You are on page 1of 2

Bakit gumagawa tayo ng pagtatasa o assessment?

Pumili ng tatlong
pinakamahalagang layunin na applicable sa iyong mga subject/kurso.
Pagkatapos ay komprehensibong ipaliwanag ang mga ito.

1. Pagsukat kung ano ang natutunan ng mga mag-aaral.


Komprehensibong paliwanag:
- Upang lubusang mabatid at maunawaan ng mga mag-aaral ang mga
paksang naitalakay sa loob ng klase. Dito nalalaman kung nagiging
mabisa ang mga pamamaraan o estratehiyang ginamit sa pagtuturo
ng bawat aralin. Alam natin na isanaalang-alang sa lahat ay mga
natutunan ng mga mag-aaral kaya sa pamamagitan ng pagtatasa ay
nasusukat natin ang kanilang taglay na kakayahan ng mga mag-aaral
kung gayon ay makakapagplano tayo nang higit na naayon sa
kanilang kakayahang taglay at masuri ang bahaging may kalakasan
at kahinaan ng karamihan sa mga mag-aaral.Higit sa lahat tungkulin
natin bilang mga guro na magkaroon ng iisang panukat sa bawat
mag-aaral ngunit kailangan natin na ang mga pagtatasang ito ay
nagkakaron ng iba’t ibang panimpla na tutugon sa pangangailan at
kagustuhan ng karamihan sa kanila.

2. Pagtukoy sa mga partikular na problema upang magplano ng mga


gawaing pantulong o panglunas (pangremedial).
Komprehensibong paliwanag:
- Ang kasalukuyang kasanayan ng mga guro sa pagplano ng mga
gawain pantulong o panglunas(remedial) ay pagkakaroon ng
pagtatasa sa bawat mag-aaral. Ito ay nagsisilbing daan upang masuri
ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral sa bawat aralin. Sa
bawat markahan ay nakakaroon ng pagtatala sa kung aling bahagi ng
aralin ang nangangailangan pa ng karagdagang gawain upang sa
pamaraang ito ay matulungan sila na maisakatuparan ang hinihingi
ng kompetensi.Sa madaling salita, malaki ang papel ng pagtatasa at
assessment sa bahaging ito lalong-lalo na sa kasalukuyang panahon
na distance-learning ang paraan ng pagkatuto.

3. Pagbibigay ng impormasyon sa aking mga mag-aaral tungkol sa


kanilang pag-unlad.
Komprehensibong paliwanag:
- Ang pagtatasa ay nagibigay ng impormasyon sa aking mag-aaral sa
kanilang pag-unlad dahil ito ay tumutulong upang makapagbigay sa
bawat mag-aaral ng gabay kung hanggang saan ang kanilang alam
na sa bawat aralin o kung alin ang mga aralin na kailangan nilang
balikan upang maisakatuparan ang mithiin ng asignatura.Kalimitan
din na sa pagbibigay natin ng impormasyon sa mga mag-aaral ay
maaaring magkaroon ng motibasyon na mas pagbutihin pa ang
kanilang pagkatuto kng sakaling kakikitaan ng hindi gaanong nakamit
ang hinihingi ng kurso o asignatura.

You might also like