You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Unang Yugto ng Kolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marcosa D. Deloria
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B.Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD / Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng
ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyong pagkatuto at makatulong upang


maunawaan ang mga aralin sa Araling Panlipunan 8.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang mga dahilan at pangyayari ng Unang Yugto ng Kolonyalismo;
2. naiisa-isa ang mga bansang nanguna sa panggagalugad; at
3. napahahalagahan ang naging epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.

Mga Tala para sa Guro

Maraming pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng


daigdig sa larangan ng politika, ekonomiko at panlipunan.
Malaki ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga pagbabagong
ito.
Matutunghayan natin sa modyul na ito ang mga
kaganapan, dahilan at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.
Gumamit ng mga larawan sa araling ito upang maipakita ang
mga nanguna sa pagtuklas at panggagalugad.

2
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin


ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Piliin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa paghangad ng


katanyagan at kapangyarihan bilang motibo ng eksplorasyong Europeo.
A. Upang makilala sa buong bansa bilang malakas na bansa.
B. Mangalap ng likas na yaman na kailangan ng kanilang mamamayan.
C. Makapamasyal at makita ang kagandahan ng daigdig.
D. Mamuhunan at makipagkalakalan

2. Isinunod sa kanyang pangalan ang pagkakatagpo ng Bagong Mundo o ang


Amerika.
A. Amerigo Vespucci C. Hernan Cortes
B. Christopher Columbus D. Pedro Cabral

3. Ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng kapitalismo.


A. Bahay-kalakalan C. Salaping barya
B. Salaping papel D. Bangko

4. Alin sa mga sumusunod ang maituturing bilang pangunahing dahilan ng unang


yugto ng kolonisasyon?
A. Ang paghahangad ng mga Europeo ng 3Gs (God, Gold, Glory)
B. Ang pagpapanatili ng mga Europeo ng kanilang katanyagan
C. Ang pagpapalaganap ng mga Europeo ng kalakalan
D. Ang paghahangad ng mga Europeo ng karangyaan sa buhay

5. Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa


paggalugad ng lupain. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan nito?
A. Mga bansang gagawing kolonya C. Pagpapalaganap ng simbahan
B. Karangalan at katanyagan D. Makahanap ng ginto at
pampalasa

6. Kasunduang pinirmahan ng Espanya at Portugal na nagsasaad ng pagkilos ng


line of demarcation patungong Kanluran.
A. Kasunduan sa Tordesillas C. Kasunduan sa Paris
B. Kautusan ng Papa D. Kasunduan sa India

3
7. Isang lugar o maliit na bansa na kontrolado ng isang makapangyarihang bansa
sa pamamahala
A. Sphere of Influence C. Teritoryality
B. Kolonya D. Buffer State

8. Ang dalawang bansa na nagpapaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong


ika-14 hanggang ika-15 siglo.
A. Olandiya at Inglatera C. Espanya at Portugal
B. Olandiya at Alemanya D. Pransya at Inglatera

9. Narating niya ang Calicut, India.


A. Pedro Alvares Cabral C. Vasco da Gama
B. Ferdinand Magellan D. Prince Henry, the navigator

10. Ang Portuges na si Ferdinand Magellan ay naglayag para sa karangalan ng


Espanya.
Sa kanyang paglalakbay patungong Asya, anong ruta ang kanyang hinanap?
A. Pa-Hilaga C. Pa-Timog
B. Pa-Kanluran D. Pa-Silangan

11. Ginamit ng mga manlalakbay na Europeo sa kanilang eksplorasyon na


nakatulong upang taluntunin ang kanilang destinasyon, maliban sa,
A. Caravel C. Astrolabe
B. Compass D. Hourglass

12. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na di-mabuting epekto ng unang yugto
ng kolonisasyon?
A. Natuklasan ang mga lupaing hindi pa nagagalugad
B. Napukaw ang interes ng marami na makapaglayag
C. Nagkaroon ng pagbabago sa “eco-system”
D. Napalakas ang ugnayan ng mga bansa sa silangan at kanluran

13. Mahalaga para sa mga Europeo ang mga pampalasa na nagmumula sa Asya,
alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito:
A. Cinnamon C. Nutmeg
B. Repinado D. Pepper

14. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?


A. Dahil ito ay ginagamit nila sa pakikipagdigma.
B. Dahil ito ay ginagamit nila bilang pampalasa at pagpepreserba ng
mga pagkain.
C. Dahil ito ay ginagamit nila pampreserba ng mga patay
D. Dahil ito ay ginagamit nila bilang pataba sa mga halaman.

4
15. Ang mga nabanggit ay nagpapakita sa mga Europeo sa kanilang kapangyarihan
sa kanilang nasasakupan MALIBAN sa .
A. Pagpataw ng mataas na buwis
B. Pagkilala sa kanila bilang kaibigan
C. Mababang pagtingin ng tao sa lipunan
D. Pagsikil sa kanilang karapatan

Mahusay! Natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari mo ng simulan ang


mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga katanungan na hindi
mo nasagot mula sa panimulang pagtataya, atin itong lilinangin sa mga tekstong
iyong babasahin

5
Aralin
Unang Yugto
1 ng Kolonyalismo
Nang umusbong ang Renaissance, namayani sa Europa ang kaisipan ng
pakikipagsapalaran na nagdulot ng pagyabong ng kaalaman. Ninais ng mga
Europeong ito na tumuklas ng mga bagong kaalaman na magsusulong ng
bagong paniniwala na taliwas sa kanilang nakagisnan.

Balikan

Halina at ating balikan ang ating nakaraang aralin sa pamamagitan ng isang


balangkas ng kaisipan. Punan ng tamang sagot ang mga kahon ayon sa hinihingi ng
mga katagang nakasulat sa labas nito upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Reinassance 1.
Isinilang

R
Nag-ambag sa Ibat ibang Larangan
r
2. 3. 4.
r
Sa katauhan ng mga mahahalagang personalidad
renaissance

5. 6. 7. 11. 12. 13.

8. 9. 10.

Ang mga wastong kasagutan sa isinagawang pagbabalik-aral ay sapat


na upang magpatuloy sa susunod na bahagi ng pagtuklas na kung saan ay
aalamin mo ang iyong kakayahang tukuyin ang paksang tatalakayin.

6
Tuklasin

Sa bahaging ito, iyong tutuklasin ang bagong aralin sa pamamagitan ng


pagsuri sa sitwasyon. Matapos na masuri ang sitwasyon, sagutin ang mga
katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Minsan, napagkasunduan ng inyong pamilya na magkaroon ng


swimming dahil nagkataon na summer at masarap maligo sa dagat. Nang
ikaw ay naroon na, nabigyan ng tuon ng iyong mga mata ang mga barkong
nagyayao’t parito. Natimo ang iyong paningin sa barkong papalayo sa
pampang. Ano ang iyong napansin habang ang mga barkong ito ay papalayo
sa iyo o papalayo sa pampang?
Noong panahon ng panggagalugad, may mga kuwentong nakakatakot
ang naririnig. Naroong sa kabila ng karagatan ay may halimaw, maraming
mga barko ang lumulubog. Subalit sa kabilang banda, may kayamanang
naghihintay sa iyo sa kabila nito.
Kung ikaw ay nabubuhay noong mga panahong iyon, nanaisin mo
bang makipagsapalaran sa paglalakbay?

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/ea/Galleon-
spanish.jpg/1029px-Galleon-spanish.jpg

7
Marahil, may sumagot na para bang nahulog sa kabila ng karagatan ang
mga barko habang papalayo sa iyo o papalayo sa pampang na ang katotohanan ay
patuloy lang siya sa paglalakbay dahil ang mundo ay pabilog. Ito ay maaari mong
ikatakot upang sumama sa paglalakbay bukod pa sa paglubog ng mga barko at
may halimaw sa karagatan.

Suriin

Sa sitwasyong ating sinuri, ito ay mga kaganapan noong panahon ng


panggagalugad na kung saan ang mga tao ay takot maglakbay dahil sa paniniwalang
panganib ang kanilang daranasin sa paglalayag. Matutunghayan natin sa ating
aralin kung ano ang dahilan ng kanilang pagkatakot sa paglalakbay na kalaunan ay
maliliwanagan ang kanilang kaisipan at mapapakinabangan ang kanilang
paglalakbay.

Pinagbatayan ng mga Midyibal na iskolar ang kanilang mga teorya sa mga


prinsipyo at ideya ng mga Klasikal na pilosopo tulad nina Aritotle, Ptolemy at Galen.
Pinaniniwalaan nila na ang mundo ay patag at kapag ang isang maglalakbay sa
karagatan ay nakarating sa dulo nito ay maari siyang mahulog sa pinakadulo.
Maging ang katuruan ng Simbahan ay pinalaganap na ang mundo ay sentro ng
Sansinukob. Ang patunay dito ng Simbahan ay batay sa pagsasabing ang mundo
ay tirahan ng tao kaya ito ang sentro ng Sansinukob.

Unang Yugto ng Kolonyalismong Kanluranin


Simulan natin ang ating aralin, sa paglilinaw ng kahulugan ng salitang
Kolonyalismo. Ano nga ba ang Kolonyalismo? Ano ang pagkakaiba nito sa
Imperyalismo? Ang Kolonyalismo ay mula sa salitang kolonya na nagmula sa
salitang Latin na “colons” na ang kahulugan ay magsasaka o “farmer.” Ang
kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa
iba pang mahihinang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito
tulad ng pagkuha ng mga kayamanan. Kolonya ang tawag sa mga teritoryo at
mamamayan na napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang
mananakop, samantalang ang kolonyalista ay ang tawag sa mga bansang
mananakop. Ang Imperyalismo naman ay paraan ng pamamahala kung saan ang
malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga
pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga
bansa. Ang mga bansang sakop nito ay tinaguriang kanilang Imperyo. Tatlong bagay
ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga Europeo:

• Paghahanap ng kayamanan;
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
• Paghahangad ng katanyagan at karangalan.

8
Mula ika-15 hanggang ika-17 siglo, naganap ang unang yugto ng
Imperyalismong Kanluranin. Ang pagbabagong naganap sa Europa sa Panahon ng
Renaissance ang nagsilbing inspirasyon sa mga manlalakbay at nabigador na
maglakbay sa ibat-ibang bahagi ng daigdig.

Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo


Naging kaakit-akit ang Asya sa paningin ng mga Europeo. Ang tangi lamang
nilang kaalaman tungkol sa Asya ay mula sa tala ng paglalakbay ng nabigador na
sina Marco Polo, at Ibn Battuta. Naakit sila sa mayamang paglalarawan kaya
naghangad silang marating ang lugar ng Asya. Ang aklat ni Marco Polo, “The Travels
of Marco Polo” ay naging mahalaga sapagkat ipinaaalam nito sa mga Europeo ang
yaman at kaunlarang taglay ng Tsina. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating
ang Tsina. Naitala naman ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang
paglalakbay sa Asya at Aprika. Malaki rin ang naitulong ng dalawang instrumento
na natuklasan para sa mga manlalakbay, ito ay ang “compass” na nagbibigay ng
tamang direksyon habang naglalakbay at ang “astrolabe” na gamit naman upang
sukatin ang taas ng bituin. Naging dahilan din ng pananakop na ito ang
pagpapasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain ng dalawang bansa
sa Europa – ang Portugal at Espanya. Nanguna ang Portugal sa mga bansang
Europeo sa katauhan ni Prinsipe Henry “the Navigator” na naging inspirasyon ng
mga manlalayag sa kanilang panahon. Hinikayat niya ang mga dalubhasang
mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Masidhi ang
kanyang pagnanais na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng
Diyos at ng Portugal. Nakadepende ang mga Europeo sa paggamit ng mga pampalasa
o “spices” na matatagpuan sa Asya lalo na sa India tulad ng paminta, cinnamon at
nutmeg.

Mga Nanguna sa Panggagalugad


Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad sa karagatan ng Atlantiko
upang makahanap ng mga pampalasa at ginto. Sa pagitan ng 1320 hanggang 1528,
nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa
kanlurang bahagi ng Aprika upang hanapin ang daang
katubigan patungo sa Asya. Natagpuan ni Bartholomeu Dias
noong Agosto 1488 ang pinakatimog na bahagi ng Aprika na
kilala sa tawag na Cape of Good Hope. Ang paglalakbay na ito
ni Dias ay nagpapakita na maaaring makarating sa Silangang
Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Aprika.

Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang


Vasco da Gama naglakbay na pinamunuan ni Vasco da Gama mula sa Portugal
https://upload.wikimed
hanggang sa Calicut, India. Taong 1500 sinakop ng manlalayag
ia.org/wikipedia/comm na si Pedro Cabral ang Brazil. Pinangunahan ng mga Heswita
ons/thumb/5/5c/Vasc
o_da_Gama.jpg/200px-
ang pagbuo rito ng mga pamayanan na naging destinasyon ng
Vasco_da_Gama.jpg> pandarayuhan ng mga Portuges. Sa kalagitnaan ng ika-16 na
[Accessed 3 September
2020]. siglo, ang mga Portuges ay nangailangan ng mga manggagawa

9
sa kanilang mga taniman ng tubo sa America, kung kaya ito ang naging dahilan ng
malawakang pagluluwas ng mga aliping Aprikano. Naging malaking negosyo para
sa mga Portuges ang kalakalang ito ng mga alipin sa malaking bahagi ng Amerika.

Ang Paghahangad ng Espanya ng Kayamanan Mula sa Silangan

Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga Portuges


sa panggagalugad. Sa ilalim ng pamamahala nina Haring
Ferdinand at Reyna Isabella ng Castille, naging dahilan
ito upang maghangad din ng yaman sa Silangan. Sa
kanilang pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng
ekspedisyon sa Silangan sa katauhan ni Christopher
Columbus na isang Italyano manlalayag na unang
namuno sa paglalayag patungong India. Binigyan siya ng
titulong “Admiral of the Ocean Sea”, “Viceroy” at
“Gobernador” ng mga islang kaniyang natagpuan sa
Indies. Tatlong ekspedisyon ang kanyang pinamunuan
Christopher Columbus
bago siya namatay nooong 1506. Narating niya ang mga
https://upload.wikimedia.org/wiki
isla sa Carribean at sa Timog Amerika nguni’t di siya pedia/commons/thumb/f/f9/Chris
nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo ng topher_Columbus10.jpg/200px-
Christopher_Columbus10.jpg
silangan.

Sa panahong yaon, hindi pa maunlad ang mga gamit sa paglalakbay. Noong


1507, isang Italyanong manlalakbay na si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si
Columbus ang nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang Amerika at naitala sa mapa ng
Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Isinunod kay
Amerigo Vespucci ang pangalan ng Amerika.

Paghahati ng Mundo

http://gorhistory.com/AmericanSamoa/DoctrineDiscovery.html

Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya at Portugal sa panggagalugad ng


mga lupain. Upang malutas ang suliranin ng Espanya at Portugal sa kanilang
tunggalian sa panggagalugad isang kasunduan ang napagpasyahan sa pagitan ng

10
Portugal at Espanya noong 1493 sa bisa ng isang kautusang pinalabas ni Pope
Alexander VI na naghahati sa lupain sa mundo na maaaring tuklasin ng dalawang
bansa. Nagtalaga ang Papa ng paghahati o “line of demarcation” na magmumula sa
gitna ng Atlantiko patungo sa Hilagang Polo hanggang sa Timog Polo.
Nangangahulugan ito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa Espanya at para naman sa Portugal ang
Silangang bahagi ng linya. Hindi nasiyahan ang Portuges sa ginawang paghahating
ito ng Papa kaya naghain ito ng petisyon upang baguhin ang naunang linya na dapat
mapunta sa kanila at sa Espanya. Nakita nila na baka lumawak ang panggagalugad
ng Espanya sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa
silangan. Sa bisa ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494, nagkasundo ang
magkabilang panig na baguhin ang “line of demarcation” pakanluran. Ipinakikita
rito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang
bahagi ng mundo na hindi nararating ng mga taga-Europa.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan


Taong 1519, naglayag ang Portuges na si Ferdinand
Magellan para sa karangalan ng Espanya. Sa ilalim ng bandila
ng Espanya, inilunsad niya ang kanyang paglalakbay upang
maghanap ng rutang pa-Kanluran patungo sa Asya.
Natagpuan niya ang silangang baybayin ng Timog Amerika o
ang Brazil, natagpuan din niya ang isang makitid na daanan
ng tubig na tinawag na “Strait of Magellan,” pagpapangalan sa
malaking karagatan na Karagatang Pasipiko, at hanggang sa
marating nila ang kasalukuyang bansa ng Pilipinas.

Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng


https://upload.wikimedia.org/
mga kasamahan at pagkagutom. Nalagpasan nilang lahat ng
wikipedia/commons/thumb/c/ ito at nakatagpo sila nang malaking kayamanang ginto at
c3/Ferdinand_Magellan_by_Cris
pijn_van_de_Passe_1598.jpg/57 pampalasa. Nagawa nilang binyagan sa Katolisismo ang
6px maraming mga katutubo. Sa nasabi ring ekspedisyon,
Ferdinand_Magellan_by_Crispij
n_van_de_Passe_1598.jpg nagpakilala ito na maaaring ikutin ang mundo at muling
bumalik sa dating pinanggalingang lugar ng ang sasakyang
Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan ng isang katutubong
Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang unang “circumnavigation” o pag-ikot sa mundo.
Itinama nito ang dating lumang paniniwala ng mga taga-Europa na ang mundo ay
patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan sa Silangan at lalong
nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.

Kolonisasyon ng Espanya sa America


• Hernan Cortes – Kastilang mananakop na nagtungong Mehico noong 1519
upang maghanap ng yaman at ginto.
• Francisco Pizarro – noong 1532, sinakop at pinabagsak niya ang Kaharian ng
mga Inca sa Peru.

11
• Francisco Vasquez de Coronado – noong 1540, pinangunahan niya ang
pagsakop sa Arizona, New Mexico, Texas, Oklahoma at Kansas na ngayon ay
mga estado ng Estados Unidos. Natuklasan din niya ang Grand Canyon.
• Hernando de Soto – Kastilang nagpatuloy ng paglalayag at pananakop para
humanap ng mga ginto noong 1541 na nakarating sa Ilog Mississippi sa
Amerika.
• Vasco de Balboa – matagumpay niyang naitayo ang permanenteng
panirahanan sa Amerika sa silangang baybayin ng Ishmus ng Panama noong
1510 at noong 1513, siya ang unang nakatagpo sa “Great South Seas,” na
ngayon ay Karagatang Pasipiko.
• Juan Ponce de Leon- napasakamay niya ang Florida noong 1513 sa
paghahanap niya sa “Fountain of Youth,” na pinaniniwalaang
nagpapanumbalik ng kabataan sa sinumang maligo rito.

Panggagalugad at Pananakop ng Iba pang Bansang Europeo


• Henry Hudson – isang manlalayag na Ingles na naglingkod sa karangalan ng
Olandes na nakarating sa Ilog Hudson na ipinangalan sa kanya noong 1609.
• John Cabot – noong 1497, naglayag siya mula sa Inglatera sa baybayin ng
Atlantiko at narating nito ang lugar na ngayon ay nakilala bilang Canada.
• Francis Drake – noong 1577, isa sa kinilalang mahusay na manlalayag dahil
siya ang unang kapitan na lumibot sa buong mundo ng tuloy-tuloy at tumalo
sa “Spanish Armada”, na naging hudyat ng paghina sa kapangyarihan ng
Espanya sa Europa.
• Giovanni da Verrazano – noong 1524, isang Italyanong manlalakbay na
naglingkod sa pamahalaang Pranses upang hanapin ang rutang pandagat
mula Hilagang Amerika patungo sa Karagatang Pasipiko. Subalit, hindi niya
ito narating, bagkus natuklasan niya ang kinaroroonan ngayon ng New York
harbor.
• Jacques Cartier – narating niya ang bahagi ng Montreal, Canada noong 1534.
• Samuel de Champlain- natagpuan niya ang Quebec noong 1608 upang
magtatag ng unang pamayanang Pranses.
• Robert Cavalier – inangkin niya ang buong Ilog Mississippi para sa Pransya
noong 1682.

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo


Maraming pagbabago ang naging hatid ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Katulad
ng sumusunod:

• Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin sa labas


ng Europa.

• Nakatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan na siyang nagbigay wakas sa


mga Italyano sa pagmomonopolyo ng mga kalakal sa Europa. Naging sentro
ng kalakalan ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantiko mula sa
Espanya, Portugal, Pransya, Flanders, Olandya at Inglatera.

12
• Dumami ang mga kalakal na nagmula sa Asya, tulad ng “spices.” Mula sa
Hilagang Amerika ang kape, ginto at pilak; sa Timog Amerika galing ang mga
asukal at molasses; sa Kanlurang Indies ang mga indigo, at sa Aprika galing
ang mga kahoy, ivory, ginto at mga ostrich.

• Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak na galing sa Mehico,


Peru at Chile dahil sa pagdami ng mga produkto.

• Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko dahil sa dumaraming salapi ng


mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng kanilang mga
salaping barya.

• Nang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel, ito ang
nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo
o interes.

• Lumaganap ang relihiyong Kristiyanismo partikular ang Katolisismo ng


Espanya at Portugal.

• Sa larangan ng wika at kultura, nanatili hanggang sa ngayon sa lahat halos


ng maraming bansa sa Gitna at Timog Amerika ang wikang Espanyol, wikang
Pranses sa ilang bansa at pulo na nasakop ng Pransya sa Caribbean, at
Portuges sa Brazil. Maging sa Pilipinas, ilang wika natin ay mula sa mga
Espanya.

• Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang ekolohikal sa daigdig na nagresulta sa


pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at maging mga sakit na dala ng mga
Europeo.

• Nagkaroon ng malawakang kalakalan ng mga alipin na naging mahalagang


bahagi ng komersiyo sa Europa bunga ng kakulangan ng mga manggagawa
sa mga minahan at plantasyon sa Amerika.

• Nagkaroon ng malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa


nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Naging daan din ito
sa nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.

• Nakahikayat din ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at


teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

• Nagsimula rin ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan.

• Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng


pagkawala ng kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.

13
Pagyamanin

Matapos mong suriin ang unang yugto ng Kolonyalismo, masusubok


ang iyong kakayahan sa pagpapayaman ng kaalaman hinggil sa natapos na
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok na inihanda para sa iyo.

A. Mapa-Nakop

Panuto: Tukuyin sa mapa ang mga nasakop na bansa ng mga sumusunod na


Europeo. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

MANANAKOP BANSANG NASAKOP


1. Bartholomeu Dias
2. Ferdinand Magellan
3. Vasco da Gama
4. Vasco de Balboa
5. Pedro Cabral

https://www.pinterest.ph/pin/314900198940565312/

Brazil Pilipinas Calicut, India


Cape of Good Hope, Aprika Canada Mehiko

14
B. Kasama Ko, Hanapin Mo!
Panuto: Suriin ang mga magkakahanay na manggagalugad. Isulat sa sagutang papel
ang hindi kabilang sa grupo.
1 2 3
Francisco Vasquez de Coronado Hernan Cortes Aristotle
Hernando de Sotto Francisco Pizarro Ptolemy
Juan Ponce de Leon Vasco de Balboa Copernicus
Hernan Cortez John Cabot Galen

4 5
Vasco da Gama John Cabot
Pedro Cabral Samuel de Champlain
Bartholomeu Dias Robert Cavalier
Amerigo Vespucci Jacques Cartier

C. Timeline ng Paglalakbay, Sundan mo!


Panuto: Piliin ang tamang datos sa loob ng kahon upang mabuo ang timeline.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1609 1519 1513 1541 1532


1500 1488 1492 1497 1510

1. Bartholomeu Diaz 6. Juan Ponce de Leon

2. Christopher Columbus 7. Ferdinand Magellan

3. Amerigo Vespucci 8. Francisco Pizarro

4. Pedro Cabral 9. Hernando de Soto

5. Vasco de Balboa 10. Henry Hudson

D. Truth or Bluff
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag hinggil sa epekto ng Kolonyalismo.
Isulat sa sagutang papel ang salitang Truth kung may katotohan at Bluff kung
wala.

1. Nagkaroon ng malawakang 2. Lumawak at lumaganap ang


pagkakatuklas sa mga lupaing mga salaping ginto at pilak
hindi pa nagagalugad. galing sa Espanya, Portugal at
Olandiya.

15
3. Pinasimulan ang pagtatatag 4. Lumaganap ang Relihiyong
ng mga bangko, dahil sa Protestante.
dumaraming salapi ng mga
mangangalakal

5. Lumawak ang mga teritoryong


nasasakupan ng mga bansang
Kanluranin sa labas ng Europa.

E. Like or Dislike!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Iguhit sa sagutang papel ang thumbs
up sign kung ikaw ay sumasang-ayon at Thumbs down sign kung hindi.

1.Masidhi ang pagnanais ni Prinsipe Henry na makatuklas ng mga bagong


lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.

2. May tatlong bagay ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga


Europeo – Kayamanan, Kristiyanismo at Katanyagan at Karangalan.

3. Naging dahilan din ng pananakop ang pagpapasimula ng paglalayag at


pagtuklas ng mga bagong lupain ng dalawang bansa sa Europa - ang
Portugal at Olandiya

4. Malaki ang naitulong ng dalawang instrumento na natuklasan para sa


mga manlalakbay tulad ng “compass” na nagbibigay ng tamang direksyon
at ang “astrolabe” na sumusukat sa taas ng bituin.

5.Ang aklat na “the Travels of Marco Polo,” ay naging mahalaga sapagkat


ipinaalam nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng Tsina.

16
F. Palaisipan
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sagot sa palaisipan.

PAHALANG

5. Narating niya ang Mehiko

PABABA

1. Pinabagsak niya ang Kaharian ng Inca sa Peru


2. Narating niya ang Ilog Mississippi
3. Nagtatag ng permanenteng panirahanan sa Panama
4. Natagpuan niya ang Florida

Isaisip

Tanong Ko, Ipaliwanag Mo!


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mabuti at di-mabuting epekto ng Kolonyalismo.

Mabuting Epekto ng Kolonyalismo Di-Mabuting Epekto ng Kolonyalismo

17
Isagawa

Pagpapahalaga Mo, Iguhit Mo!


Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbabago
sa larangan ng paglalayag dulot ng teknolohiya. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Rubrik para sa Poster

Natamong
Pamantayan Indikador Puntos
Puntos

Nilalaman 1.Naipakita at naipaliwanag nang 5


maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa paggawa ng poster

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe 5


konsepto sa paglalarawan ng konsepto

Pagkamapanlikhain Orihinal ang ideya sa paggawa ng 5


(Originality) poster

Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang 5


Presentasyon presentasyon

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon 5


(Creativity) ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto at mensahe

Kabuuan 25

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin


ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Bakit malaki ang naidulot ng paglalakbay ni Marco Polo upang mamangha at


mahikayat ang mga adbenturerong Europeo na makarating at makipagsapalaran
sa Asya?
A. Dahil kinalugdan siya ni Kublai Khan at itinalagang maglakbay sa ibat-
ibang bansa sa Asya.
B. Dahil narating niya ang mga lugar ng Tibet, Burma, Laos, Java, Japan,
pati na ang Siberia.
C. Dahil inilahad niya sa kanyang aklat ang mga nakita niyang
magagandang kabihasnan sa mga bansang Asyano lalo na sa Tsina, na
inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito.
D. Dahil naglakbay at nanirahan siya sa Tsina at naging tagapayo ni
Emperador Kublai Khan.

2. Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colons na ang ibig sabihin ay


magsasaka. Alin sa sumusunod ang namumukod tanging tumutukoy sa salitang
kolonyalismo?
A. Nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang estado sa
aspektong politika, kabuhayan at kultural ng mahina at maliit na estado.
B. Isang sistema kung saan ay namumuhunan ng kaniyang salapi ang isang
tao upang magkaroon ng tubo o interes.
C. Isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang
magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
D. Isang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak,
may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang
bansa.

3. Nakatulong nang malaki sa mga ______________ ang imbensyon at pagpapaunlad


ng compass.
A. Marino C. Sundalo
B. Negosyante D. Siyentipiko

4. Sino ang nanakop at nakatuklas sa kaharian ng mga Inca sa Peru?


A. Balboa C. Pizarro
B. Cabral D. Soto

19
5. Bansang inangkin ni Pedro Cabral para sa Portugal.
A. Brazil C. India
B. India D. Mexico

6. Kanino nagmula ang pangalan ng Amerika?


A. Christopher Columbus C. Amerigo Vespucci
B. Ferdinand Magellan D. John Cabot

7. Kautusang ipinalabas ni Pope Alexander VI na naghahati sa lupaing maaaring


tuklasin ng Portugal at Espanya.
A. Inquisition C. Papal Bull
B. Interdict D. Presidential Decree

8. Si Prinsipe Henry ang nanguna sa pagtataguyod ng mga paglalayag sa


pamamagitan ng ________________
A. Pagbibigay ng libreng pag-aaral sa gustong maglayag.
B. Pag-aanyaya sa mga mandaragat.
C. Pagbibigay ng pabuya sa sinomang gustong maglayag.
D. Pagpapakulong sa sinomang ayaw tumalima.

9. Ang mga sumusunod na mga bansang Europeo ay nagkaroon din ng iteres na


sumali sa paligsahan ukol sa panggagalugad, maliban sa:
A. Netherlands C. Pransya
B. Inglatera D. Gresya

10. Sino ang mananakop na nagpabagsak sa Kaharian ng mga Aztec?


A. Bartholomeu Diaz C. Hernan Cortes
B. John Cabot D. Vasco da Gama

11. Sinong Kastila ang conquistador na sumakop sa Imperyo ng mga Inca na kung
saan ay pinatubos at pinatay rin ang pinuno ng mga ito.
A. Hernan Cortes C. Hernando de Soto
B. Francisco Pizarro D.Francisco Vasques de Coronado

12. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maraming suliranin sa mga bansang
nasakop ng mga Kanluranin, maliban sa
A. Pagkawala ng kasarinlan
B. Napilitang kumain ng mga pagkaing hindi nila nakagisnang kainin
C. Pagsasamantala sa kanilang likas na yaman
D. Paninikil sa karapatan ng mga katutubo

20
13. Alin sa mga sumusunod ang naging salik ng paglalakbay ng mga Europeo sa
malalawak na karagatan noong ika-15 siglo?
A. Pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumenting pangnabigasyon at
sasakyang pandagat.
B. Pag-amuki ng mga hari na masipaglayag ang mga mamayan upang
makahanap ng pagnenegosyohan.
C. Paghahanap ng matitirahang lupain dulot ng paglaki ng bilang ng
populasyon.
D. Pag-iwas sa kalupitan ng mga Monarkiya.

14. Noong panahon ng panggagalugad, karamihan sa mga pampalasa ay


matatagpuan sa ________.
A. Moluccas C. Sumatra
B. Timor D. Java

15. Anong aklat ang nakapanghikayat sa mga Europeo na marating ang Tsina?
A. Turn Right at Machu Picchu
B. The Life and Voyages of Christopher Columbus
C. The Rise and Splendour of the Chinese Empire
D. The Travels of Marco Polo

Karagdagang Gawain

Pangalan mo, I-akrostik mo!


Panuto: Gamit ang mga letra ng iyong pangalan, bumuo ng AKROSTIK gamit ang
mga kataga mula sa napag-aralang paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel

21
22
Newton
13.Isaac
Pagyamanin
Galilei
Tayahin
A.
12.Galileo
1. Aprika
Copernicus
1. C
2. Pilipinas
11.Nicolaus
2. A
3. India
Santi
3. A
4. Canada
10.Raphael
4. C
5. Brazil
Vinci
5. A
B.
9.Leonardo da
6. C
1.Hernando Cortez
Bounarotti
7. C
2.John Cabot
8.Michelangelo
8. B
3. Copernicus
Shakespeare
9. C
4. Amerigo Vespucci
7.William
10. C
5. Robert Cavalier
Boccacio
11. B
C.
6.Goivanni
12. B
1.1488 6.1513
Petrarch
13. A
2. 1492 7.1519
5.Francesco
14. A
3. 1497 8.1532
4.Agham
15. D
4. 1500 9. 1541
3.Pagpipinta
5. 1510 10 1609
Musika
D.
2.Sining at
1.Truth
1.Italya
2. Bluff
ng sagot)
3. Truth
sa sariling ayos
4. Bluff
Balikan (Batay
5. Truth
E.
15. B
1. Like
14. B
2. Like
13. B
3. Dislike
12. B
4. Like
11. D
5. Like
10. B
F.
9. C
Pababa
8. C
1.Francisco Pizarro
7. B
2. Hernando de Soto
6. A
3. Vasco de Balboa
5. D
4. Juan Ponce de Leon
4. A
Pahalang
3. B
5. Hernan Cortes
2. A
1. A
Subukin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bibliographic Entry:

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigdig. 1st
ed. Reprint, Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014.

“K To 12 Gabay Pangkurikulum Aaling Panlipunan Baitang 1-10”. Department of


Education, 2014. https://ww.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/grade/8.

“Most Essential Learning Competencies (MELCs)”. Learning Resource Management


and Development System, 2020. https:lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

Perry, Marvin, and Daniel Davis. History of The World. Reprint, Boston,
Massachusetts: Houghton Mifflin Company, 1989.

“Project EASE: Araling Panlipunan II – Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng


Teritoryo

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f9/Christopher_Colu
mbus10.jpg/200px-Christopher_Columbus10.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c3/Ferdinand_Magel
lan_by_Crispijn_van_de_Passe_1598.jpg/576px
Ferdinand_Magellan_by_Crispijn_van_de_Passe_1598.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/ea/Galleon-
spanish.jpg/1029px-Galleon-spanish.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/5c/Vasco_da_Gama.
jpg/200px-Vasco_da_Gama.jpg> [Accessed 3 September 2020].

https://www.pinterest.ph/pin/314900198940565312/

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

24

You might also like