You are on page 1of 3

AGRO – INDUSTRIAL FOUNDATION COLLEGE OF THE PHILIPPINES

Ecoland, Matina, Davao City 8000


Telefax No. (082) 285.0315 / 295.2902 / 301.003 / 293.9948
Email: agrocollege@yahoo.com & www.facebook.com/aifcp
Member: PAMI APSCOR / COCOPEA PAPSCU PRISAA MinTVET – A

BASIC EDUCATION DEPARTMENT


WEEKLY LEARNING PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 7

UNIT TOPIC: ANG HEOGRAPIYA NG ASYA


TIMEFFRAME: July 1-5, 2019

UNIT STANDARD
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano

SUBTOPICS
KLIMA AT VEGETATION COVER NG ASYA

LEARNING COMPETENCIES

1. Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa iba’t-ibang uri ng klima sa Asya


2. Nakagagamit ng mapang pangklima sa pagtukoy ng klima ng mga rehiyon at bansa sa
Asya
3. Nailalarawan ang mga katangian ng mga uri ng klima at vegetation cover tulad ng
tundra, taiga, grasslands, desert, tropical forest, at mountain lands
4. Nasusuri ang ugnayan ng klima at ng vegetation cover bilang bahagi ng kapaligirang
pisikal ng mga rehiyon sa Asya
5. Natataya ang bahaging ginampanan ng klima at ng vegetation cover sa paghubog ng
kabihasnan at lipunan sa Asya

LEARNING TARGETS

ACQUISITION
 Nasusuri ko ang mga salik na nakaaapekto sa iba’t-ibang uri ng klima sa Asya
 Nakagagamit ako ng mapang pangklima sa pagtukoy ng klima ng mga rehiyon
at bansa sa Asya
 Nailalarawan ko ang mga katangian ng mga uri ng klima at vegetation cover
tulad ng tundra, taiga, grasslands, desert, tropical forest, at mountain lands

MAKE MEANING
 Nasusuri ko ang ugnayan ng klima at ng vegetation cover bilang bahagi ng
kapaligirang pisikal ng mga rehiyon sa Asya
 Natataya kong ang bahaging ginampanan ng klima at ng vegetation cover sa
paghubog ng kabihasnan at lipunan sa Asya

TRANSFER
 Nakakagawa ng web organizer na implikasyon o impluwensiya ng klima at biomes sa
paghubog ng mga lipunan at kabihasnan sa Asya.
PAGTUKLAS
Pag tuklas sa paunang kaalaman (Diagnostic assessment)
 Pasagutan sa mag-aaral ang Aktibidad 1.1.2.1 (pagsusuri ng mapa ng Lokasyong Asta
sa Daigdig. Padayo, pahina 25-26
 Maaring gawing takdang aralin bago pagsisimula ng pagtalakay sa aralin upang
maktipid sa orasa. Isagawa ang padsagot ng magkakapangkat ng 2-3 kasapi.
 Ibahagi sa bawat panggat ang kani-kanilang kasagutan at magsagawa ng talakayan sa
aktibidad. Tiyaking maiuugnay ang talakayan sa gabay na tanong at mga kakayahang
dapat malinang

PAGLINANG
Paglinang ng kaalaman at kasanayan (Paksa ng buong aralin: Klima at Vegetation Cover ng
Asya, Padayon Phina 25-42)
 Bilang takdang-aralin basahin ang lahat ng paksain sa aralin 2 (Padayon, Pahina 25-
26) at pasagutan ang aktibidad 1.1.2.2 (Pagsususri ng ilustrayon, Padayon pahina 32)
 Ipaalala sa mga mag-aaral na dapat nilang masagutan ang mga gabay na tanong sa
simulam at pag-iisipang tanong sa huling bahagi ng bawat paksain, at ang mga
pamprosesong tanong tanong sa ibaba ng mga larawan, mapa at ilustrasyon bilang
gabay sa pang-unawang nilalaman sa aralin
 Isagawa ang aktibidad ng isahan o pangkatan ng 3-5
 Malayang talakayan. Magsimula ng talakayan sa klasrum sa pamamagitan ng
pagbabahgi sa klase ng kasagutan ng mga mag-aaral sa gabay na tanong at pag-
isipang tanong sa mga paksain na kanilang binasa. Matapos nito, ipabahagi rin ang
mga kasagutan ng mga mag-aaral sa Aktibida.

PAGPAPALALIM
Pagpapalalim ng kaalaman at pagkatuto (Formative Assessment)
 Bilang takdang-aralin, pasagutan sa bawat pangkat ng mag-aaral ang bahaging rebuy
ng kaalaman at paglinang ng kritikal na pag-iisip sa Rebyu ng pagkaunwa sa Aralin2
(Padayon, pahina 41-42)
 Tipuninang kasagutan ng bawat pangkat ng mag-aaral sa kanilang portfolio
 Magsagawa ng pagtataya sa antas ng pagkatuto at panguanawa ng mga mag-aaral sa
mga paksa sa Aralin 2 sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasagutan ng bawat pangkat
ng mag-aaral sa Rebyu ng pagkauanawa sa aralin.
 Dapat matiyak na magagabayan at matutulungan ang mga mag-aaral na may
mababang antas ng kaalaman sa pamamagitan ng remedials.
 Pagtataya sa pangwakas na paktatuto. (Summative Test)
PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain
Nakakagawa ng web organizer na implikasyon o impluwensiya ng klima at biomes sa
paghubog ng mga lipunan at kabihasnan sa Asya sa larangan ng
(Ekonomiya/agrikultura, Panahanan, kultura,politika)
VALUES INTEGRATION

Self-awareness – mahalagang malaman nila ang kaibahan ng panahon at klima

Inihanda nila: Iniwasto ni: Inaprobahan ni:

Gng. Nelenor M. Baron Bb. Gladys B. Precillas Dr. Suzanne Rose Duran
Academic Coordinator IBED-Principal
Gng. Aljean L. Cenita
Guro sa AP

You might also like