You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 7

UNANG MARKAHAN
WEEK 1(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:
1. Ilarawan ang kontinente ng Asya.
2. Ano-ano ang mga paraan sa pagtukoy ng lokasyon?

ANSWERS:

1.
 Ito ang isa sa pitong kontinente ng daigdig.
 Pinakamalaking kontinente sa daigdig.
 Kabuuang sukat 44,486,104 kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang
pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia, at halos
sangkapat (¼) lamang nito ang Europe.
 Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang
sukat ng Asya.
 Hango sa salitang Assyrian na “Asu” na ang ibig sabihin ay silangan.

2.
 Pagtukoy sa apat na linya ng longhitud at latitud
 Pagtukoy sa mga hangganan ng Asya sa apat na direksyon

DAY 2
QUESTIONS:
1. Ano-ano ang naging batayan sa paghahating-heograpiko ng Kontinente ng Asya?
2. Panuto: Tukuyin at kilalanin ang mga sumusunod na pahayag kung anong salik ng paghahating
heograpikal ito.
a. Ang Kanlurang rehiyon ng Asya ay tinatawag na Arid Asia.
b. Halos lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ay nasakop ng mga Kanluranin.
c. Ang bansang Hapon at Tsina ay sumasamba sa mga espiritu ng kalikasan.
3. Sa iyong sariling palagay sang-ayon ka ba sa mga salik sa paghahating heograpikal sa Asya?
Bakit?

ANSWERS:
1. Pisikal,Historikal at Kultural na aspeto.

2. a. Pisikal
b. Historikal
c. Kultural

3. Sang- ayon , sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na
aspeto.
DAY 3
QUESTIONS:

1. Ano-ano ang mga rehiyon ng Asya?


2. Sa inyong palagay, naaayon ba ang paghahati ng mga Rehiyon ng Asya? Bakit?
ANSWERS:

1.
 Hilaga-Gitnang Asya (North Central Asia),
 Timog- Kanlurang Asya (Southwest Asia),
 Timog Asya (South Asia),
 Timog-Silangang Asya (Southeast Asia), at
 Silangang Asya (East Asia).
2.Oo, dahil nahahati ang limang rehiyon ng Asya batay sa lokasyon ng mga ito mula sa Gitnang
Asya.
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 2(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:

1. Ano ang mga kabuhayan ng mga tao sa kapatagan ng Asya?


2. Bakit mahalaga ang kapaligiran sa buhay ng tao?
3. Papaano mapahalagahan ng tao ang kanyang kapaligiran? Magbigay ng dalawang paraan.

ANSWERS:

1.Pagpapastol, Pagtrotroso, Pagsasaka at Pagtatanim.

2. (Sariling Opiniyon/Idea) halimbawa na mga sagot:

 Ang Ating kapaligiran ay napakaimportante sa ating mga tao dahil dito natin nakukuha ang mga
pangunahing pangangailangan tulad ng Pagkain, Damit, Gamot, Inumin, Tirahan,at marami
pang iba.
 Dahil ito ang nagbibigay hanap buhay sa atin at ito rin nagbibigay dekorasyon upang dayuhin
tayo ng mga taga ibang bansa.
 Dahil hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga nasa paligid niya tulad na lamang ng mga
puno tumutulong itong magbigay ng hangin. At dito kumukuha ng pangangailangan upang
mabuhay.

3. (Sariling Opiniyon/Idea) halimbawa na mga sagot:

 kailangan natin panatiliin malinis ang ating kapaligiran.


 Bilang isang mamayanan ang obligasyon natin ay sundin at irespeto ang mga batas para
hindi natin abusuhin ang ating kapaligiran. 

DAY 2
QUESTIONS:

1. Gaano kahalaga ang kapaligiran o katangiang pisikal ng isang bansa sa pamumuhay ng mga tao?
2. Paano nabuo at umunlad ang Kabihasnang Asyano?

ANSWERS:

1. Mahalaga ito dahil nakadepende sa kapaligiran o katangiang pisikal ng isang bansa ang
kabuhayan ng mga tao. Halimbawa, bulubundikin, namumuhay ang mga tao sa pamamaitan
ng pagtatanim o pagsasaka.
2.
 Dahil sa papel na ginampanan ng likas na yaman sa buhay ng tao dito nabuo at umunlad
ang kabihasnang Asyano. Lumawak ang kanilang kaalaman mula sa mga payak na
pamamaraan. Tinuklas nila ang higit pang maunlad na teknolohiya upang malinang ang mga
likas na yaman na makatutugon sa napakaraming pangangailangan ng tao. Sa
ganito,umunlad ang kabihasnan mula sinaunang panahon.
DAY 3
ACTIVITY:
Gumawa ng isang sanaysay (essay) na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa ugnayan ng tao at ang
kapaligirang ginagalawan. Isulat sa isang malinis na papel (long bondpaper).
RUBRIKA SA PAGMAMARKA
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 3(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:
1. Sagana ba sa yamang mineral ang mga bansa sa Hilagang Asya? Patunayan ang iyong sagot.
2. Ano-anong mga mineral ang matatagpuan sa lahat o halos lahat ng bansa sa Hilagang Asya?
3. Ano ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga tao sa rehiyon?

ANSWERS:

1. Oo, sagana sila sa yamang mineral dahil maraming kagubatan dito na mapagkukunan ng
yamang mineral at yamang lupa.
2. Ang mga mineral na matatagpuan sa lahat o halos lahat ng bansa sa Hilagang Asya ay
langis,natural gas,karbon at ginto.
3. Naging maunlad at naging maganda ang pamumuhay ng mga tao dahil sa mga yamang
mineral na matatagpuan sa kanilang rehiyon.

DAY 2
QUESTIONS:

1. Sa iyong palagay, ano ang implikasyon ng pagiging mayaman sa langis ng mga rehiyon?
2. Aling mga bansa ang mayaman sa langis at petrolyo?
3. Mayaman ba sa yamang mineral ang mga bansa sa kanlurang Asya? Patunayan ang iyong sagot.

ANSWERS:
1. Magiging maunlad ang pamumuhay ng mga tao sa mga rehiyong ito dahil sa kasaganahan
nila sa langis at iba pang yamang mineral na tumutugon sa kanilang pangangailangan at
maging sa ibang bansa.
2. Bharain, Iran, Iraq, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, UAE at Yemen.
3. Oo, Dahil ayon sa datos na makikita sa talaan maraming mineral ang makikita sa mga bansa
sa Kanlurang Asya.

DAY 3
QUESTIONS:

1. Anong yamang mineral na madalas makikita sa mga bansa sa Timog Asya? At ano naman
ang bihirang makikita?
2. Batay sa mga datos, paano mo ilarawan ang yamang mineral ng Timog Asya?

ANSWERS:

1. Ang madalas Makita na yamang mineral sa Timog Asya ay ang natural gas, bakal, at batong
apog. Ang bihirang Makita naman ay bauxite, manganese,dolomite, lapis
lazuli,graphite,gemstone ,ilmenite,titanium ,monazite ,silica sand at zircon.
2. Batay sa mga datos na makikita sa talaan,kaunti lamang ang Yamang mineral sa Timog
Asya.
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 4(ANSWER KEY)

DAY 1
ACTIVITY
Pagsasanay: Gumawa ng talahanayan ng mga yamang likas(likas na kagandahan) na
matatagpuan sa ating probinsiya/ lugar.
Halimbawa: Lugar Uri Kapakinaban Pangangalag
Yamang likas gan a
Tingkawob Calinginan Yamang tubig dahil sa Huwag
River Norte, Sevilla, turismo magtapon ng
Bohol nabigyan ng mga basura
hanapbuhay sa ilog para
ang mga manatili ang
taong likas na
naninirahan kalinisan at
malapit sa kagandahan
ilog ni to.

DAY 2

Pagsasanay:
Ilarawan sa apat (4) na mga pangungusap ang implikasyon ng likas na yaman sa pamumuhay ng
tao sa larangan ng agrikultura at ekonomiya.

DAY 3

Pagsasanay:
Bakit kailangang iayon ng mga tao ang kanilang tirahan sa kanilang kapaligiran? Magbigay ng apat
(4) na rason.
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 7(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:
1. Ipaliwanag ang populasyon ayon sa iyong pagkakaunawa.
2. Sa iyong pananaw, bakit dapat masuri ang populasyon?

ANSWERS:
Halimbawa na mga sagot (Sariling Opinyon)
1. Ito ay pangkat ng mamamayan na nakatira sa isang partikular na lugar na may sariling paniniwala,
kultura, tradisyon at batas.
2. Ang populasyon growth ay ang pagdami at paglaki ng bilang ng mga tao sa isang lugar. Dapat itong
masuri upang malaman natin ang kalagayan ng ating bansa.

DAY 2
QUESTIONS:
1. Bakit mahalaga ang kaalaman sa komposisyon ng populasyon?
2. Ano-ano kaya ang mga mabubuting dulot sa pagkakaroon ng bata at matandang populasyon?
Mabuting dulot ng batang populasyon Mabuting dulot ng matandang populasyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.
ANSWERS:
1. Halimbawa na mga sagot (Sariling Opinyon)
 Mahalagang malaman ang populasyon ng isang bansa upang malaman kung paano planuhin at
kontrolin nang tama ang paglago ng populasyon ng bansa. Sa ganoong paraan,matutugunan ang
mga pangangailangan at gamit ng bawat indibidwal sa larangan ng edukasyon at trabaho.
 Upang may kaalaman tayo kung paaano kontrolin ang pagrami ng populasyon at kung paano ito
masusulosyunan.
2. Halimbawa na mga sagot (Sariling Opinyon)
Mabuting dulot ng batang populasyon Mabuting dulot ng matandang populasyon
1. Kayang lampasan ang hamon ng pamahalaan 1.Pagkakaroon ng mabuting kalagayan sa bansa
2.Matugunan ang pangangailangan ng kabataan 2.Dadami ang kaalaman ng batang populasyon
tungkol sa pagsolusyon ng problema ng ating
populasyon.
3.Dadami ang lakas-paggawa sa mga darating na 3.Magkakaroon ng pagtaas ng gastusin sa
panahon. pangangailangang medical at benepisyo.
DAY 3
QUESTIONS:
1. Ano-ano ang mga batayan sa kaunlaran ng isang bansa?
2. Bakit higit na mauunawaan ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa gamit ang GDP?
3. Sa inyong palagay, bakit naaakit ang mga taong manirahan sa mga pook-urban/lungsod? Magbigay ng
tatlong rason.
ANSWERS:
1. Mga Batayan ng Kaunlaran ng isang Bansa
 GDP – (Gross Domestic Product) ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyong
nilikha sa loob ng isang taon.
 Unemployment rate – bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o
Pinagkakakitaan.
 Literacy rate – bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
2. Sa pamamagitan nito masusuri ang mga aspekto ng gawain at ang sektor sa pambansang
ekonomiya na kailangang tugunan ng pansin at naipahihiwatig nito kung saan magsisimula ang
hakbangin ng pamahalaan.
3. Maraming oportunidad sa trabaho o career.
Mas sibilisado at nasa kabihasnan o mas modern ang paraan ng pamumuhay.
Maraming pagpipiliang maganda’t prestihiyosong paaralan.

ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 6(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:
1.Punan mo ng mga detalye ang diagram
2.Bakit nararapat na habang tayo ay patungo sa kaunlaran ay dapat ding pagtuunan ng pansin ang
pangangalaga sa kalikasan?
ANSWERS:
1. Halimbawa na mga sagot: (10 puntos)

SULIRANING PANGKAPALIGIRAN MGA MUNGKAHING SOLUSYON


Tahasang pangwasak ng kagubatan Pagtatanim ng mga kahoy sa
(deforestation) kagubatan (reforestation)
Polusyon Pagtapon ng mga basura sa tamang
lalagyan at magkaroon ng Coastal
Clean-up
Paggamit ng media upang mamulat
ang mga mamamayan sa suliraning
pangkapaligiran.

2. Sariling Opinyon (5puntos)


Dahil ang bawat rehiyon ay may natatanging likas na yaman na nagagamit sa kanilang pamumuhay.
Nararapat na lamang na alagaan ang ating likas na yaman dahil ito ay biyaya ng kalikasan upang
tayo ay mabuhay.
Sariling Opinyon (5puntos)
DAY 2
QUESTIONS:
1. May katotohanan ba na habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao, lalong nagiging mataas ang
pangangailangan para sa likas-yaman? Patunayan.
2. Paano nagaganap ang proseso ng salinization at alkalinisation sa lupang sinasaka?
3. Paghambingin ang salinization sa desertification.
ANSWERS:
(5 puntos bawat bilang)
1. Oo,may katotohanan ito lalong nagiging mataas ang pangangailangan para sa likas-yaman dahil na
rin sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.
2. Lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa ,ang lupa ay
may mataas na lebel ng alkaline na makakasira sa pananim.Nakakaapekto ang dami ng alkaline sa
lupa sa mga prosesong biyolohikal at kemikal nagaganap dito.
3. Salinization - lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa
lupa. Habang ang Desertification- ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong
bahagyang tuyo o lubhang-tuyo (semi-arid at arid) na kapag lumaon ay hahantong sa pagkawala ng
kapakinabangan.
DAY 3
QUESTIONS:
1. Bakit nasisira ang kalikasan at nagkakaroon ng hidwaan ang mga bansa? Ano ang kinalaman ng tao dito?
2. Paano nakaapekto sa mamamayan ang sirang kalikasan at isyung panteritoryo sa Pilipinas?
3. Ano ang mensahe ng artikulo sa mambabasa?
ANSWERS:
Sariling Opinyon (5puntos) bawat bilang

1. Dahil minsan may mga taong abusado sa kalikasan lalo na lumalaganap ang pangangailangan sa
pagkain,Pananahanan at pangkabuhayan kaya minsan ay nadadamay na rin ang kalikasan.
Nagkakaroon ng hidwaan ang mga bansa dahil ito sa pangangailangan ng mga dayuhan sa mga
hilaw na materyales na kinukuha sa mga bansa na mayaman sa likas na yaman.
2. Nakakapagdulot ito ng masama para sa kalusugan at pamumuhay ng mga tao. Dahil mawawalan sila
ng hanap buhay kaya bilang isang Pilipino maaapektohan tayo dahil ang kalikasan ay isa rin sa
pinagkukunan natin ng mga hilaw na materyales sa pagsagawa ng mga produkto.
3. Namulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran.Dapat ito ay pangalagaan at
pagyamanin para may magamit pa ang susunod na henerasyon.

ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 7(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:

1. Ipaliwanag ang populasyon ayon sa iyong pagkakaunawa.


2. Sa iyong pananaw, bakit dapat masuri ang populasyon?

ANSWERS:

DAY 2
QUESTIONS:

1. Bakit mahalaga ang kaalaman sa komposisyon ng populasyon?


2. Ano-ano kaya ang mga mabubuting dulot sa pagkakaroon ng bata at matandang populasyon?
Mabuting dulot ng Mabuting dulot ng
batang populasyon matandang
populasyon

ANSWERS:
4. Magiging maunlad ang pamumuhay ng mga tao sa mga rehiyong ito dahil sa kasaganahan
nila sa langis at iba pang yamang mineral na tumutugon sa kanilang pangangailangan at
maging sa ibang bansa.
5. Bharain, Iran, Iraq, Kuwait, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, UAE at Yemen.
6. Oo, Dahil ayon sa datos na makikita sa talaan maraming mineral ang makikita sa mga bansa
sa Kanlurang Asya.

DAY 3
QUESTIONS:

1. Anong yamang mineral na madalas makikita sa mga bansa sa Timog Asya? At ano naman
ang bihirang makikita?
2. Batay sa mga datos, paano mo ilarawan ang yamang mineral ng Timog Asya?

ANSWERS:

3. Ang madalas Makita na yamang mineral sa Timog Asya ay ang natural gas, bakal, at batong
apog. Ang bihirang Makita naman ay bauxite, manganese,dolomite, lapis
lazuli,graphite,gemstone ,ilmenite,titanium ,monazite ,silica sand at zircon.
4. Batay sa mga datos na makikita sa talaan,kaunti lamang ang Yamang mineral sa Timog
Asya.
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
WEEK 8(ANSWER KEY)

DAY 1
QUESTIONS:
1. Ano ang hakbang na ginawa ng dalawang bansa upang matugunan ang suliran ng paglaki ng
populasyon?
2. Ano ang mga dahilan ng suliranin ng paglaki ng populasyon sa Indonesia?
3. Sang –ayon ka ba sa patakaran ng China at Indonesia na kontrolin ang paglaki ng populasyon sa
kanilang bansa? Pangatwiranan
4. Ano ang masasalamin sa kaso ng dalawang bansang sinuri?
5. Ano ang napatunayan at natutunan mo sa gawaing ito?

ANSWERS:
1. Ang hakbang na ginawa ng dalawang bansa ay nagpatupad sila ng mga patakaran na ang layunin nito ay
para malimitahan ang mabilis na paglaki ng populasyon katulad na lamang ng One Child Policy ng China at
Quality Family 2015 ng Indonesia.
2. Dahil sa pagiging Islamiko , sa lokal na tradisyon at kultura
ng karamihan ng kanilang mamamayan.
3. (Sariling Opinyon) Sang-ayon, dahil pinagtutuunan ng pansin ng mga programang ito o patakaran
namapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng pamilya at pagkontrol sa pabilis na paglaki ng populasyon ng
mga bansa.
4. (Sariling Opinyon) Sa bawat suliraning kinakaharap ay may katumbas na solusyon. Sa sitwasyon ng mga
mamamayan ng dalawang bansa ay katulong nila ang pamahalaan sa paglutas ng suliraning kanilang
hinaharap. Sa pamamagitan ng pagsunod at pakikiisa sa pagtupad ng patakaran makakamit ang
kasaganahan at tagumpay.
5. (Sariling Opinyon) Napatunayan lamang sa gawaing ito na magkaagapay ang mga mamamayan at
pamahalaan ng isang bansa para sa ikabubuti at kaunlaran ng kanilang bansa.

DAY 2
QUESTIONS:
Ibigay ang mga indikasyon sa kaunlarang pantao at ang mga implikasyon nito. Sundin ang pormat sa ibaba.
ANSWERS:
Mga Indikasyon sa Kaunlarang Pantao (indikasyón: anumang nagpapahiwatig o tumutukoy,
tulad ng senyas o sintomas)
 Birth rate – bilang ng buhay na sanggol na ipinapanganak sa bawat 1,000 populasyon sa loob ng isang taon.
 Death rate – bahagdan ng kabuuang bilang ng namatay sa kabuuang populasyon sa isang particular na lugar sa
loob ng isang taon.
 Life expectancy – inaasahang haba ng buhay
Mga Implikasyon (implikasyon ay ang ugnayan sa pagitan ng dalawang mga pahayag ng
isang pahayag na may pasubali (pahayag na may kondisyon).
 Mataas na birth rate - malaki ang potensyal sa paglaki ng populasyon
 Mataas na death rate - may kasalatan sa aspetong medikal ng lipunan
 Mataas na Life expectancy rate – kaginhawaan ng buhay/ progreso sa larangang
Mga Indikasyon Implikasyon
1. Birth Rate 1. Mataas na Birth Rate
2. Death Rate 2. Mataas na Death Rate
3. Life Expectancy Rate 3. Mataas na Life Expectancy Rate

DAY 3
QUESTIONS:

1. Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang yamang tao sa pambansang kaunlaran?


2. Paano maging yaman ang tao sa isang bansa?
3. Bilang isang mamamayan, ano ang gagawin mo upang kapakipakinabang ka?
ANSWERS:
Sariling Opinyon
1. Mahalaga ang yamang tao sa pambansang kaunlaran dahil kailangan ng bansa ang kakayahan at kaalaman ng
yamang tao sa wastong paggamit ng mga likas na yaman.
2. Nagiging yaman ang tao sa isang bansa kapag ito ay may pakinabang sa lipunan at nakatutulong sa
pagpapaunlad ng bansa.
3. Bilang isang mamamayan,ang gagawin ko upang kapakipakinabang sa bansa ay tutulong ako sa pagkamit ng
pambansang kaunlaran , kasaganan at kapayapaan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa at
pagbahagi ng aking kaalaman at kakayahan.

You might also like