsisisi si Psyche sa kasuklam-suklam niyang nagawa. Kung kaya, hinarap niya ang lahat ng mga
pagsubok na ibinigay ni Venus sa kaniya upang maibsan ang kamuhi-muhing ginawa niya sa asawa.
_____________ 25. Isa sa mga delikadong pagsubok ni Venus ang pagpapapuno niya ng itim na tubig sa bote mula sa ilog
Styx. Hindi madaling pagsubok ngunit nairaos niya dahil tinulungan siya ng isang ibon upang makasalok ng tubig gamit
ang prasko.
B. PAGPAPALAWAK NG RETORIKA AT PANITIKAN
Panuto: Hanapin sa Kolumn B ang may ugnayan sa Kolumn A. Titik na ang isulat sa patlang na inilaan sa bawat bilang.
Kolumn A Kolumn B
___________26. Hades A. Akdang pampanitikan na halaw ng taga-Rome sa
Griyego
___________27. Ovid B. Alegorya ng Yungib
___________28. Sanaysay C. Alejandro Abadilla
___________29. Parabula D. Pinaniniwalaang pinagmulan ng tao sa daigdig
___________30. Nagkaroon ng Anak si Wigan at Bugan E. Estilo ng paglalahad at pagkukwento
___________31. Plato F. Nagbibigay-buhay sa kuwento
___________32. Mitolohiya G. Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa
tema
___________33. Tauhan H. Metamorphoses
___________34. Pagsalaysay I. Panginoon ng impiyerno
___________35. Kaisipan J. Akdang pampanitikan mula sa Banal na Aklat
C. PAGPAPALAWAK NG KAALAMANG GRAMATIKA
a. Panuto: Basahin ang teksto at piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay. Salungguhitan
ang salitang napiling sagot.
May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian 36.
(kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 37. (Unang, Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may
utang na isandaang tapayang langis, 38. (saka, pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 39. (Gayon
din, Dahil sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 40. (Dahil sa,
Upang) kadayaan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
b. Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin ang gamit ng pandiwang may salungguhit ( Karanasan,
Aksiyon, pangyayari). Isulat ang iyong sagot sa patlang na inilaan sa bawat bilang.
____________41. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Cupid.
____________42. Labis na nanibugho si Venus sa kagandahang taglay ni Psyche.
____________43. Umalis si Psyche sa kaharian upang hanapin si Cupid.
____________44. Lalong sumidhi ang pagseselos ni Venus kay Psyche.
____________45. Napalundag sa tuwa si Wigan nang malamang nagdadalantao na si Bugan.
c. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat
pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at
isulat ang napiling sagot sa patlang na inilaan sa bawat bilang.
Sang-ayon sa Ayon sa Sa paniniwala ko
Alinsunod sa Inaakala ng Sa tingin ko
46. _________________ tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal mo ang isang nilalang, ipaglalaban mo ito.”
47. _________________ Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-kalat na mga alagang hayop, nagpanukala ang
bayan
na “aso mo, itali mo.”
48. _________________, kahit maraming problema sa pamilya, hindi ito ang hadlang upang makamit niya ang
tagumpay
sa buhay.
49. _________________ maraming mag-aaral, ang tanging makapagpapaunlad sa kanilang pamumuhay ay ang
makapagtapos ng pag-aaral.
50. _________________, kailangan ang pagkakaisa ng mamamayan upang mapalago at mapaunlad ang pamumuhay
ng indibidwal sa isang lipunang kinagagalawan o kinabibilangan.

You might also like