You are on page 1of 1

Ano ang ating tinatasa sa loob ng klasrum? Ipaliwanag.

Ang pagtatasa ay tinukoy bilang isang proseso ng pag-appraising ng isang bagay o isang
tao, ibig sabihin, ang kilos ng pagsukat sa kalidad, halaga o kahalagahan ayon sa lwvworc.org.
Nagpapatunay lamang na malaki ang tungkulin nito ating klase dahil nagsisilbing instrumento upang
masukat hindi lamang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kani-kanilang aspektong makrong
kasanayan(Pagbasa,Pagsulat,Pakikinig,Panood,Pagsasalita) sapagkat ito rin ay maaaring daan
upang maipakita kung epektibo ba ang mga estratehiyang nilalapat ng isang guro sa kanyang mga
mag-aaral.

Ang sumusunod ay mga tinatasa natin sa loob ng klase maliban pa rito:

A. Pormatibo o Dayagnostikong Pagtatasa (Pagtatasa ParaLalong Matuto) Pagmonitor kung


gaano na ang pagkatuto sa araw-araw na pag-aaral. Pagmonitor din upang matiyak ng guro kung
ano ang natutuhan, ano ang dapat pang matutuhan, ano ang maaaring ipalit/baguhin na
kaalaman/leksyon kungkinakailangan.
B. Sumatibo (Mapagbuod) na Pagtatasa (Pagtatasa ng
Natutuhan)Binibigyang-pagkakataon ang guro, mag-aaral, at mga magulang na malaman kung
gaano natapos ang mga gawain sa klasrum.

At bilang pagsisimula ng klase sa isang asignatura ay ginagamit ang Panimulang


Pagtataya (Pre-test) o Diagnostic Test na magsisilbing gabay ng guro sa pagpaplano ng klase
kung ano ang dulog na gagamitin sa pagtuturo. Ang pagtatasang ito sa loob ng klasrum ay
nagbibigay ng resulta kung hanggang saan ang natutuhan ng mga mag-aaral sa mga paksang
tatalakayin sa asignatura. Ang Panapos pagsusulit o Post-Test ay pagtatasang katulad ng Pre-
test ang kaibahan lamang ay ibinibigay matapos naitalakay ang mga aralin. Sa bahaging ito ng
pagtatasa ay matutukoy ang mga bahaging kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral at aling
bahagi pa ng mga aralin ang kinakailangan linangin ng guro sa mga mag-aaral. Isa sa itinuturing na
kahalagahan ng pagtatasang ito ay makita at masuri kung naging epektibo ba ang dulog at
estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral na ginamit.

You might also like