You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 7
ARALIN 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

IKA- 10 NG ABRIL, 2019

Nilalaman: Araling Asyano (Heograpiya ng Asya)


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran
at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap: Malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran


at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pagkatuto: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano.


(AP7HAS-Ia-1)

I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang kinaroroonan ng Asya sa pamamagitan ng mapang pandaigdig.
B. Naitatala ang mahahalagang salitang may kinalaman sa pagtuklas sa Katangiang Pisikal ng
Asya
C. Nakapagbubuo ng konsepto o kaisipan tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya
ng Asya.

II. NILALAMAN
Paksa : “Panimula: Katangiang Pisikal ng Asya”
Sanggunian : Araling Panlipunan 7: Kasaysayan ng Asyano
Glenda P. Del Rosario
KLEAFS Publishing Block 609 Lot 3 Phase 6 Heritage Homes
Loma De Gato Marilao, Bulacan 2017
pp. 3-8
Mga Kagamitan : Laptop, LCD Monitor, Mga Larawan, Tarpapel, construction
paper, pangsulat,
Pagpapahalaga : Pagkakaisa at pagiging makakalikasan
Panahon : 40 minuto

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagtatala ng Liban
4. Balitaan

B. Balik Aral

C. Pagganyak
Mula sa krosista, susubukan ng mga mag-aaral na hanapin, sa anumang
direksyon, ang mga salitang may kinalaman sa pagtuklas ng mga Katangiang
Pisikal ng Asya. Isulat ang mga ito sa papel.

D. Paglinang ng Aralin

a. Paglalahad ng Paksa
1. Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral at magtalaga ng lider sa bawat
pangkat.
2. Isa-isang isusulat ng bawat grupo ang mga salitang kanilang naitala mula sa
krosista sa ibinigay na construction paper.
3. Ang guro ay magtatanong ng mga katanungang makikita sa inihandang
monitor o TV Screen.
4. Matapos basahin ang katanungan, ang bawat grupo ay bibigyan ng 20
segundo upang suriin ang kanilang pinal na sagot mula sa mga sinulatang
papel.
5. Bibigyan ng 10 segundo ang mga pangkat upang ipaskil ang kanilang mga
sagot sa pisara.
6. Sa paglabas ng salitang “time is up!” sa monitor o TV Screen, ang lahat ng
mag-aaral ay nakabalik na sa kani-kanilang pangkat.
7. Ang mga kasagutan ay lalabas sa monitor na umaayon sa pamamagitan ng
wireless control na hawak ng guro.
8. Makakatanggap ng 3 star ang pangkat na may tamang sagot, 2 star sa pangkat
na nagpaskil ng sagot ngunit hindi naitama, at isang star sa walang ipinaskil.
9. Ang pangkat na may pinaka-maraming star ang siyang idedeklarang panalo.

b. Analisis
May tatlong minuto ang bawat pangkat upang pagsunud-sunurin ang mga
salitang nasa parihabang papel batay sa kahalagahan nito kung ang pag-uusapan
ay ang kabihasnan ng mga Asyano. Iuulat ng bawat pangkat kung bakit ganoon
ang kanilang naging sagot.

Inaasahang pagkakasunud-sunod ng limang pinakamahalagang salita:


A. Heograpiya
B. Asya
C. Kabihasnan
D. Kultura
E. Kapaligiran

E. Pangwakas na Gawain

a. Paglalapat
Ipapakita ng guro ang mga iba’t ibang salitang may kaugnayan sa
Katangiang Pisikal ng Asya na may kaakibat na katanungan. Ang unang mag-aaral
na magtaas ng kamay ay siya ang pipiliin upang sumagot.

b. Paglalahat
Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang konsepto o kaisipan tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng heograpiya ng Asya sa pamamagitan ng pinagtagpi-
tagpi ng lima o higit pang ipinaskil sa pisara.

IV. PAGTATAYA
A. PILIIN ANG TAMANG SAGOT (5pts)
Panuto: Isulat sa ¼ sheet of paper ang tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pinakamalaking kontinente sa sukat sa
populasyon?
a. Pisikal c. Russia
b. Kontinente d. Asya (tamang sagot)
2. Ito ay tawag sa pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.
a. Heograpiya (tamang sagot) c. kabihasnan
b. Asya d. Physics
3. Ito ang pangunahing taga-linang ng kapaligiran para sa kaniyang kabuhayan at pagtugon
sa pangangailangan.
a. Kultura (tamang asagot) c. negosyo
b. Kabihasnan d. kapaligiran
4. Tawag sa yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural.
a. Ugnayan c. kabihasnan (tamang sagot)
b. Pananakop ng Kastila d. kultural
5. Tumutukoy sa kalikasan o ang ekolohikal na komposisyong ng daigidig.
a. Kalikasan c. Asya
b. Kapaligiran (tamang sagot) d. Heograpiya

B. PUNAN ANG PATLANG NG TAMANG SAGOT (5pts)


Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat puwang ayon sa mga salitang ating napag-
aralan.

Ang kontinente ng 1. ___________ (ASYA) ay ating tahanan. Bilang mamamayan ito,


mahalaga ang pag-aaral ng 2. ____________ (HEOGRAPIYA) upang malinang ang ating
kaalaman sa pisikal na aspeto ng ating 3. ___________ (KAPALIGIRAN), gayon din sa ating
pang-araw araw na 4. ___________ (KULTURA), na siyang hinubog n gating mga ninuno sa
yugto ng kanilang 5. ___________ (KABIHASNAN).

V. KASUNDUAN
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng magandang tanawin tulad ng bundok o burol. 3
larawan sa bawat pangkat.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon – III
Tarlac City Schools Division Office
Brgy. Sto. Cristo, Tarlac City

BANGHAY ARALIN
ARALING PANLIPUNAN 7
ARALIN 1: KATANGIANG PISIKAL NG
ASYA

Inihanda ni:
DASCO, Magdalena B.
Gurong Aplikante

Ika – 10 ng Abril, 2019

You might also like