You are on page 1of 14

SIATON NATIONAL Baitang/Ant

GRADE 7 Paaralan 7 Markahan Pangalawa


HIGH SCHOOL as
DAILY LESSON
Guro Exequiela Quinol Asignatura Araling Panlipunan
PLAN
Petsa/Oras Novembre 6, 2023 / 8:00-10:00 AM Seksyon: 7 Tubio

A. Pamantayang Pangnilalaman
(Content Standard)
I. LAYUNIN

B. Pamantayan sa Pagganap
(Performance Standard)
C. Kasanayang Pampagkatuto 1. Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.
(Learning Competencies) Code: AP7 KSA-IIb1.3
Layunin (Lesson Objectives)
Knowledge K: Natutukoy ang kahulugan at katangian ng kabihasnan.

Skills S: Nasusuri ang mga pangyayaring naganap sa kabihasnang Sumer.


A: Napapahalagahan ang mga ambag ng kabihasnang Sumer sa kasalukuyang
Attitude panahon.
II. NILALAMAN (Subject Matter/Lesson) Konsepto at Katangian ng Kabihasnan: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Mga Kagamitang Panturo laptop, power point presentation, manila paper, chalk

MELC Curriculum Guide Araling Panlipunan 7 Araling Asyano


Title: Philippines Photo Stack - Travel Place Landmark Photo Collage. Stock
Photo, Picture and Royalty Free Image. Image 131423734. (n.d.).
Www.google.com. Retrieved November 3, 2023, from
B. Mga Sanggunian (Source) https://images.app.goo.gl/Tsr4qxwLZCt7EZ6y6
Title: Culturas mesoamericanas by zapatadiana71 on emaze. (n.d.).
Www.google.com. Retrieved November 3, 2023, from
https://images.app.goo.gl/BvLun1WwychGTc6N9
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral

Balikan:

1. Ano ang kabihasnan?


2. May kaugnayan ba ang heograpiya ng Mesopotamia sa paglinang at pag-
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
unlad ng kabihasnang Sumer? Ipaliwanag ang iyong sagot.
pagsisimula ng bagong aralin
3. Tumingin ka sa iyong paligid at tukuyin mo ang pinakamahalagang
ambag sa kasalukuyang panahon. Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang mga ambag ng
‘ IV. PAMAMARAAN (PROCEDURES)

kabihasnang Sumer?
Mga aralin:
A. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng kabihasnan.
B. Tatalakayin ang mga naging kontribusyon ng mga kilalang kabishasnan
sa Asya.
C. Napapahalagahan ang kulturang nalinang ng mga Sumerians sa
Mesopotamia at ang pagbabagong naidulot nito sa kasalukuyang
panahon at sa hinaharap.

Talasalitaan: Dapat Tandaan


Kabihasnan - ay tumutukoy sa maunlad na antas ng kultura.
Ekonomiya - Ito ay ang kakayahang matugunan ang pangangailangan sa
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
pagkain ng mga nasasakupan.
Pamahalaan - ang nagtatakda ng batas at tagapagtanggol sa mga nasasakupan
sa banta ng panganib.
Teknolohiya - ito ay ang mga kasangkapan o paraan na ginagamit ng tao
upang mapabilis at mapagaan ang kanilang trabaho at gawain.
Relihiyon - Naging sentro ng pamumuhay sa mga lungsod ang
paniniwala na may isang makapangyarihang nilalang na lumikha sa kanila.
Sistema ng Pagsulat - ang mga sinaunang tao ay gumamit ng mga simbolo,
larawan, at pictographs sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Mesopotamia - o ang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog.” ang itinuturing
na pinakamatandang kabihasnang sumibol sa daigdig.
Fertile Crescent - isang hugis buwan at may matabang lupain na nakapalibot
dito.
Teokrasya o theocracy - ang uri ng pamahalaan umiral sa Sumer kung saan
ang pinuno ng pamahalaan ay siya ring pinuno ng simbahan.
Polytheist - o sumasamba sa maraming Diyos ang mga Sumerians.
Ziggurat(s) - ang ziggurat ay mga templong tore na nagsisilbing tahanan ng
patron o diyos ng isang lungsod.
Edubba - ang paaralan na ipinatayo sa Sumer.
Cuneiform - ang itinuturing na pinakaunang uri ng pagsulat, na binubuo ng higit
sa 500 pictographs at mga simbolo na nakasulat sa tabletang luwad gamit ang
stylus.
Cacao – ginamit bilang unang pambayad sa kalakal.
Algebra – sa prinsipyong ito ng matematika, ginagamit sa pagbibilang na
nakabatay sa 60, pahahati o fraction, gayundin ang square root.
BUUIN MO AKO!
Panuto: Ayusin ang mga ginulong titik upang matukoy at makuha natin ang mga
tamang salita na may kaugnayan sa ating paksang aralin.

Papangkatin ko kayo sa tatlong grupo at bawat miyembro ay dapat magtutulungan


para mabuo ang mga titik at ipadikit ito sa pisara. Pagtapos ng mabuo ang letra
ay sumigaw ng “darna” para malaman nating kung anong grupo ang nauna. Mag-
assign ng isang representanti na magbabasa salitang nabuo at ang kahulugan
3. Pag-uugnay ng mga halimbawa
nito. Bibigyan ko kayo ng 3 minuto para buuin ang nagulong titik at ang unang
sa bagong aralin
grupong makabuo ng salita ay makakatanggap ng premyo.

Sagot:
Mga salitang dapat mabuo:
1. Euphrates
2. Ziggurat
3. Cuneiform

Ano ang kabihasnan? Ilan ang katangian ng kabihasnan?


4. Pagtatalakay ng bagong konsepto
Sagot: Ang kabihasnan ay tumutukoy sa maunlad na antas ng kultura. Ito ay
at paglalahad ng bagong
nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
kasanayan #1
- Ekonomiya
Ito ay ang kakayahang matugunan ang pangangailangan sa pagkain
ng mga nasasakupan. Binubuo din ito ng mga manggagawa na eksperto
sa kanilang gawain upang maging maunlad ang kanilang pamayanan.
- Pamahalaan
Ang isang matatag na pamahalaan ay pinamumunuan ng isang pinuno
sa iba’t-ibang gawain ng lungsod. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng
batas at tagapagtanggol sa mga nasasakupan sa banta ng panganib.
- Teknolohiya
Ito ay ang mga kasangkapan o paraan na ginagamit ng tao upang
mapabilis at mapagaan ang kanilang trabaho at gawain.
- Relihiyon
Naging sentro ng pamumuhay sa mga lungsod ang paniniwala na may
isang makapangyarihang nilalang na lumikha sa kanila.
- Sistema ng Pagsulat
Ang mga sinaunang tao ay gumamit ng mga simbolo, larawan, at
pictographs sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Ano ang Mesopotamia at bakit ito kilala sa tawag na “fertile crescent”?
Sagot: Ang Mesopotamia o ang “lupain sa pagitan ng dalawang ilog.” ang
itinuturing na pinakamatandang kabihasnang sumibol sa daigdig. Ang dalawang
ilog na ito ay ang Ilog Tigris at Ilog Euphrates. Dumadaloy ang mga ito mula sa
silangang bahagi ng Turkey patimog-silangan, at dumaraan sa hilagang bahagi
ng Syria at Iraq, hanggang Persian Gulf. Kilala din ang Mesopotamia bilang Fertile
Crescent dahil ito ay hugis buwan at sa matabang lupain na nakapalibot dito.
5. Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong Dahil sa pagbaha ng dalawang ilog amg Ilog Tigris at Ilog Euphrates ano ang
kasanayan #2 nabuo?
Sagot: Nakabuo sila ng maayos na paraan ng sistemang irigasyon na nakatulong
sa pagpapaunlad ng pagsasaka. Ito ang nagbigay-daan upang matustusan ang
lumalaking populasyon ng lugar bunga ng pandarayuhan ng iba’tibang pangkat
ng tao tulad ng mga Sumerians.

Paano naging hudyat ng pagyabong ang pagdating ng mga Sumerian sa


Mesopotamia?
Sagot: Ang pagdating ng mga Sumerian ay nagdala ng mga pagbabago at
makabago sa kultura, teknolohiya, at ekonomiya ng rehiyon, na nagresulta sa pag-
unlad nito.

Anong uri ng pamahalaan ang umiral sa Sumer, at paano ito naimpluwensyahan


ng relihiyon?
Sagot: Umiral ang teokrasya o theocracy sa Sumer, kung saan ang pinuno ng
pamahalaan ay siya ring pinuno ng simbahan.

Sino ang nangunguna sa mga seremonyang panrelihiyon sa pinakatuktok ng


ziggurat?
Sagot: Ang mga pari ang nangunguna sa mga seremonyang panrelihiyon sa
pinakatuktok ng ziggurat.

Ano ang tatlong antas ng tao sa lipunan ng Sumer?


Sagot: Ang tatlong antas ng tao sa lipunan ng Sumer ay ang maharlika (pari at
opisyal ng pamahalaan), mga mangangalakal at artisan, at mga magsasaka at
alipin.

Ano ang mga paksa o aralin na itinuturo sa unang paaralan o edubba ng mga
Sumerians?
Sagot: Sa edubba, itinuturo ang iba't-ibang disiplinang pang-edukasyon tulad ng
kasaysayan, matematika, kartograpiya, batas, medisina, at astrolohiya.

Ano ang tungkulin ng mga eskriba sa lipunan ng Sumer?


Sagot: Ang mga eskriba ang tagapag-ingat ng mga rekord ng pamahalaan. Sila
ang nagmamantala ng mga dokumento at mahahalagang talaan.

Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga Sumerians?


Sagot: Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Sumerians ay pagsasaka.

Paano nila iniiwasan ang pagbaha sa kanilang sakahan?


Sagot: Sila ay gumagawa ng mga dam at dike upang maiwasan ang pagbaha na
maaaring maidulot ng mga ilog sa kanilang sakahan.
Ano ang Cuneiform at ano ang kahalagahan nito sa kasaysayan ng pagsusulat?
Sagot: Ang Cuneiform ay ang itinuturing na pinakaunang uri ng pagsulat na
binubuo ng higit sa 500 pictographs at mga simbolo na nakasulat sa tabletang
luwad gamit ang stylus. Ito ay mahalaga sa kasaysayan ng pagsusulat dahil ito
ang naging unang sistematikong paraan ng pagpapahayag ng ideya at
komunikasyon sa mga Sumerian.

Ano ang mga kontribusyon ng mga Sumerian sa larangan ng matematika?


Sagot: Ang mga Sumerian ay nag-ambag sa larangan ng matematika sa
pamamagitan ng pagpapakilala ng konsepto ng algebra. Sa kanilang prinsipyong
matematika, gumamit sila ng base-60, pahahati o fraction, at square root. Ito ay
nagbigay-daan sa mas komprehensibong paggamit ng matematika sa kanilang
kabihasnan.

Ano ang kalendaryong ginamit ng mga Sumerian at ilang buwan ang mayroon ito?
Sagot: Ang mga Sumerian ay gumamit ng kalendaryong lunar na may 12 buwan.
Ito ay isang sistema ng pagtukoy ng mga panahon at oras sa kanilang kabihasnan.

Ano ang mga pangunahing sanhi ng pag-unlad ng kabihasnang Sumer?


Sagot: Ang mga pangunahing sanhi ng pag-unlad ng kabihasnang Sumer ay ang
mga imbensyon sa pagsasaka, kalakalan, at iba pang industriya, ang pagtatayo
ng mga dam at dike, at ang pagkakatatag ng organisadong pamahalaan.

Ano ang papel ng mga kanal pang-irigasyon sa pag-unlad ng kabihasnang


Sumer?
Sagot: Ang mga kanal pang-irigasyon ay naglaro ng mahalagang papel sa pag-
unlad ng kabihasnang Sumer dahil ito ang nagbigay daan para sa epektibong
pamamahagi ng tubig sa kanilang mga sakahan. Ito ay nagresulta sa mas
produktibong pagsasaka at masaganang ani.

Bakit mahalaga ang pagtatag ng organisadong pamahalaan sa pag-unlad ng


kabihasnang Sumer?
Sagot: Ang pagtatag ng organisadong pamahalaan ay mahalaga sa pag-unlad ng
kabihasnang Sumer dahil ito ang nagbigay kaayusan at sistema sa kanilang
lipunan. Ito ay nagpahintulot sa kanilang magkaruon ng mga patakaran,
regulasyon, at pamamahagi ng yaman na nagkaruon ng kaayusan at katahimikan
sa kanilang lipunan.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Sumer?


Sagot: Ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Sumer ay ang madalas na
labanan at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado.

GAWAIN 1: Crossword Puzzle


Panuto: Sa pamamagitan ng crossword puzzle. Punan ang mga kahon ng mga
letra upang mabuo ang salita. Ang mga salita na inyong pagpipilian ay makikita
sa kahon sa ibaba. Gawing gabay ang pahalang at pababa na mga
pangungusap sa pagsagot.

MESOPOTAMIA ZIGGURATS SUMER


PAGSASAKA PAGSULAT CACAO
TIGRIS EDUBBA ALGEBRA TEOKRASYA
Mga Tanong
Pahalang:
1. Ito ang kabihasnan na kilala sa tawag na “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog”
2. Ito ang hanapbuhay ng mga Sumerians
3. Ang kambal na ilog ay ang Ilog Euphrates at ang Ilog _____________
4. Ito ang banal na templo ng mga Sumerians
5. Ang uri ng matematika na ambag ng mga Sumerians

Pababa:
6. Ang paaralan na ipinatayo sa Sumer
7. Ito ang uri ng pamahalaan sa Sumer
8. Ang unang kabihasnan na naitatag sa Mesopotamia
9. Ito ang ginagamit na pambayad.
10. Isa sa katangian ng kabihasnan kung saan sila ay gumagamit ng simbolo o
larawan upang ipahayag ang kanilang sarili.

SAGOT:
GAWAIN 2: Ginto o Bayong
Panuto: Lagyan ng tsek () ang ginto kung ang pahayag ay wasto at ekis (X) ang
bayong kung ang pahayag ay mali.

1. Paglinang sa Kabihasan
(Tungo sa Formative
Assessment) SAGOT:
N-N-K Sumerian
Panuto: Sagutin ang nasa kahon nagpapakita ng kulturang nalinang ng mga
Sumerians sa Mesopotamia at ang pagbabagong naidulot nito sa kasalukuyang
panahon at sa hinaharap. Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Paglalapat ng aralin sa pang


araw-araw na buhay

Ang kabihasnan ay tumutukoy sa maunlad na antas ng kultura. Ito ay nagtataglay


ng mga sumusunod na katangian: matatag na ekonomiya at pamahalaan, may
natatanging teknolohiya, paraan ng pagsulat at may kinikilalang relihiyon.
3. Paglalahat ng Aralin sa Disaster
Ang pagdating ng mga Sumerian noong 3,500 B.C.E. ang naging hudyat ng
Management
pagyabong ng Mesopotamia. Ang sistematikong paraan ng pagsasaka, irigasyon,
pagtatayo ng dike, cuneiform, at ziggurats ay ilan lamang sa mga kanilang
natatanging kontribusyon na nakapagpamangha sa kasalukuyang
panahon.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

4. Pagtataya ng Aralin 1. Tumutukoy sa maunlad na antas ng kultura.


A. Kabihasnan C. Cuneiform
B. Mesopotamia D. Ziggurat
2. Ang itinuturing na pinakaunang uri ng pagsulat, na binubuo ng higit sa
500 pictographs at mga simbolo na nakasulat sa tabletang luwad gamit
ang stylus.
A. Kabihasnan C. Cuneiform
B. Mesopotamia D. Ziggurat

3. Ito ay mga templong tore na nagsisilbing tahanan ng patron o diyos ng


isang lungsod.
A. Kabihasnan C. Cuneiform
B. Mesopotamia D. Ziggurat
Pilipinas Collage
Napag-aralan natin sa modyul na ito ang kahulugan at katangian ng isang
kabihasnan. Nasuri mo din/natin na ang Sumer ay isang katangi-taning
kabihasnan. Masasabi mo ba na ang Pilipinas ay isang kabihasnan? Ipaliwanag
ang iyong sagot sa pamamagitan ng isang collage. Ilagay ang collage isang short
bond paper. Gamiting gabay ang pamantayan sa pagmamarka ng collage.

Ang collage ay isang likhang-sining kung saan pinagsasama-sama ang iba't-ibang


larawan, teksto, at iba pang materyal upang makabuo ng komposisyon o obra.
Halimbawa ng collage

V. Takdang Aralin
Pamantayan sa pagmamarka ng collage.

Ang lahat ng mga bansa sa daigdig ay abala sa paghahanap ng bakuna laban sa


COVID19. Ito ay magiging isang malaking tulong sa pagsugpo ng epidemya at
ambag sa ating kasaysayan at kabihasnan. Habang nasa proseso ng pagtuklas
ng bakuna, tayo ay may kaniya-kaniyang paraan upang makatulong sa
pamahalaan sa paglutas ng suliraning kinakaharap ng buong daigdig. Bilang isang
mag-aaral, ano sa palagay mo ang pinakamahalaga mong ambag sa pamayanan
sa pagsugpo ng COVID. Ipahayag ang iyong sagot sa story pyramide. Lapatan
mo ito ng sariling pamagat.
VI. Mga Tala
VII. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by: Checked and Observed by:


Lindsey Faith L. Quilnet Exequiela Quinol_
Pre-service Teacher Cooperating Teacher

You might also like