You are on page 1of 23

Ibong Adarna

Pangwakas na Gawain
Sino ako?
Tukuyin kung sinong tauhan mula
sa Ibong Adarna ang nagpahayag
ng sumusunod na linya.
“O, Panginoong mataas,
panginoon naming lahat, ituro
ang landas sa alipin mo‟y
mahabag.”
“Kapwa kami ay iginagalang
prinsipe ng aming bayan, pagkat
ako ang panganay sa akin ang
kaharian.”
“Kung ako man ay lumisan ‘di sa
iyo’y hinanakit, manapa nga’y sa
pag-ibig maligtas ka sa pasakit.”
“Kapaguran ang aming
naranasan dahil ang bunsong
minamahal ay hindi namin
natagpuan.”
“Ang bunso kong si Don Juan may
loob na malumay, matapat sa
kaibiga’t uliran sa kabaitan.”
Pagsulat ng Iskrip
Ang pagsulat ng iskrip ay nakasulat na salitang sinasabi bilang
batayan sa pagganap ng mga aktor sa dula. Ang skrip ang
basehan ng mga taong bumubuo ng isang matagumpay na
palabas. Malaking tulong ito sa mga tagaganap o aktor, ng
direktor, ng tagaayos ng musika, ng editor, at maging technician.
Sa pagsulat ng skrip ay kailangan maisaala-alang ang kalinawan
ng plot o banghay, tauhan, tagpuan at ang mahahalagang
kaisipang hatid nito sa mga manonood.
PRE-WRITING
Ayon kay Ricky Lee sa aklat niyang Trip to Quiapo: Scripwriting Manual,
ang prewriting stage ay bahagi ng pag-iisip o pagpaplano. Sa bahaging ito
binubuo ang pangyayari o daloy ng kuwento upang malaman kung sino ang
tauhan na gaganap bilang bida at kontrabida, gayundin kung saang lugar o
tagpuan magaganap at anong banghay ang gagamitin. Isinasama rin sa
bahaging ito kung anong paksa ang magiging daloy ng skrip. Ang mga
halimbawa nito ay ang mga skrip tulad ng nakatatawa, nakaiiyak, o
melodrama. Kailangan din makita dito malinaw, kawili-wili, at
makatotoohanan ba ang mabubuong kuwento.
WRITING STAGE
Matapos ang pre-writing susunod naman ang writing stage.
Ayon din kay Ricky Lee, mas mabuting makasulat muna ng
sentence outline. Ang sentence outline ay de-numerong
pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento. Ang
binibigyang pokus dito ang eksena hindi ang deskripsyon at
tauhan
REWRITING STAGE
Pagsasaayos muli ng nabuong sentence
outline. Sa pamamagitan ng pagsasaayos
maaari na isama ang tauhang nagsasalita,
props, eksena, at iba pa upang mabuo ang
iskrip.
Ibong Adarna
Pangwakas na Gawain
MGA TIYAK NA KASANAYAN
• Naisasagawa ang sistematikong pananaliksik tungkol sa mga impormasyong kailangan sa pagsasagawa
ng iskrip ng pangkatang pagtatanghal F7EP-IVh-i-10
• Naisusulat ang orihinal na iskrip na gagamitin sa pangkatang pangtatanghal F7PU-IVe-f-23
• Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong
iskrip F7WG-IVj-23
• Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip F7PT-IVc-d-23
• Nabibigyang-puna/ mungkahi ang nabuong iskrip na gagamitin sa pangkatang pagtatanghal F7PB-IVh-
i-25
• Nakikilahok sa malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng korido na naglalarawan ng
pagpapahalagang Pilipino F7PS-IVj-23
• Naibibigay ang mga mungkahi sa napanood na pangkatang pagtatanghal F7PD-IVc-d-22
GRASPS
GOAL
 Makasulat ng iskrip para sa isasagawang
pagtatanghal tungkol sa ilang
saknong/bahagi ng Ibong Adarna na
nagpakita ng mga pagpapahalagang Pilipino
GRASPS
ROLE
 script writers, mga aktor at aktres sa teatro

AUDIENCE
 mga guro at kapwa mag-aaral
GRASPS
SITUATION
 Ang inyong pangkat ay kalahok sa isasagawang Festival of
Talents sa buong dibisyon kung saan magpapamalas ng talento
sa dulaan ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan. Ang
napiling piyesa ng dula ay mga piling saknong mula sa Ibong
Adarna na nagpapakita ng mga pagpapahalagang Pilipino
GRASPS
PRODUCT
 iskrip at pagtatanghal

STANDARD
 rubrik
RUBRIK SA PAGMAMARKA
 Nilalaman ng iskrip- 10
 Kasiningan ng pagtatanghal- 10
 Props at costume- 5
 Indibidwal na iskor- 5
Kabuoan: 30 puntos

You might also like